What's new

Tutorial Ang Sinasabi ng mga Tao Tungkol sa Panalangin

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,215
Points
2,569
“Kapag nananalangin ako, pakiramdam ko katabi ko ang Diyos, hawak-hawak niya ang kamay ko, at ginagabayan niya ’ko kapag hindi ko na alam ang gagawin ko.”—MARÍA.
“Pagkatapos ng 13-taóng pakikipaglaban sa cancer, namatay ang asawa ko. Tandang-tanda ko pa na nananalangin ako sa Diyos araw-araw, at pakiramdam ko, talagang nakikinig siya kapag sinasabi ko ang mga nararamdaman ko. At napapakalma ako nito.”—RAÚL.
“Ang panalangin ay isang napakagandang regalo ng Diyos sa tao.”—ARNE.
Para kina María, Raúl, Arne, at sa maraming iba pa, espesyal na regalo ang panalangin. Paraan nila ito para makausap ang Diyos, pasalamatan siya, at humingi ng tulong sa kaniya. Talagang naniniwala sila sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa pananalangin sa Diyos: “Nagtitiwala tayo sa Diyos na anuman ang hingin natin ayon sa kalooban niya ay ibibigay niya.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Pero marami ring tao ang hindi naniniwala sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa panalangin. Ganito ang sabi ni Steve: “Nang 17-anyos ako, tatlo sa mga kaibigan ko ang namatay sa magkahiwalay na aksidente. Y’ong isa, namatay sa aksidente sa sasakyan, at y’ong dalawa naman, nalunod sa dagat.” Ano ang ginawa ni Steve? “Nanalangin ako sa Diyos at tinanong ko siya kung bakit nangyayari ang lahat ng ’yon, pero hindi niya ’ko sinagot. Kaya naisip ko, ‘Bakit pa ako mananalangin?’” Dahil parang walang sumasagot sa mga panalangin, marami ang nagdududa kung bakit kailangan pa nilang gawin ito.
May iba pang dahilan kung bakit hindi na nananalangin ang ilan. Sinasabi nila na alam naman ng Diyos ang lahat ng bagay—alam na niya ang mga kailangan natin o mga problema—kaya wala nang dahilan para sabihin pa ito sa kaniya.
Naniniwala naman ang ilan na hindi pinapakinggan ng Diyos ang panalangin nila dahil sa mga pagkakamaling nagawa nila noon. “Ang pinakaproblema ko,” sabi ni Jenny, “ay ang pakiramdam na wala akong kuwenta. May mga bagay na ginagawa ko noon na pinagsisisihan ko. Kaya sinasabi ko sa sarili ko, ‘Hindi ako karapat-dapat pakinggan ng Diyos.’”
Isang babae sa simbahan na nakatingalang nananalangin habang ang iba ay nakayukong nananalangin.

Kumusta ka naman? Ano ang masasabi mo tungkol sa panalangin? Kung may pagdududa ka, makakatulong sa iyo ang sinasabi ng Bibliya. Maaasahan mo ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa panalangin;You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. sinasagot nito ang mga tanong na gaya ng:
  • Nakikinig ba talaga ang Diyos sa mga panalangin natin?
  • Bakit hindi sinasagot ng Diyos ang ilang panalangin?
  • Paano ka mananalangin para pakinggan ka?
  • Ano ang magagawa ng panalangin para sa iyo?
Mababasa sa Bibliya ang mga panalangin ng maraming lingkod ng Diyos, kasama na si Jesu-Kristo. Ang Hebreong Kasulatan, na tinatawag ding Lumang Tipan, ay naglalaman ng mahigit 150 panalangin.
 
Last edited:
Basahin po muna natin ang kuatro sais ng filipos..

Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.

Filipos 4:6
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun malinaw, sa Dios mananalangin, sa Kanya ipakikilala ang mga kahilingan, ang mga daing na may pagpapasalamat.. sa Dios, hindi sa mga diosdiosan, hindi sa kung ano-anong imahen at mga rebulto..

Ngayon, lahat ng mga taong naniniwala sa Dios ay palaging nagdarasal sa Dios..At ang ating mga panalangin ay pinasisigla ng iba't ibang mga kadahilanan at iba't ibang mga pangyayari..Nananalangin kami para sa Kanyang patnubay at proteksyon, para sa mabuting kalusugan, para sa mga pagpapala, para sa Kanyang kapatawaran, at marami pa..

May mga pagkakataong nananalangin kami kasama ng kongregasyon, at sa mga ganitong okasyon, malakas ang aming pagdarasal, we pray aloud.. Ngunit kadalasan, nananalangin tayo sa Dios na mag-isa.. Dito, hindi namin binibigkas nang malakas ang aming mga panalangin ngunit ginagawa namin ito nang tahimik..

Ngunit paano tayo dapat manalangin nang may karapatan sa Dios? Kung nagdarasal ka ng nag-iisa, ang Panginoong Hesukristo ay nagbigay ng isang rekomendasyon sa kung paano ito gawin..sa mateo sais singko at sais ganito mababasa..

