What's new

Crypto ANO BA MAGANDA SA DALAWA?

Poll

  • Trading

    Votes: 2 33.3%
  • Investment

    Votes: 4 66.7%

  • Total voters
    6

awitized101

Enthusiast
Joined
Jan 2, 2021
Posts
31
Reaction
4
Points
41
Hawig na hawig ung stock sa crypto, pero hindi yan ung balak kong tanungin, gusto ko lang malaman, ano bang mas maganda? Trading o Investment? Pakilapag sa poll mga master.

May mga napanood at nabasa ako tungkol sa trading at investment, ipepresent ko sainyo ung mga punto.

Halimbawa yung bitcoin, kapag nasa trading ka, minimum of minutes to week lang eh magsesell ka na. Kumpara sa Invesment na months to years o decade pa nga.

Kapag naintindihan mo ung blockchain technology at future ng bitcoin, malamang nasa investment ka. "Bitcoin is the future" "We are in digital age." "wait ka 10years" "Hodl ka lang" yan ung mga linyahan. Aabot daw ng $400,000 ung price per 1 bitcoin. Aba, interesante, kaso ganun nga ba? Well base naman sa chart, tumaas nga naman. Isa din sa narinig ko na matanda, "hangga't gustong baguhin ng mga tao ang takbo ng currency, hindi babagsak sa $0 ang bitcoin".

Sa daming nagsasabing, bubble lang yan, sa daming political attacks, nandyan parin ang bitcoin, "Bitcoin is not an illusion, It's reality." yan ang huling salitang nag-udyok saken, na magandang investment ang bitcoin. On the other hand. Ibang-iba ang senaryo sa trading.

Well expected naman kase day-trading eh wala silang pake sa block blockchain na yan, habol nila pera.

Mapapansin mong mala-demonyo ung mga candles, taas baba, talagang kakabahan ung bûlbôl mo pri. Pero dito ko nalaman ung mga strategy at mga technical analysis na yan. ung fomo, psychology mga ganyan. Which is ansarap sa ears. Ung fomo (fear of missing out) kase muntik na ko madali, yan ung trending ung bitcoin tulad ngayon, trending ngayon ang bitcoin, kaya andaming bumibili "bili na ko pre, this is the future." pero base dun sa mga technical analysis, eh magkakaroon ng correction o babagsak, tapos dun na sila iiyak. Sumakay kasi sila sa hype train eh. Pero kung sapat naman ung masels at mga tekniks mo, ok naman pôta.

More on opportunity at skill-based ang trading. Tapos ung investment, di ko na alam pre, pano kung in 5years wala na ung bitcoin, isang malaking scam? edi mas bale nag trading nalang ako. Saan kaya mas maganda sa dalawa?
 
Last edited:
[XX='awitized101, c: 644960, m: 1808750'][/XX] any amount basta EXCESS/EXTRA funds not for emergency purposes in the future, else pressure lang yan sayo pag namula yung position mo.
 
Back
Top