What's new

Trivia ANO ANG KINABUKASAN NG LUPA?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
💐🍁🌻🌾🍂🏵🌷💮🌸🌼🌺🥀🌈

Sa buong Kasulatan ay ipinakikilala ang Diyos na Jehova bilang Maylalang. Siya ang “Maylalang ng langit, . . . ang gumawa sa lupa at Maylikha nito.” (Isa 45:18) Siya ang “Tagapag-anyo ng mga bundok at ang Maylalang ng hangin” (Am 4:13) at “ang Isa na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng lahat ng bagay na nasa mga ito.” (Gaw 4:24; 14:15; 17:24) ‘Ang Diyos ang lumalang ng lahat ng mga bagay.’ (Efe 3:9) Ang isa pang talata ay nagsasabi: “Itinayo niya ang lupa sa matatag na pundasyon; hindi ito magagalaw sa lugar nito magpakailanman.”-(Awit 104:5)

Sa mga talata kung uunawain natin, may layunin si Jehova bakit dito niya inilagay sa planetang lupa ang mga tao. Ano ang layu-
nin niya? "Kung tungkol sa langit, ang langit ay kay Jehova, ngunit ang lupa ay ibinigay niya sa mga anak ng mga tao."
(Awit 115:16)

"Isang salinlahi ang yumayaon, at isang salinlahi ang dumarating; ngunit ang
lupa ay nananatili maging hanggang sa panahong walang takda.”—Eclesiastes 1:4;

Sa modelong panalangin ni Jesus na "Ama Namin" ay inanyayahan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na ipanalangin na mangyari nawa ang kalooban ng Diyos “KUNG PAANO SA LANGIT, GAYUNDIN SA LUPA.” (Mateo 6:9, 10) May kabuluhan kaya ang mga pananalitang ito kung magugu-
naw ang lupa o kung sumasagisag lamang ito sa langit? Sa katulad na paraan, may kabuluhan kaya ang mga pananalitang ito kung lahat ng matuwid ay pupunta sa langit?

Ang kalooban ng Diyos para sa lupa ay maliwanag na makikita sa Kasulatan, mula sa ulat patungkol sa paglalang hanggang sa mga pangitain sa aklat ng Apocalipsis. Ang layunin ng Diyos para rito sa lupa ay maging isang paraiso na titirahan ng mga tao na sumasamba sa Kanya sa pangungu-
na ni Jesu-Kristo. -Apocalipsis 11:15

Ito ang layunin ng Diyos na ipinangako niyang tutuparin. Ipinananalangin ng mga tapat na nasa lupa na maganap nawa ang kaloobang iyan. Buhay na walang hanggan sa lupa ang orihinal na nilayon ng Mayla-
lang, ang Diyos na ‘hindi nagbabago.’
(Malakias 3:6; Juan 17:3; Santiago 1:17)
FB_IMG_1632868393478.jpg
 

Attachments

Similar threads

Back
Top