At pagka kayo ay nagsisidalangin, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw: sapagka't iniibig nila ang magsidalangin ng patayo sa mga sinagoga at sa mga likuang daan, upang sila'y mangakita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.

Datapuwa't ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.

Mateo 6:5-6
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Kapag nagdarasal nang mag-isa, mas mabuti na lihim kang manalangin at hindi napapansin.. Hindi nais ng Ama na ipakita natin ang ating mga sarili sa publiko habang nagdarasal, tulad ng ginagawa ng mga iba na mapagpaimbabaw.. Manalangin sila upang maipakita lamang sa mga tao na sila ay nagdarasal sa Dios..Ang kanila ay isang pagpapakita lamang ng mababaw na kabanalan.. Nais lamang nilang magpakita na banal sa paningin ng mga taong nakakakita sa kanila.. Ngunit pinayuhan ng Panginoong Hesukristo ang mga Kristiyano na "manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka"..

Paano ka makakapagdasal sa lihim? Pumunta sa isang lugar kung saan walang makakakita sa iyo na nagdarasal, at manalangin ng lihim sa Ama..Manalangin nang hindi binibigkas ng isang salita. Paano? Ayon kay Apostol Pablo..Sa unang corinto katorse kinse..

Ano nga ito? Mananalangin ako sa espiritu, at mananalangin din naman ako sa pagiisip: aawit ako sa espiritu, at aawit din naman ako sa pagiisip.

1 Corinto 14:15
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Kung manalangin ka sa iyong isipan, walang makakarinig sa iyong sinasabi sa Dios kaya't walang sinuman, kahit si satanas, ang makakagambala.. Hindi nakikita ni Satanas ang puso at isip ng tao, ang mga bagay na nasa puso at isipan ng tao ay hindi alam ni satanas.. Ang Panginoon lamang ang nakakaalam kung ano ang nasa ating puso at sa ating isipan..Basahin natin sa jeremias desisiete nuebe at dies..

Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam?

Akong Panginoon, ay sumisiyasat ng pagiisip, aking tinatarok ang mga puso, upang magbigay sa bawa't tao ng ayon sa kanikaniyang lakad, ayon sa bunga ng kanikaniyang mga gawain.

Jeremias 17:9-10
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Kung manalangin ka sa iyong isipan, magiging isang pribadong bagay lamang sa pagitan mo at ng Dios.. Siya lang ang nakakaalam kung ano ang hinihingi mo.. Kaya't hindi makakagambala si satanas sa iyong mga pagsusumamo.. Hindi Niya magagawang hadlangan din ang magagandang bagay na ibibigay sa iyo ng Ama kung sasagutin Niya o ipagkaloob ang iyong mga panalangin..

Ang tamang paraan ng pagdarasal, kung ginagawa mo itong nag-iisa, ay manalangin nang lihim.. Hindi mo kailangang magsabi ng isang salita; hindi mo kailangang ipahayag kung ano ang nasa iyong puso at isipan dahil alam ng Ama ang mga bagay sa loob mo, kahit na hindi ito nasabi, o kahit nahihirapan ka sa pag-verbal sa kanila.. Ang sabi sa otso bentesais ng roma ganito..

At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagka't hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; nguni't ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita;

Roma 8:26
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Mayroong mga daing na hindi maaaring ipahayag sa mga salita ngunit ang Espiritu ang namamagitan para sa atin sa Ama.. Alam ng Ama ang lahat ng kailangan natin, kahit na hindi natin ito maipahayag sa mga salita. Ang ating mga puso at ating mga isip ay maaaring maiugnay sa Ama sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ng Dios..

Ngayon, ano dapat ang ating posisyon sa pagdarasal? Pwede ba ang nakatayo?.. Opo, pwede naman kung.. kung walang pagkakataong manikluhod at walang intensiyon ng pagpapakitang tao lang na para bang ikaw ay banal, pero mababaw na kabanalan lang na ipinakikita pa sa publiko para ikaw ay mabansagang banal ng iba, na ang totoo ay pagpapaimbabaw lang..hindi dapat ang ganun.. Ngayon, basahin natin ang onse bentesingko ng marcos..

At kailan man kayo'y nangakatayong nagsisipanalangin, mangagpatawad kayo, kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan.

Marcos 11:25
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun, may kahilingan ang kautusan.. dapat mangagpatawad.."At kailan man kayo'y nangakatayong nagsisipanalangin, mangagpatawad kayo"..

Pero pag may pagkakataon, dapat ay laging panikluhod.. basahin natin sa gawa ng mga apostol..

At nang mangyari na maganap namin ang mga araw na yaon, ay nagsialis kami at nangagpatuloy sa aming paglalakbay: at silang lahat, pati ng mga asawa at mga anak, ay humatid sa amin sa aming paglalakad hanggang sa labas ng bayan: at sa paninikluhod namin sa baybayin, kami'y nagsipanalangin, at nangagpaalaman sa isa't isa;

Gawa 21:5
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Nang manalangin ang mga alagad sa pangununa ni pablo ang sabi "at sa paninikluhod namin sa baybayin, kami'y nagsipanalangin", yun isinalin na "paninikluhod" o kneeled down sa ingles.. basahin natin sa ingles..

