What's new

Ang sarap pala mabuhay

BantayBahay

Eternal Poster
Joined
Sep 7, 2020
Posts
785
Reaction
622
Points
470
Ngayon ko lang naramdaman to. Yung feeling na nag aanticipate ka kung anong mangyayaring maganda bukas? This past 5-6 years kasi para akong patay. Gigising ng tanghali kasi ayaw ko gumising ng maaga kasi wala naman akong gagawin. Tapos mag cecellphone at browse. Ayaw na ayaw ko ang socmed kasi nakikita ko yung iba kong classmate na nagbago na samantalang ako andun parin, nakatayo. Gising-kain-tulog ganyan ang set-up ko ng anim na taon. Hindi naman sa sumuko ako sa buhay ko, di ko lang makita ang meaning ng buhay ko eh. Wala akong pangarap kaya tumigil ako ng pag-aaral. Di ko alam ang gagawin at takot akong harapin ang future ko. Pag kinakausap ako ng magulang ko kung ano balak ko wala akong maisip at naiinis ako sa kanya kasi takot ako eh. Ngayon nakita ko ng tumatanda na siya kaya nag-lakas loob ako na subukan lumabas ng bahay at makipag meet-up sa bestfriend ko nung highschool. Ang sarap sa feeling nung nagkamustahan kayo at parang gusto mo na din umunlad. Ga graduate na ako ng ALS this oct at papasok ng senior high. Oo 20 nako at late na magising sa realidad. Pero ngayon alam ko na ang gusto ko. Gusto ko umunlad kaya ang sarap sa feeling ng mag ka goal ka. 😁
 
Thank you for sharing this TS. This will serve as an inspiration to everyone na don't lose hope and it's never too late to change. Glad that you already had a change of heart. Keep it and I hope malayo marating mo. Magsumikap ka lang at sabayan mo ng pananalig kay God. He will do the rest
 
go ts.. its a long way pa pero sana as soon as possible magawa mo na unf mga gusto mo at siyempre maka bawi sa iyong parents
 
Be positive lang sa buhay TS.. darating din ang break mo. ganyan talaga ang buhay laging may ups and downs ang mahalaga matuto kang sumayaw sa gitna ng bagyo meaning kahit negative yung nangyayari hanapan mo eto ng positive side.
 
what? 20 ka palang pero parang wala ka nang ganang mabuhay. be grateful everyday. maswerte ka at gigising ka na ng tanghali na at walang gagawin kundi magphone. wait for that moment na masisimula ka nang magtrabaho earn your own money and support your needs without the help of anyone. and you will know what life truly means. gigisng na 4:30am araw araw dahil kailangan pumasok sa trabaho. uuwi ng pagod and syempre wala kang aabutan na nakahain na pagkain sa mesa dahil ikaw lang gagawa lahat nun. this is reality. soon after marerealize mo na tumatanda na pala sila mama at papa bakit ngayon ko lang naisip mga to.
 
😅😣 yan nga din eh. Nakikita ko ng tumatanda si mama kaya na rerealize ko na mga to.
 
Similar threads

Back
Top