What's new

Ang Pinsalang Idinudulot ng Por-nograpya

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
ANG lahat ng uri ng materyal tungkol sa sekso ay madaling makikita sa telebisyon, pelikula, music video, at sa Internet. Ang walang-tigil bang panghihimasok na ito ng ****ograpiko at seksuwal na mga larawan sa isipan ay di-nakapipinsala, gaya ng nais ng iba na paniwalaan natin?You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Ang mga Epekto ng ****ograpya sa mga Adulto

Sa kabila ng sinasabi ng mga tagapagtanggol nito, ang ****ograpya ay may lubhang negatibong epekto sa mga pangmalas ng tao hinggil sa sekso at seksuwal na paggawi. Ang mga mananaliksik sa National Foundation for Family Research and Education ay nagsabi na ang “pagkahantad sa ****ograpya ay naglalagay sa mga manonood sa higit na panganib na magkaroon ng mga tendensiyang lumihis sa normal na seksuwal na paggawi.” Ayon sa ulat na iyon, “ang sabi-sabi hinggil sa panghahalay (paniniwala na ang mga babae ang nag-uudyok at nasisiyahan sa panghahalay, at na normal ang mga manghahalay) ay napakalaganap sa mga lalaking nakaugaliang gumamit ng ****ograpya.”

Sinasabi ng ilang mananaliksik na ang paulit-ulit na paggamit ng ****ograpya ay makahahadlang sa kakayahang masiyahan at makibahagi sa normal at matalik na ugnayang pangmag-asawa. Napansin ni Dr. Victor Cline, isang espesyalista sa paglunas ng pagkasugapa sa sekso, na nagiging paulit-ulit at madalas ang paggamit ng ****ograpya. Kung hindi ito babantayan, ang di-sinasadyang panonood ng ****ograpya sa simula ay sa kalaunan, maaaring umakay sa panonood ng mas grabe at di-normal na materyal. Ito, ayon sa kaniya, ay maaaring umakay sa likong mga gawa sa sekso. Sumasang-ayon ang mga siyentipikong nag-aaral ng paggawi ng tao. Iniulat ni Dr. Cline na “anumang anyo ng paglihis sa normal na paggawi sa sekso ay maaaring makuha sa ganitong paraan . . . at na hindi ito maaalis kahit ng matinding panunumbat ng sariling budhi.” Sa kalaunan, maaaring sikapin ng manonood na isagawa ang salig sa ****ograpya at imoral na mga pantasya, na kadalasa’y may nakapipinsalang mga resulta.

Ang landasin ng problemang ito ay maaaring unti-unti at di-namamalayan, ang konklusyon ni Cline. Sinabi niya: “Tulad ng kanser, patuloy itong lumalaki at lumalaganap. Bihirang tumigil ito sa paglaganap, at napakahirap nitong gamutin at pagalingin. Ang pagkakaila ng sugapang lalaki at pagtangging harapin ang problema ay karaniwang mga reaksiyong inaasahan, at kadalasang umaakay sa di-pagkakasundo ng mag-asawa, kung minsan sa pagdidiborsiyo, at kung minsan sa pagkasira ng ibang matatalik na ugnayan.”

Ang Pinsala sa mga Kabataan

Ipinakikita ng estadistika na ang pangunahing mga gumagamit ng ****ograpya ay mga kabataang lalaki mula edad 12 hanggang 17. Sa katunayan, para sa marami, ang ****ograpya ang pangunahing pinagmumulan ng kanilang edukasyon sa sekso. May nakababahalang mga resulta ito. “Ang pagdadalang-tao ng mga tin-edyer at ang sakit na naililipat sa pagtatalik tulad ng AIDS,” ang sabi ng isang ulat, “ay hindi kailanman ipinakikita sa ****ograpya, anupat nagbibigay ng maling paniwala na walang masasamang resulta ang mga paggawing makikita sa ****ograpya.”

Sinasabi ng ilang mananaliksik na ang pagkakahantad sa ****ograpya ay makaaapekto rin sa likas na pagsulong ng utak ng bata. Ganito ang sabi ni Dr. Judith Reisman, presidente ng Institute for Media Education: “Ang mga obserbasyon kung paano nakaaapekto sa kalusugan ng sistema ng nerbiyo ang kusang pagtugon ng utak sa ****ograpikong mga larawan at tunog ay nagpapakita na ang panonood ng ****ograpya ay nagdudulot ng biyolohikal na pagbabago sa utak na sumusupil sa kakayahan nitong unawain at tanggapin ang isang bagay—at iyan ay nakapipinsala sa [nahuhubog] na ‘plastik’ na utak ng mga bata sapagkat isinasapanganib nito ang kanilang pagkaunawa sa realidad at ang kanilang mental at pisikal na kalusugan, ang kanilang kapakanan at ang kanilang paghahanap ng kaligayahan.”

