Ano ba ang mas angkop gamitin, ang 'Jehovah' o 'Yahweh'?

Status
Not open for further replies.

Mind Palace

Elite
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,136
Reaction
321

Ano ba ang mas angkop gamitin, ang 'Jehovah' o 'Yahweh'?


Sinabi noon sa Paunang Salita ng New world Translation, 1950 Edition na ang salitang 'Yahweh' ang mas angkop gamitin pero dahil sa familiarity ng mga tao sa pangalang 'Jehovah' kung kaya ito ang ginamit sa salin ng NWT Bible.

May mali ba sa paggamit ng isang pamilyar na pangalan?


Tingnan nating muli ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa bagay na iyan. Buweno, napakaraming mga pangalan sa Bibliya ang kilala natin dahil mas pamilyar tayo sa mga pangalang iyon kaysa sa isa nilang pangalan, bagaman angkop din namang gamitin.

Halimbawa na lamang nito ay ang tagasunod ni Jesus na si Levi.​
Paano kung sabihin natin na ang tekstong babasahin natin ay mula sa aklat ni Levi? Hindi ba't posibleng magsalubong ang kilay mo kapag narinig mo ang pananalitang iyan?​
Baka nga masabi mo pa,​
"Teka, sino ba si Levi? Parang wala pa akong nakitang aklat na gano'n sa Bible."
Si Levi ay mas kilala sa pangalang Mateo. Mas pamilyar tayo sa pangalan niyang iyan kasi iyan na ang ginagamit ng mga tao. Pero hindi natin itinatanggi na angkop din namang gamitin ang pangalang Levi.​
Sino pa?​
Ang lingkod ng Diyos na pumalit kay Moises noon sa pangunguna sa Israel, si Hosea.​
"Hosea? Di'ba si Josue ang pumalit doon?"
Tama! Si Josue nga. Pero napansin mo ba?​
Mas kilala mo ang pangalang Josue kaysa Hosea kasi iyon ang pamilyar sa'yo.
Oo, walang masama kung pamilyar na pangalan ang gamitin natin. Bagaman, hindi natin itinatanggi na angkop din namang gamitin ang pangalang Hosea.
Sino pa?​
Yung isang manunulat ng Bibliya na napakaraming liham na ginawa - si Saul.​
"Teka, baka si Pablo ang tinutukoy mo?"
Tama! Si Pablo nga. Ginamit ko lang yung isang pangalan na angkop din namang itawag sa kaniya, pero yamang mas pamilyar tayo sa pangalang Pablo, ito ang siyang ginamit ko.​

NGAYON, ANO ANG PINUPUNTO KO DITO?

May maka-Kasulatang dahilan sa paggamit ng isang 'pamilyar' na pangalan kahit na may mas angkop na pangalan kaysa dito.


Kaya, kung gagamitin man namin ang 'Jehova' bilang paggamit sa pangalan ng Diyos kahit na mas angkop gamitin ang 'Yahweh', hindi naman ito nangangahulugan na hindi na namin pinaparangalan ang pangalan ng Diyos bagkus ay ginagamit pa nga ito sa wika kung saan naaangkop sa amin.
 
Status
Not open for further replies.
Top