What's new

Ano na?

Makentosh

Elite
Joined
Aug 16, 2015
Posts
9,060
Reaction
10,102
Kamusta mga kabirtwal kong kaibigan, kamustang pamumuhay natin dyan?
Lahat nalang siguro nagkakahirapan, kung may extra ka pwede pautang naman?
Dejoke lang, pinapatawa lang kita kase alam mo sobrang bigat na ng mundo ngayon
Bilang nalang yung oras natin baka mauna pa tayong malagay sa kahon

Ito'y mensahe kung san itutulak kita pataas hanggat gusto mo
Kung di sapat ang saranggola gawin nalang nating paru-paro
Sabagay mas maganda pagmatayog yung lipad para swabe
Tao kalang din naman hoy! wag kang masyadong maarte

Akala mo kung sinong makapanglait eh mas masahol pa sa asong tuturukan ng injection
Kung bihasa kana sa buhay wag mo nalang pakialaman yung ibang direskyon
Yan tayo eh, mahilig mangumpara sa kung anong meron nila na wala sa iba
Matuto lang makuntento yan ang payo ko sayo na wag na magaksaya

Ng oras sa mga bagay na wala namang kabuluhan
Sarap mabuhay diba pag marami kang natutulungan?
Di man natin kayang baguhin ang mundo ng mag-isa
Simulan mo mismo sa sarili mo ang umpisa.

Haha napasulat agad ako eh, boring na. Kinakalawang na yata utak ko haha.
 
haahhah anong nakaen mo master at may litanya ka na naman hahah :ROFLMAO: Kala ko kung saan moko itutulak eh hahaha.. hihilahin din kita hahaha... pautang po master pambili lang ng dias:ROFLMAO:
 

Online statistics

Members online
1,759
Guests online
1,584
Total visitors
3,343

Forum statistics

Threads
1,199,641
Posts
21,229,258
Members
1,595,966
Attachments
1,685,216
Profile posts
99,779
Top