Ang mga Epekto sa mga Ugnayan

Ang ****ograpya ay humuhubog sa mga saloobin at nakaaapekto sa paggawi. Ang mga mensahe nito ay pangunahin nang nakaaakit dahil sa pantasya ang mga ito at sa gayo’y inihaharap na mas kapana-panabik kaysa sa tunay na buhay. (Tingnan ang kahong “Aling Mensahe ang Tatanggapin Mo?”) “Ang mga indibiduwal na gumagamit ng ****ograpya ay nagkakaroon ng di-realistikong mga inaasahan na umaakay sa nasirang mga ugnayan,” ang sabi ng isang ulat.

Ang ****ograpya ay makasisira ng tiwala at pagkamatapat, na mahahalagang katangian sa pag-aasawa. Yamang pangunahin nang pinanonood ito nang lihim, ang paggamit ng ****ograpya ay kadalasang umaakay sa panlilinlang at pagsisinungaling. Nakadarama ang mga asawa na sila’y pinagtaksilan. Hindi nila maunawaan kung bakit hindi na sila kaakit-akit sa kanilang mga asawa.

Pinsala sa Espirituwal

Ang paggamit ng ****ograpya ay nagdudulot ng malubhang pinsala sa espirituwal. Maaari itong maging tunay na hadlang sa isang indibiduwal na nagnanais magkaroon ng kaugnayan sa Diyos.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Iniuugnay ng Bibliya ang pita sa sekso sa kaimbutan at idolatriya. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Gayon na lamang ang pag-iimbot ng isang tao sa isang bagay anupat nagiging pangunahing bahagi na ito ng kaniyang buhay at nahihigitan na nito ang iba pang mga bagay. Sa diwa, inuuna ng mga sugapa sa ****ograpya ang kanilang seksuwal na pagnanasa kaysa sa Diyos. Sa gayo’y ginagawa nilang idolo ito. Ang utos ng Diyos na Jehova ay nagsasabi: “Huwag kang magkakaroon ng iba pang mga diyos laban sa aking mukha.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Sinisira ng ****ograpya ang maibiging mga ugnayan. Hinimok ni apostol Pedro, na isa ring may-asawang lalaki, ang mga Kristiyanong asawang lalaki na pag-ukulan nila ng karangalan ang kani-kanilang asawa. Masusumpungan ng isang asawang lalaki na hindi gumagawa niyan na ang kaniyang mga panalangin sa Diyos ay nahahadlangan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Magiging marangal ba ang pakikitungo ng isa sa kaniyang asawang babae kung palihim naman siyang nanonood ng mahahalay na larawan ng mga babae? Ano ang madarama ng asawang babae kapag natuklasan niya ito? At ano ang iisipin ng Diyos na magdadala ng ‘kahatulan sa bawat uri ng gawa’ at ‘sumusukat sa mga espiritu’? (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Maaasahan pa kaya ng isa na gumagamit ng ****ograpya na pakikinggan ng Diyos ang kaniyang mga panalangin?

Ang paggigiit sa pagpapalugod sa sarili anuman ang kapalit ay likas na sa paggamit ng ****ograpya. Kaya naman, ang panonood ng ****ograpya ay di-maibigin. Pinahihina nito ang pakikipagpunyagi ng isang Kristiyano na mapanatili ang kalinisan at malinis na katayuan sa moral sa harap ng Diyos. “Ito ang kalooban ng Diyos,” ang isinulat ni apostol Pablo, “na umiwas kayo sa pakikiapid; na ang bawat isa sa inyo ay dapat makaalam kung paano susupilin ang kaniyang sariling sisidlan sa pagpapabanal at karangalan, hindi sa mapag-imbot na pita sa sekso . . . , upang walang sinumang umabot sa punto ng pamiminsala at manghimasok sa mga karapatan ng kaniyang kapatid.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Pantangi nang sinasamantala ng ****ograpya ang mga babae at mga bata. Hinahamak sila nito at inaalisan ng dignidad at mga karapatan. Ang isa na gumagamit ng ****ograpya ay nakikibahagi at sumusuporta sa pagsasamantalang iyan. “Gaanuman kahusay ang isang . . . lalaki ayon sa palagay niya,” ang sabi ng mga mananaliksik na sina Steven Hill at Nina Silver, “ang kaniyang tahimik na pagsang-ayon sa ****ograpya ay nagpapangyari sa kaniya na maging isang indibiduwal na [di-sensitibo] sa pinakamainam na kalagayan, at isang indibiduwal na napopoot sa mga babae sa pinakamasamang kalagayan, sa mismong indibiduwal na sinasabi niyang minamahal niya.”

