What's new

Closed ano ang dapat kong gawin?

  • Thread starter Deleted member 1207647
  • Start date
Status
Not open for further replies.
D

Deleted member 1207647

Guest
Hi po... ako po si Blue Penguin and may pinagdadaanan po akong sitwasyon sa lovelife ko haha di ko alam kung tama bang dito ako nagtatanong pero wala naman akong ibang mapagtatanungan kaya dito nalang nga haha (wala akong kaclose masyado na may pake).

Una po sa lahat, hindi naman po ganun katagal yung relationship namin, mga 8 months palamg siguro pero matagal kaming magkaibigan at matagal kaming mayroong gusto sa isa't isa.

Noong March 10 po ay nakipagbreak siya saakin, sinabi nya sa akin na kasalanan ko raw dahil binati ko yung pinagseselosan nya 3 days ago at nag-away po kami ng sobra non dahil noong December 25 (yes mismong pasko) nag-away rin kami dahil sa kalokohan ko, nagjoke ako kay girl na miss ko na siya ganon haha. So ayun, dahil don at syempre katakataka naman na dahil lang doon diba? Napakasimple ng dahilan nya non, buti nalang may access pa ako sa Facebook account niya dahil hindi nalologout kahit magpalit ng pass pag sa browser binuksan, so nagbasa-basa ako kahit masakit haha.

Nakita ko na yung babae palang lagi nyang kinukwento noon ay gusto nya pala (putcha) haha. Syempre nasaktan pa lalo ako dahil pinagpalit pala ako sa babaeng kakilala nya lang online. Hindi naman ako nagkulang sa pag-aalaga pati sa mga regalo pati sa mga matatamis na salita. Binago ko rin yung sarili ko para sa kanya dahil naniniwala ako na ang problema lang sa mga relasyon ay mga lalaki, karamihan kasi ayaw magpakumbaba, ayaw maging maalagain sa kasintahan at yung mga ganun ba.

Araw-araw ko siyang ginugulo sa personal kahit sobrang nakakahiya dahil alam na pala halos lahat ng kaibigan nya na pinagpalit na ako sa tomboy, pati rin sa chat di ko siya tinantanan kasi naniniwala parin akong mahal niya ako kahit na ganon. Kahit na pinagtatawanan nako mismo ng mga iilan kong malapit na "kaibigan" dahil ayaw kong tantanan yung babaeng yon tuloy lang ako kasi ramdam ko talagang meron parin siyang nararamdaman para sakin.

Hanggang April 17 chinat nya ako tapos bigla nya akong tinanong kung mahal ko pa raw ba siya, syempre mas mabilis pa kay flash sinagot ko na oo at hindi magbabago yun. Nakakatawa pero nagkabalikan kami sa chat hahaha. Tinanong ko siya, "O kala ko ba may reina ka na?". Sabi nya nilalandi lang raw siya non

Nangyari ang nangyari fast forward sa May 4 (kahapon) 8pm. Nag-uusap kami nung gabi tas sabi nya maganda raw yung palabas sa netflix na Other Half(**** eto mabigat to). Sinabi ko panoorin ko bukas dahil inaantok nako. Tas sabi niya panoorin ko raw kasi relate raw siya don tas baka makarelate rin ako. Napaisip ako pano siya nakarelate sa isang f-ed up na lovestory haha pero di ko masyado inisip kaya natulog na ako.

Kinabukasan na (ngayon, May 5), ramdam ko talagang may something kasi lagi masigla magchat yon gaya ng isang grade 7 na 2jointsparangmafia (pero di ganon ugali non), kaya kinompronta ko at tinanong ko kung anong problema. Ang sagot nya wala naman daw, mga 6 na beses ko siyang kinulit hanggang sumagot na siya bandang 12 at nagsend siya ng maraming screenshots. Yung screenshots ay mga tweet nung babaeng pinalit nya sakin, nagtweet pala ang sissy na totoong may gusto siya sa ex ko.

Ang main problem, binalikan nya pala ako kasi akala nya yung babaeng yon di siya gusto at nilalaro lang siya. Ngayon nakipagbreak siya kasi may gusto pala yung babae sa kanya. Gaya nung dati, pakiramdam ko mahal nya parin talaga ako sa pinakaloob nya pero hindi ko na alam ang gagawin ko para makuha ko ulit yung loob nya. Hindi pa sila nagbabalikan ngayon at sa Birthday nya (May 24) posible na may mangyaring milagro at tuluyan na nga maging sila kaya nahingi po ako ng tulong kasi hindi ko talaga alam anong gagawin ko, sasabihin ko o ibibigay ko sa kanya.

Hindi ko kayang maghanap pa ng ibang babae kasi pakiramdam ko kung hindi siya yung makatuluyan ko sa dulo, babalik ako ng carding full time tas magpapayaman ako at ibabalik ko lahat ng binigay sakin ng magulang ko tas tatalon nalang ako sa Bitbit bridge o Hilltop bridge. Hindi po ako nagbibiro, kaya kong gawin lahat ng gustohin ko basta may sapat na determinasyon at oras ako maliban nalang siguro ang pagpanalo sa loob nya.
 
May babaeng matagal mawala yung love.
May babae ding mabilis magsawa

Sa sitwasyon mu. tingin ko matagal ng may gusto yung ex mu sa bago nya. Ngayon na lang sila nagkapalagayan ng luob. Masakit man, pero tanggapin mu na lang na ginawa ka lang nyang pampalipas oras, though my konting love naman, pero mas higit pa din yung pag tingin nya sa bago nya.

