What's new

Ano difference ng MTB, Road Bike at Gravel bike

KantonerongBanal

Honorary Poster
Established
Joined
May 10, 2018
Posts
294
Reaction
68
Points
153
Age
27
Pa help mga bike experts, bagong salta kase ako sa bulacan at medyo mahirap ang transpo kase pila dito pila doon at medyo mahal ang pamasahe.. Since around manila lang ang work ko kaya ko naman ibike from home to work. Penge ako insights niyo kung anong bike ang recommended sa malubak at maraming sasakyan ng daanan?
Thanks and more power mga ka padyak!
 
depende lods, kung may mga bitbit ka n mejo madame, go for gravel bike, pero kung gusto mo paspasan at mabilis makarating sa iyong paruruonan, go for road bike (goods ang RB pag patag lang). pwede din MTB kung malapit lang naman work mo at wala ka masyado bitbit since mejo malubak din sa dinadaanan mo.
 
mas ok kung mag gravel bike ka gravel bike ito yung pinagsamang roadbike x mtb ang pinag kaiba lang sa mtb nito yung shock and may kamahalan lang talaga ang mga piyesa nito
 
Since sabi mo maraming sasakyan at malubak then go for mtb. Mas madaling imaneuver ang mtb kesa gravel bike at road bike. Comfortable pa dahil sa shocks. Kung road bike or gravel bike gagamitin mo matagtag, walang shock mga yan. Install ka pa ng shock sa saddle mo. Handle bar ng mtb lagariin mo na lang kung nalalakihan ka.
 
Kung araw araw pasok mo ts, mtb ka na. Di ka man ganun kabilis pero matibay.
Hirap na lalo sa Bulacan, puro lubak. Kawawa road bike. Lugi sa pang maintenance. 😅😅

And sa maraming sasakyan, doble alerto lang talaga palagi. Ride safe!
 
mtb ka boass para all road at comfort

pde din gravel para andun yung comfort ng fat tires at handling ng roaddie pero baka mangalay ka sa hoods unlike sa mtb na relax ka
 
mtb need mo boss. wag ka mag road bike kasi marami lubak lugi ka sa maintenance nyan.
 
Back
Top