What's new

Trivia Ano Ang Birth Month Mo?

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,948
Solutions
6
Reaction
66,392
Points
16,629
📌January- [Happy Go Lucky] Sila yung go lang basta makakapagpasaya sa kanila. Madalas sarili yung inuuna kasi takot silang masaktan. Focus sila sa sarili nilang happiness. Kapag nagmamahal naman, hindi nila binubuhos lahat, kumbaga kailangan din nilang protektahan ang sarili nila. Natuto na kasi sila sa nakaraan kaya nagiging maingat na.

📌February - [Survivor] Sila yung mga taong parang maraming pinagdaraanan sa buhay. Pero after those challenges, nakakaya nila. Nakakabangon sila. Hindi sila pumapayag na maging talunan. May mga maling choices man sila noon, natututo naman sila ngayon. Lahat ng pagsubok kinakaya nila. Napapagod pero hindi sumusuko. Nagpapahinga pero hindi humihinto.

📌March - [Emotional] Sila yung taong madaling ma-fall, madaling mapasaya, madaling mapaibig pero madali ring masaktan. Kadalasan, puso ang inuuna kaysa utak, kaya naman lagi siyang nasasaktan, nagagamit, naiiwan sa ere. Sila yung sabik na mahalin at pahalagahan. Pero once na masira mo ang tiwala nila, kaya ka nilang bitawan. Mabuting kaibigan, nakakatakot na kaaway.

📌April - [Happiest Person] Sila yung parang walang problema sa buhay. Laging masaya, laging positibo ang tingin sa buhay. May mga problema man, nakangiti nilang hinaharap. Dahil masayahin sila, gusto rin nilang masaya ang mga taong mahalaga sa kanila. Kaya naman kapag malungkot sila, halos lahat ng tao sa paligid niya ay nababahala. Hindi kasi sila sanay na makita siyang malungkot.

📌May - [Adventurous. Risk Taker] Lahat susubukan, lahat gagawin. Matapang. Parang walang kinakatakutan. Ma-fail man, sarili niya ang bubuhat sa kanya. Minsan magulong kausap dahil napakaraming ideas sa utak, ang daming gustong sabihin, gawin, ikwento, dreamer, mataas ang pangarap. Hindi nagpapadala sa stress. Hindi nagpapadala sa sinasabi ng iba. Basta ang importante, masaya siya.

📌June - [Sentimental] Sila yung mapagpahalaga sa mga memories niya kasama ang mga taong naging bahagi ng buhay niya. Laging nasasaktan pero kinakaya. Fragile sa mga bagay na makakapagpalungkot sa kanila. Sila yung madalas na hindi napapansin pero sila yung pinaka wagas kung magmahal. Mababaw ang luha, pero madali lang din patawananin.

📌July - [Strong Personality] Most of the time, sila ang takbuhan ng mga taong nasa paligid nila. Laging maaasahan. Laging pinagkakatiwalaan. Maraming tao ang may gusto sa kanya. Lagi siyang napapansin. Pero pagdating sa Pag-ibig, stick to one lang. Loyal magmahal. Kaya kapag nasaktan, maiiyak lang sandali pero pipilitin niyang maging okay ulit.

📌August [Independent] Kaya nila ang sarili niya. Madaling makihalubilo sa tao. Madaling makisama pero minsan, kaya niya ring mag-isa. Pang-long term ang gusto niyang relasyon sa lovelife, friendship at career. May mga challenges man, kinakaya niya. Hindi agad siya sumusuko.

📌September- [Generous] Hindi selfish. Hindi siya maramot sa pagmamahal sa ibang tao. More of a giver than a receiver. Masaya na siyang nakakatulong sa iba. Kadalasan, kahit hindi siya showy, deep inside, importante ka sa kanya. Though may mga pagkakataong nate-take for granted siya, hindi na mahalaga yun. Ang importante, nagawa niya yung alam niyang tama.

📌October- [Competitive] Sila yung mas gugustuhin nilang sila na lang ang gumawa kaysa iasa pa sa iba. Gusto nilang perfect ang lahat. Ginagawa nila yung best nila para mag-succeed. Though may mga pagkakataon na nawawala sila sa mood dahil sa stress at pagod, madali naman silang pangitiin at pasayahin. Simple lang sila. Hindi maarte. Madaling mahalin.

📌November - [Hopeless Romantic] Naniniwala sila na balang araw, may makikilala silang taong magmamahal sa kanila nang wagas. Though laging sawi sa Pag-ibig, hindi yun naging reason para tumigil sila sa pagmamahal. Mas marami silang Pag-ibig sa puso na kayang ibigay sa ibang tao. Mapa-lovelife, Pamilya, Kaibigan o Ka-trabaho.

📌December - [Realistic] Hindi basta-basta napo-fall sa mga sinasabi ng ibang tao. Kayang manindigan sa sariling paniniwala. Alam niya kung niloloko lang siya ng mga tao sa paligid niya, hindi sya kumikibo pero deep inside, tinatawanan nya lang yung mga taong yun. Kaunti lang ang pinagkakatiwalaan niya pero mabuting kaibigan at maaasahan. Matapang. Hindi takot mawalan.

excerpt from: hugot&Patamapage
 
hmmm. Realistic ako base dito.

1620220317969.jpg
 

Attachments

Similar threads

Back
Top