Di naman magtatagal yang nararamdaman mo. Lilipas at lilipas din yan pag dating ng panahon.
 
May babaeng matagal mawala yung love.
May babae ding mabilis magsawa

Sa sitwasyon mu. tingin ko matagal ng may gusto yung ex mu sa bago nya. Ngayon na lang sila nagkapalagayan ng luob. Masakit man, pero tanggapin mu na lang na ginawa ka lang nyang pampalipas oras, though my konting love naman, pero mas higit pa din yung pag tingin nya sa bago nya.

Di naman magtatagal yang nararamdaman mo. Lilipas at lilipas din yan pag dating ng panahon.
wala na ba talaga?
 
palipasin muna lang boss..mawawala din ang sakit..eka nga nila....kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo..eto lang maipapayo ko boss.sa relasyon..sapat ibigay mo lahat pero syempre magtira para sa sarli..para kung dumatong man ang araw na iniwan ka nya..masasabi mo sa sarili mo..hindi ako nagkulang hindi kalang talaga nakontento.....at hayaan mong ikay masaktan kasi sa bawat pasakit jan tayo lalakas at mas lalong mag mahal ng lubusan ulit..eto ay basi na rin sa aking experience

sanay maliwanagan ka lods...or kung gusto mo kausap pm mo lang ako..
X
 
Base sa nabasa ko masasabi kong hindi pa sya ang taog para sa iyo 🤔 feel ko lang naman haha. Mahirap yung ganyang hindi sya maka decide kung sino talaga ang gusto nya.. In the first place dapat walang ibang choices.. Kung mahal ka dapat ikaw lang.. Hindi pwedeng kung wala yung isa babalik sayo, at kung wala ka pupunta naman sa isa. Ang gawin mo lang mag focus kung anong makakabuti sayo. Saka dasal.. Maniwala ka.. may taong nararapat basta dapat magpakatino ka rin. Kaya mo yan!
 
Salawahan yong napagtuunan mo ng peg ebeg mo boss, ako sayo di ako magsasayang ng panahon sa taong di ako mahal
mahal nya naman daw ako e... tsaka ramdam ko talaga yon sa 3 taon naming pagkakakilalabat 8 months naming pagsasama. Hindi ko lang alam anong nangyari kung may nagawa ba ako o ano para bigla siyang magbago.
 
Wag kang maniwala sa The one ts, kalokohan yan. Makakahanap kapa ng iba, There are plenty of fish in the sea. hindi attractive ang scarcity mindset ee, dapat bida bida ka, dapat ikaw ang habulin. Hahahha.

Wag mong ituring na amo ang isang tao dahil ituturing ka nilang aso. Papakainin ka nila ng tira tira tapos iisipin mong mahal ka nila, be the priority not an option.

The best way of getting others attention is to cut yours.

Pero di kita magets TS, alam mong may iba na pero nag papakatanga kapa rin? Weird. Hehehe.
Pakisagot please. 😔🙏
 
Wag kang maniwala sa The one ts, kalokohan yan. Makakahanap kapa ng iba, There are plenty of fish in the sea. hindi attractive ang scarcity mindset ee, dapat bida bida ka, dapat ikaw ang habulin. Hahahha.

Wag mong ituring na amo ang isang tao dahil ituturing ka nilang aso. Papakainin ka nila ng tira tira tapos iisipin mong mahal ka nila, be the priority not an option.

The best way of getting others attention is to cut yours.

Pero di kita magets TS, alam mong may iba na pero nag papakatanga kapa rin? Weird. Hehehe.
Pakisagot please. 😔🙏
Sobrang attached siguro ako sa kanya... sa kasalukuyang panahon kasi siya nalang nalalapitan ko sa lahat ng bagay lalo at sobrang bigat ng mga dinadanas ko ngayon at sunod sunod pa. Isa pa, hindi ako masyado malapit sa mga tao sa paligid ko kahit pa kamag-anak o mga tao halimbawa dating kaklase o ano, kumbaga siya yung gf ko at bestfriend ko at the same time. Ngayon siguro naghahabol ako sa kanya kasi napamahal nako ng sobra sa kanya at dati kinakaya ko mag-isa lang, maraming taon ako mag-isa at kinakausap ko pa sarili ko pero pinahina nya ako at kailangan ko na ng kahit isang tao na malapit sakin.
 
hindi ko alam kung ***** ako o ano pero chinat ko siya ng ilang pages worth of text, sana mabasa nya paggising...
 
Para sakin ts. Gawin mo ang lahat2 ng bagay para sa inyu. Mag effort ka hanggang kaya pero pag umabot na sa punto na kita mong wala na talagang pag asa tanggapin mo nalang ts. Nangyare na kase sakin yan iba lang tayo ng sitwasyon pero alam ko ang feeling na yan. Masakit mang isipin pero kailangang tanggapin. Tara ts move forward tayo😁😊
 
Para sakin ts. Gawin mo ang lahat2 ng bagay para sa inyu. Mag effort ka hanggang kaya pero pag umabot na sa punto na kita mong wala na talagang pag asa tanggapin mo nalang ts. Nangyare na kase sakin yan iba lang tayo ng sitwasyon pero alam ko ang feeling na yan. Masakit mang isipin pero kailangang tanggapin. Tara ts move forward tayo😁😊
tara...😁
 
nag-usap kami nung pinalit nya sakin sa disc00rd ayun haha nagsorry sakin then sinabi nya di raw talaga siya seryoso sa ex ko kaya kanina sinabi nya ata sa ex ko
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top