What's new

Ano ba gamot sa depression?

T O J i

Nöté Deóbfuscâte♎
Elite
May katabi kasi kaming bahay tapos lagi ako napapatingin dun, malaking bahay Wala naman ako nakikitang may tao dun pero minsan may naririnig ako nagsasarado ng pinto o naririnig na boses as in wala ko maisip ako nagawa kong mali, Napapagbitangan ako na may masamang balak daw kaya natingin ako dun, Ilang araw ako binubulabog trip nila ako pagdabugan, Pinapatahol pa nila ng malakas yung aso para magising ako, As in sirang sira na ako saka ko lang nalaman ganun pala yung tingin nila sakin.

Di na ko makatingin kasi guilty daw ako, Pero alam ko dati pa nakikiramdam sila samin, Alam nila baho ng buhay namin, Minsan di ako mapakali feeling ko may natingin samin, Pero never ko pinansin.. Tang n parang gusto ko na lumayas , Di ko alam.
 
Last edited:
Mas maganda patingin ka sa Psychologist lodi mas sila nakakatulong sayo lalo na kung di mo na talaga kaya at kahit anong gawin mong pag lilibang anjan parin, Nung time na sobrang stress ako , mentally and physically drained na sa trabaho , society , toxic relationship nakipag usap ako sa malayong friend ko di naman sya psychologist pero yung work nya is related dun , kasi tinry ko sa mga kaibigan o sa di ko kilalang tao pero may kulang parin hindi pa satisfied anjan parin . Sila ang may mas alam lods try mo
 
Trip ko daw kasi pamangkin nila, Ako na walang clue sabi ko "Ha"? Paanong trip natingin daw kasi ako sa bintana, What ano connect napapatingin ako kasi ang laki laki ng bahay nila, Tapos ang dilim bukas pa yung bintana kaya napapatingin ako , Kahit naman sino mapapatingin dun, Feeling ko kasi may nakatingin sakin kapag ganun, Malaking bahay kasi pinanggalingan namin walang tubig, walang ilaw, Di rin ako mapakali dun kaya dala dala ko sa paglipat namin dito sa bagong lugar.
 
The best way is to consult a professional. Kung may budget ka, try mo magpatingin sa psychologist. If medyo kapos, try mo sa KonsultaMD or OVP's E-Konsulta. May free sessions sila before though hindi ko sigurado kung hanggang ngayon ay meron.
 
Saka ko lang narealize na lagi pala sila nakatingin samin, Siguro lagi yan nakamasid samin daig pa namin magnanakaw 😆 May 2nd floor kasi sila kitang kita kami tapos pansin ko ngayon tuwing darating ako pinapatahol nila ng malakas yung mga aso nila, Last 2 weeks di lang yan pinapatalbog pa nila ng malakas yung kainan ng aso sabay sinisigaw nila yung pangalan ng pamangkin na sinasabi na trip ko daw, Paano di ako mai-stress tuwing alas 5 pinapatahol yung aso sabay balibag ng kainan para magising ako, ano gagawin ko ignore lang ba sagot diyan? Nagsabi na ko kina papa di ako pinapaniwalaan yan yung part na pinag iisipan na pala kami ng masama di pa ako pinaniniwalaan, ganun din si mama walang pakiramdam.

Kaya nga sabi ko na lang kay mama, Darating yung panahon di nyo na ko makikita.
 
Naranasan ko na rin ma depress lagi ko iniisip "bakit pa ko pinanganak sa mundo" magulo din isip ko dahil sa estado ng buhay namin ngayon di tulad dati na de pa private school pa kami ng kapatid ko siya sa UE (ComArts) ako naman sa Christian School(IT) pero dumating sa Punto na nawalan ng trabaho parents namin yung papa ko naman nagkasakit 5years na siya sa gamutan hanggang ngayon, so ayon naghirap talaga kami master at magulo din ang isip nag seself pity din ako Lalo na may Kaya yung girlfriend ko (architect po siya matagal na rin kami)nasa isip ko lagi "matatanggap Kaya ako ng parents ng gf ko?" (Italian citizens po sila pero dugong Pinoy) so ayon na nga sobrang hirap ng life haha maiiyak matatawa ka nalang talaga, matured naman po ako magisip nasa edad narin pero di ibig sabihin di na tatablan ng problema sa buhay, alam mo po lahat ng tao may kanya kanyang struggle sa buhay di ka po nagiisa marami po tayo, di rin po ibig sabihin na nahihirapan tayo ngayon e ganito nalang hanggang sa huli, meron din pong breakthrough, make your own happiness master wag po natin e Asa sa iba na sila yung magpapasaya sa atin, wag mo na rin pong pansinin kung wala ka naman nagawang mali, libangin mo rin po sarili mo nood ka po anime o kdrama(wag lang po yung sobrang nakakalungkot yung story) haha ganyan po ginawa ko effective may improvement naman po, saka sa tulong nadin ng gf ko medyo bumabangon na rin ngayon. Bakas lang haha accept your weakness turn it to strength "a fast do slow a wind that blows gives chill the show" there's always room for improvement master malalampasan mo rin yan and a time for sunrise sa kabila po ng kalungkutan may kasiyahan Kaya mag jowa ka na po 😂
 
Salamat sa advice 😆
 
Walang gamot ang depression, actually need modin yan eh. All negative emotions have their own purpose, but it's up to us to handle it well. Kaya may makita ka na tao na di gumagana yung therapy kasi di pa totally ready yung overall control nila sa self nila.
 
Similar threads

Back
Top