What's new

Closed Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Kalayaang Magpasiya? Kinokontrol ba ng Diyos ang Lahat ng Bagay?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,215
Points
2,569
502013208_univ_lsr_lg.jpg



Ang sagot ng Bibliya
Sa halip na itadhana ng Diyos ang mangyayari sa atin, binigyan niya tayo ng kalayaang magpasiya o gumawa ng sarili nating mga desisyon. Isaalang-alang ang turo ng Bibliya.
  • Nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang larawan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Di-gaya ng mga hayop na kadalasang sumusunod lang sa kanilang instinct, tayo ay katulad ng ating Maylalang na nakapagpapakita ng mga katangiang gaya ng pag-ibig at katarungan. Tulad niya, may kalayaan din tayong magpasiya.
  • Tayo ang may malaking pananagutan sa kung ano ang ating magiging kinabukasan. Hinihimok tayo ng Bibliya na ‘piliin ang buhay sa pamamagitan ng pakikinig sa tinig ng Diyos,’ o pagsunod sa kaniyang mga utos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Paano natin magagawa iyan kung wala naman tayong kalayaang magpasiya? Sa halip na puwersahin tayong gawin ang sinasabi niya, nakikiusap ang Diyos sa atin: “O kung magbibigay-pansin ka lamang sana sa aking mga utos! Ang iyong kapayapaan nga ay magiging gaya ng ilog.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • Ang tagumpay natin at pagkabigo ay hindi nakatadhana. Kung gusto nating magtagumpay, dapat tayong magsikap. “Ang lahat ng masumpungang gawin ng iyong kamay,” ang sabi ng Bibliya, “gawin mo ng iyong buong kapangyarihan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sinasabi rin nito: “Ang mga plano ng masikap ay tiyak na magdudulot ng kapakinabangan.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Ang kalayaang magpasiya ay isang napakahalagang regalo mula sa Diyos dahil binibigyan tayo nito ng pagkakataong ibigin ang Diyos nang ating “buong puso.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Hindi ba’t kinokontrol ng Diyos ang lahat ng bagay?
Itinuturo ng Bibliya na ang Diyos ang Makapangyarihan-sa-lahat. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pero hindi niya kinokontrol ang lahat ng bagay. Halimbawa, sinasabi ng Bibliya na ang Diyos ay “nagpigil ng [kaniyang] sarili” laban sa Babilonya, ang kaaway noon ng kaniyang bayan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa ngayon, hinahayaan din muna ng Diyos ang mga taong gumagamit ng kanilang kalayaang magpasiya para saktan ang iba. Pero wawakasan iyan ng Diyos.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 

Attachments

Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top