And when we had accomplished those days, we departed and went our way; and they all brought us on our way, with wives and children, till we were out of the city: and we kneeled down on the shore, and prayed.

Acts 21:5
King James Version (KJV)

Sa salitang griego ito'y tithémi..

Strong's g5087

  • Lexical: τίθημι
  • Transliteration: tithémi
  • Part of Speech: Verb
  • Phonetic Spelling: tith'-ay-mee
  • Definition: to put, place, lay, set, fix, establish.
  • Origin: A prolonged form of a primary theo (theh'-o) (which is used only as alternate in certain tenses) to place (in the widest application, literally and figuratively; properly, in a passive or horizontal posture, and thus different from histemi, which properly denotes an upright and active position, while keimai is properly reflexive and utterly prostrate).

Ayun, passive or horizontal posture..nakaharap sa ground ang mukha, nakatiklop talaga ang tuhod..

Ito ang hindi pinapraktis ng mga Katoliko at mga Protestante - hindi nila sinusunod ang paraan ng pagdarasal ng mga unang kristiyano.. Sa pagsasalita sa bibliya, ang pagluhod ay yumuko ang ulo sa lupa, na sa isang pahalang na posisyon..Hindi ito ang karaniwang pagyuko ng mga tuhod sa 90 degree, tulad ng kung paano ang mga Katoliko at iba pang mga simbahang Protestante.. Sa halip, dapat ito ay may baluktot na mga tuhod, ibagsak mo ang iyong sarili sa iyong mukha na nakaharap sa lupa..

Ang iba pang mahahalagang pointers kapag nagdarasal ay yung sinasabi sa onse kuatro at singko ng unang corinto..

Ang bawa't lalaking nanalangin, o nanghuhula na may takip ang ulo, ay niwawalan ng puri ang kaniyang ulo.

Ang isang lalaki ay pinapahiya ang kanyang ulo kung siya ay nagdarasal na nakatakip ang kanyang ulo. Katulad ng mga Indian o sa mga Hindus na ang mga ulo ay natatakpan ng mga turbano.. Kaya, hindi dapat takpan ng isang lalaki ang kanyang ulo kapag nagdarasal..

Eh pano naman sa babae? Sa singko ang sabi..

Datapuwa't ang bawa't babaing nananalangin o nanghuhula na walang lambong ang kaniyang ulo, niwawalan ng puri ang kaniyang ulo; sapagka't gaya rin ng kung kaniyang inahitan.

1 Corinto 11:5
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Para sa mga kababaihan, kapag siya ay nagdarasal dapat niyang takpan ang kanyang ulo.. Upang hindi mapahiya ng isang babae ang kanyang ulo, kailangan niya itong takpan tuwing siya ay nagdarasal..

Siyempre, ang "takip" na tinukoy sa talata ay hindi tumutukoy sa literal na takip para sa ulo tulad ng maraming kulay na mga belo na isinusuot ng mga babaeng Katoliko sa kanilang mga ulo..Ito ay tumutukoy sa isang bagay na espiritwal.. basahin natin sa unang corinto onse trese gang kinse..

Hatulan ninyo sa inyo-inyong sarili: nararapat baga na manalangin ang babae sa Dios nang walang lambong?

Hindi baga ang katalagahan din ang nagtuturo sa inyo, na kung may mahabang buhok ang lalake, ay mahalay sa kaniya?

Datapuwa't kung ang babae ang may mahabang buhok, ay isang kapurihan niya; sapagka't ang buhok sa kaniya'y ibinigay na pangtakip.

1 Corinto 11:13-15
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun malinaw, yung kanyang mismong buhok na mahaba ang siyang lambong o pantakip.. ang babae na may mahabang buhok ay isang kapurihan niya..

Ngayon, hindi lahat ng panalangin pinakikinggan ng Dios.. depende ito sa taong nananalangin.. basahin natin sa panaghoy tres kuarentaykuatro..

Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin.

Panaghoy 3:44
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ang sabi, tinakpan mo ang iyong sarili na alapaap, na anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin.. meron kasing ayaw pakinggan ng Dios ang panalangin.. eh sino po iyon? Basahin natin sa kawikaan benteotso nuebe..

Siyang naglalayo ng kaniyang pakinig sa pakikinig ng kautusan, maging ang kaniyang dalangin ay karumaldumal.

Kawikaan 28:9
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Pag ang tao ayaw sumunod sa utos ng Dios, ayaw sa pakikinig ng kautusan, ng aral, eh maging ang kaniyang dalangin ika ay karumaldumal..

Kung halimbawa nananalangin ka, hindi ka naman masamang tao pakikinggan ka ng Dios.. basahin natin sa juan nuebe trentay uno..

Nalalaman naming hindi pinakikinggan ng Dios ang mga makasalanan: datapuwa't kung ang sinomang tao'y maging mananamba sa Dios, at ginagawa ang kaniyang kalooban, siya'y pinakikinggan niya.

Juan 9:31
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ang taong gumagawa ng kalooban ng Dios, siya'y pinakikinggan Niya..

Samahan nawa kayo ng Dios

To God be the glory!

Salamat sa Dios..
 
Back
Top