What's new

Trivia Ano ang Isang Tunay na Lalaki?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,537
Reaction
7,198
Points
2,914
“Tatlong taon pa lang ako nang mamatay ang tatay ko. Kung minsan, naiinggit ako sa ibang batang lalaki na may tatay na nagpapalaki sa kanila. Parang mas may kumpiyansa sila kaysa sa ’kin.”—Alex.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
“Hindi kami close ng tatay ko. Kinailangan kong matutuhang mag-isa kung paano maging tunay na lalaki.”—Jonathan.
GANIYAN din ba ang nadarama mo? Nag-aalala ka ba na baka hindi mo matutuhan kung paano maging isang tunay na lalaki? Kung oo, huwag masiraan ng loob!
Tingnan kung paano mo mapagtatagumpayan ang dalawang karaniwang hamon.

HAMON 1: Maling pananaw ng marami tungkol sa pagiging tunay na lalaki

Ang sinasabi ng iba:
  • Matigas ang loob ng mga tunay na lalaki; hindi sila umiiyak.
  • Ang mga tunay na lalaki ay hindi pumapayag na sabihan sila ng kanilang gagawin.
  • Ang mga lalaki ay nakahihigit sa mga babae.
Ibang pananaw: Ang kabaligtaran ng pagiging tunay na lalaki ay ang pagiging isip-bata. Nagiging tunay na lalaki ka kapag inaalis mo ang mga ugali ng bata. Sumulat si apostol Pablo: “Nang ako’y bata pa, . . . nagsasalita akong gaya ng bata, nagdaramdam akong gaya ng bata, nagiisip akong gaya ng bata: ngayong maganap ang aking pagkatao, . . . iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., Ang Biblia) Ibig sabihin, habang inaalis mo ang paraan ng pag-iisip, pagsasalita, at pagkilos ng isang bata, at pinapalitan ito ng paraan ng pag-iisip, pagsasalita, at pagkilos ng taong may-gulang, pinatutunayan mo na isa kang tunay na lalaki.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Subukan ito: Isulat sa isang papel ang sagot mo sa sumusunod na mga tanong:
  1. Anu-anong ugali ng bata ang naalis ko na?
  2. Ano pa ang puwede kong gawin para sumulong?
Iminumungkahing basahin: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Tingnan kung paano pinatunayan ni Jesus na isa siyang tunay na lalaki sa pamamagitan ng (1) paninindigan sa kung ano ang tama at (2) pagrespeto sa iba—pati na sa mga babae.
“Hanga ako sa kaibigan kong si Ken. Isa siyang tunay na lalaki—malakas ang katawan, kontrolado ang emosyon, at mahusay ang espirituwalidad—at mabait din. Dahil sa halimbawa niya, natutuhan kong hindi pinipintasan ng isang tunay na lalaki ang ibang tao para lang iangat ang sarili niya.”—Jonathan.

HAMON 2: Walang positibong impluwensiya ng isang ama

Ang sinasabi ng iba:
  • Kung lumaki kang walang ama, hindi mo matututuhan kung paano maging isang tunay na lalaki.
  • Kung hindi mabuting halimbawa ang tatay mo, tiyak na matutulad ka rin sa kaniya.
Ibang pananaw: Kahit hindi maganda ang pagpapalaki sa iyo, hindi nangangahulugan iyan na mabibigo ka! Puwede mong mapabuti ang kahihinatnan mo. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Puwede mong ipasiyang sundin ang payo ni Haring David sa kaniyang anak na si Solomon: “Magpakalakas ka at magpakalalaki.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Totoo, mahirap lumaki nang walang nagmamalasakit na ama—o nang walang ama. “Napakalaking kawalan kung hindi mo nakilala ang tatay mo,” ang sabi ni Alex, na sinipi sa pasimula. “Ako’y 25 anyos na, pero pakiramdam ko’y ngayon ko pa lang natututuhan ang mga dapat sana’y natutuhan ko noong tin-edyer ako.” Kung nadarama mo ang nadarama ni Alex, ano ang puwede mong gawin?
Subukan ito: Humanap ng mentor—isang mabuting halimbawa ng isang tunay na lalaki.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Tanungin siya kung anong mga katangian ang mahalagang makita sa isang tunay na lalaki. Saka mo siya tanungin kung paano mo madedebelop ang mga katangiang iyon.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Iminumungkahing basahin: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Pansinin ang makaamang payo na makatutulong sa isang bata para lumaki siyang marunong at makadiyos.
“Natutuwa ako sa nagiging personalidad ko. Bagaman sana’y natulungan ako ng tatay ko, maganda pa rin ang pananaw ko sa kinabukasan. Sigurado akong hindi ako mabibigo.”—Jonathan.
Marami pang impormasyon para sa mga tin-edyer ang makikita sa Web site na You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Pagkatapos ng isyu ng Disyembre 2012 ng Gumising!, ang mga artikulo ng “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong” ay mababasa na lang sa Web site na You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Binago ang ilang pangalan sa artikulong ito.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Tingnan ang kahong You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Puwedeng maging mahusay na mentor ang mga elder sa kongregasyong Kristiyano.
Ian—Ang pagiging tunay na lalaki ay hindi lang nangangahulugan na kilos-lalaki ka; kailangan din na handa kang magtrabaho nang husto, kontrolado mo ang iyong emosyon, at responsable ka sa mga ginagawa mo.

