What's new

Help Ano po bang pwedeng gawin para maka move on?

zabby07

Eternal Poster
Established
Hindi po sa love life ako broken, sa mama ko po na kakamatay lang last month. Until now nahihirapan pa rin ako makahanap ng way para maka move on. Inaaliw ko naman sarili ko pero di pa rin sapat. Salamat.
 
Mahirap magbigay ng advice kasi hindi ko pa nafe-feel iyan pero pagdating talaga sa mga bagay na ganyan kailangan ng pagtanggap. Kahit sino mahihirapan tanggapin kapag nasa ganyang sitwasyon pero that doesn't mean diyan na natatapos lahat. Ituloy mo lang kung ano ginagawa mo and at the same time huwag mo kakalimutan iyong taong nawala sayo.

“There are three deaths. The first is when the body ceases to function. The second is when the body is consigned to the grave. The third is that moment, sometime in the future, when your name is spoken for the last time.” ― David Eagleman, Sum: Forty Tales from the Afterlives
 
mas maganda doon ka sa mataong lugar yung marami yung nakaka osap mo wag ka mag pabaya sa pag kain at higit sa lahat panalangin naway bigyan ka ng katahamikan sa isip mo lods :)
 
Parang kakacomment ko lang about acceptance hehe. Anyway Papa ko and Lola ko. Isang linggo lang pagitan nung namatay 2 months ago. My dad died May 10 then my grandma died May 17. Ililibing na papa ko tas may ibuburol na naman. Doble sakit and actually akala ko ikamamatay ko na sa sobrang lungkot at sakit ang nangyayari sken. But ito lang inisip ko.

If magiging miserable ako or malungkot, hindi yun magugustuhan ng mhal ko sa buhay na nawala. We have to be strong and cope whatever how hard the situation is. Magpakabusy ka sa ibang bagay, be with your friends, talk to them and ayos lang umiyak kungyun ang makakapagpagaan ng loob mo. Pero move forward and stand up again..Continue living because there's still challenges that we need to face and it requires courage so be brave enough to accept it okay. Okay lang yan. Magiging okay ka din.

Sorry hindi pala ito okay pero yeah soon magiging okay ka din. Help yourself okay :)

Sorry to hear pala about the demise of your Mom. :(
 
First of all condolence lods 🙏 . Para sakin wag mo lang pilitin, if masakit pa normal lang yan. Iiyak mo kung mabigat pa rin tanggapin, ilabas mo lang.

Time heals all wounds, dumaan ka lang sa proseso lods. Dahan-dahan lang, take your time 😌 .
 
condolence bro

eto tandaan mo bro mula sa salita ng DIYOS

Mateo 10:29-31 TLAB​

Hindi baga ipinagbibili ng isang beles ang dalawang maya? at kahit isa sa kanila'y hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahintulot ng inyong Ama: Datapuwa't maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat. Huwag nga kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya.

may rason bakit tayo mamatay
 

Similar threads

Back
Top