KAIBAHAN NG BATA SA TUNAY NA LALAKI

Ang bata ay maaaring . . .
  • walang-galang.
  • makasarili.
  • mahilig sa paglilibang.
  • emosyonal.
Ang tunay na lalaki ay . . .

TANUNGIN ANG MGA MAGULANG MO

Ano po sa palagay ninyo ang mga katangian ng isang tunay na lalaki? Sa tingin ba ninyo ay sumusulong ako sa bagay na ito?

MENSAHE SA MGA MAGULANG

MGA AMA—

Ang pananaw ng iyong anak hinggil sa pagiging tunay na lalaki ay nakadepende nang malaki sa halimbawang ipinakikita mo. Kung nirerespeto mo ang iyong asawa, tinuturuan mo ang iyong anak na respetuhin ang mga babae. Kung nagtatrabaho ka nang husto para paglaanan ang iyong pamilya—kahit ang trabaho mo ay ordinaryo lang o nakakapagod—tinuturuan mo ang iyong anak na maging masipag at responsable.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Baka hindi gaanong maganda ang relasyon mo sa iyong ama, posibleng dahil hindi rin maganda ang relasyon niya sa kaniyang ama. Pero tandaan: May pagkakataon kang baguhin ang relasyon mo sa iyong anak. Huwag sayangin ang pagkakataong iyan! Piliin mong maging malapít sa iyong anak.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Magpakita ng mabuting halimbawa sa kaniya, at malamang na siya’y magiging isang tunay na lalaki—isang tao na ipagmamalaki mong tawaging iyong anak.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

MGA INA—

Paano mo matutulungan ang iyong anak na lumaking isang tunay na lalaki? Iwasang ikumpara siya sa kaniyang ama sa negatibong paraan. Halimbawa, kapag may nagawa siyang mali, baka bigla mo siyang masigawan: “Itigil mo nga ’yan! Parehung-pareho kayo ng tatay mo!” Tama lang naman na sabihan mo ang iyong anak kapag nagkamali siya. Pero tandaan: Kung mahihiwatigan sa sinasabi o ginagawa mo na parati na lang mali ang tatay niya, hindi mo namamalayang hinahadlangan mo na pala siya na maging isang tunay na lalaki.
Suportahan ang mga ginagawa ng asawa mo para sa inyong anak na lalaki. Pasiglahin silang gumugol ng panahon nang magkasama at laging purihin ang magagandang katangian ng iyong asawa at ang mabubuting ginagawa niya. Nagtatrabaho ba siya nang husto para paglaanan ang pamilya? Gumugugol ba siya ng panahon kasama ang kaniyang mga anak? Nirerespeto ba niya ang iba? Ipaalam sa iyong anak na pinahahalagahan mo iyon. Tutulong ito sa iyong anak na matuto mula sa mabuting halimbawa ng kaniyang ama.
 
Na misunderstood kase ng iba kung ano ang tunay na lalake dahil ever since na malakas ang influential role ng lalake, kung kaya, based on perception ng nakakaraming tao o parang naging norms na rin? Or whatever? Or parang we considered as normal na kapag gender ang lalake ay malakas. Strong. Yung strong ay parang ang lawak-lawak na kung ano ang ibig sabihin ng strong. Andoon na ang physically strong dahil meron silang muscle-muscle, pagkatapos ang lalake ay dahil physically strong, siyempre, they perceived as tough and kung tough ay andoon na keyso guys don't cry, mga ganun tipo.

Hindi man nakalagay sa bible ang mga ganyan, ang nakikita ko kase, parang iba ang na peperceived ng tao when it comes to being strong ever since diba, nakalagay sa some bible parts about Adam at Eve na unang nagkasala si Eve at natukso ng ahas, and so, weak kamo si Eve and since si Adam ay isang lalake pagkatapos natukso pa siya kay Eve and then, dumating si God, lo and behold, nagkaroon si God ng kautusan about Adam na kailangan magkaroon ng authority kay Eve at si Eve ay kinakailangan magpasubmit kay Adam.

Hindi ko mawari sa isip ko kung iba ang pagkakaunderstood nila bilang pagkakaroon ng power and authority or dahil sa iba ang pina-cultivate sa utak ng mga lalake pagdating sa mentality nila dahil people believe na kapag lalake raw kuno ay malakas, meron power, meron authority, kailangan tough, men do not cry... alam niyo iyon? Mga ganun klaseng ideal na mimisunderstood natin about gender ng lalake. Iyon ang nakikita kong effect na cultivate sa ilan sa atin. Ganun ang nakikita ko lalo na uso-uso sa atin ang mala-traditional gender role. Tipong hindi tayo maka-gender neutral (hindi gender equality ha? magkaiba po iyon).

E kase kapag traditional gender role, andoon ang lalake ay malakas in gender, physically strong, hindi umiiyak, taga protector, tough siya na tipong matigas ang loob at maraming iba pa. Kaya nga ang lalake ay ginagawang provider or head of the family dahil taga protect ng family, taga provide ng financial dahil bigatin na ang nasa ekonomiya natin - tipong sila ang tinitingala na prestige pagdating sa financial at sa lahat. Kung kaya, halimbawa, if ever na meron ganyan lalake na nag-exist like meron ibang lalake na ayaw silang sinasabihan or yung mga ini-explain about ganyan klaseng katangian ng lalake na kahit mali, mas na aappreciate pa nila. Mas naiintindihan nila kung baga.

Halimbawa. Nakipag seks ang lalake sa kahit sinong babae. Pwede siyang pagsabihan. E hindi masabihan. Ang sasabihin ay ganito. "Hayaan mo na, lalake kase sila". Alam niyo iyon? Kahit mali. Kahit masama at kahit nowhere nakalagay in the bible, mas na uunderstood nila ang gender ng lalake.

Unlike sa babae, kapag halimbawa, nakipag seks ang babae sa kahit sinong lalake. Pwede siyang pagsabihan dahil mas prone sa guilt ang babae lalo na kapag sasabihin sa kanya na keyso, laspag na siya, yung vlrginity raw kuno ay wala na at sino daw magmamahal na tunay sa kanya na tipong hindi siya hahayaan hanggang madiscourage ang babae to the maximum level. Ang nakikita ko na mas mahihiya pa ang babae sa ipinaggagawa niya and I have a feeling na the next time, well, hindi na siya uulit. Mas mapagsasabihan pa ang babae dahil mas malakas ang judgment sa babae kaysa sa lalake. Although hindi ko inilalahat okay? Tipong degree ng paghuhusga sa babae ay mas malalim at mas masakit kaysa sa lalake.

Iyon kase ang nakikita ko kung kaya hindi natin maiwasan kung bakit meron existing na lalake na itinutukoy mo. Mali talaga ang ganyan exisitng na lalake na itinutukoy mo but yet, na uunderstood pa nila. Iyon bale parang norms at culture although hindi naman binabanggit sa bible pero yung interpretation kase ng tao about authority and power.... something ganun? Hindi na ata matatanggal and mapalad lang kung meron lalake na magbago kung ano man ang naranasan niya. Katulad ng meron ako nakausap na lalake na dating babaero pagkatapos nagbago na raw siya kaya naging maka-Diyos na siya. Mga ganun.

Tingnan niyo ang written bible about courting. E diba? Wala naman nakalagay literal na lalake lang ang manliligaw sa babae diba? Wala. And yet, inaatasan ng majority of the people na ang panliligaw ay dapat gampanan ng lalake bilang role nito para sa babae pero nowhere makikita sa bible verse na ang courting ay gawin lang ng lalake iyon. Wala. O diba? Parang ganyan din. Hindi naman nakasaad sa bible na ganyan ang ebehave ng lalake na keyso kailangan maging tough sila, magkaroon ng tigas ng loob na hindi raw umiiyak or whatever.... walang nakalagay pero tipong kung papaano nito iinterpret ang pagkakaroon ng authority and power dahil sa concept ng ideology ng Adam at Eve. It seems na sumasalamin din siya sa behavior ng lalake kaya ganyan ang result.

Kaya nga kapag nagconduct ng survey dito sa bansang Pilipinas, mas apektado ang mga tao sa mismong role ng lalake. Mismo. Kung baga affected po sila.

And then......

Ayun, nag siusbungan na ang itinatawag na feminism kung saan some or majority of filipino people ay ayaw na ayaw ng feminism diba? Ang feminism kase ay sila ang taga-warak ng patriarchal structure where male and female ay nakakabenefit po siya. Like feminism ang taga-promote ng gender equality na kahit ang mga lalake ay meron karapatan umiyak na kung ano ang ginagawa ng babae, nagagawa din ng lalake din.

Kaso, sabi, meron ilan filipino people na ayaw ng feminism talaga. A threat kase sa kanila na masira ang itinatawag na traditional gender role which is ayaw nila mawala iyon. Tapos, some churches ay against pa sila sa feminism. A threat kase talaga siya para sa kanila.

Ganun.
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top