Paglaya sa Bisyo ng ****ograpya

Paano kung sa kasalukuyan ay nakikipagpunyagi ka sa pagkasugapa sa ****ograpya? May magagawa ba para makalaya? Ang Bibliya ay nagbibigay ng pag-asa! Bago nila nakilala si Kristo, ang ilan sa sinaunang mga Kristiyano ay dating mga mapakiapid, mangangalunya, at sakim na mga tao. “Ngunit hinugasan na kayong malinis,” ang sabi ni Pablo. Paano iyon naging posible? Sumagot siya: “Pinabanal na kayo . . . sa espiritu ng ating Diyos.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Huwag kailanman mamaliitin ang kapangyarihan ng banal na espiritu ng Diyos. “Ang Diyos ay tapat,” ang sabi ng Bibliya, “at hindi niya hahayaang tuksuhin kayo nang higit sa matitiis ninyo.” Tunay nga, maglalaan siya ng daang malalabasan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang marubdob na pananalangin—walang-tigil na paghaharap sa Diyos ng iyong mga problema—ay magdudulot ng maiinam na resulta. Ang kaniyang Salita ay nagpapasigla: “Ihagis mo ang iyong pasanin kay Jehova, at siya ang aalalay sa iyo.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Sabihin pa, kailangan mong kumilos kasuwato ng iyong mga panalangin. Kailangan mong gumawa ng kusang-loob at tapat-pusong pasiya na tanggihan ang ****ograpya. Ang isang pinagkakatiwalaang kaibigan o miyembro ng pamilya ay maaaring makapagbigay ng napakahalagang tulong, anupat naglalaan ng kinakailangang suporta at pampatibay-loob upang makapanatili ka sa iyong pasiya. (Tingnan ang kahong “Paghingi ng Tulong.”) Ang pag-alaala na tiyak na magpapalugod sa Diyos ang gayong pagkilos ay makatutulong sa iyo na manatili sa iyong landasin. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Bukod diyan, ang pagkaalam na masasaktan ang Diyos sa panonood mo ng ****ograpya ay magsisilbi ring karagdagang pangganyak upang talikdan na ito. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi ito magiging isang madaling pakikipagpunyagi, ngunit isang pakikipagpunyagi na mapagtatagumpayan. Ang bisyo ng ****ograpya ay kayang daigin!

Ang mga panganib ng paggamit ng ****ograpya ay totoo. Ito ay nakapipinsala at nakasisira. Pinasasamâ nito yaong mga gumagawa at yaong mga gumagamit nito. Isa itong insulto sa mga lalaki at mga babae, isang panganib sa mga bata, at isang gawaing dapat itakwil.

[Mga talababa]

Para sa detalyadong pagtalakay sa mga panganib ng ****ograpya sa Internet, pakisuyong tingnan ang serye ng mga artikulo na pinamagatang “****ograpya sa Internet—Anong Pinsala ang Magagawa Nito?” sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Para sa pagtalakay sa pangmalas ng Bibliya sa ****ograpya, pakisuyong tingnan ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Paghingi ng Tulong

Ang pakikipagpunyagi upang makalaya sa ****ograpya ay hindi dapat maliitin; maaari itong maging isang mahirap na pakikipaglaban. Ganito ang sabi ni Dr. Victor Cline, na gumamot sa daan-daang sugapa sa sekso: “Hindi sapat ang mga pangako. Walang kabuluhan ang mabubuting intensiyon. Hindi talaga ito kaya [ng isang sugapa sa sekso] nang mag-isa.” Ang isang kahilingan sa matagumpay na paggagamot, ayon kay Cline, ay ang isangkot ang asawa, kung may asawa ang indibiduwal. “Mas mabilis ang paggaling kung kapuwa sila kasangkot,” ang sabi niya. “Kapuwa sila nasugatan. Kapuwa sila nangangailangan ng tulong.”

Kung walang asawa ang indibiduwal, kadalasan ang isang pinagkakatiwalaang kaibigan o miyembro ng pamilya ay maaaring maging haligi ng kalakasan. Sinuman ang kasangkot sa paggagamot, si Cline ay may isang di-nababagong alituntunin: Malayang ipakipag-usap ang problema at anumang naulit na pagkakagawa nito. “‘Papatayin ka’ ng paglilihim,” ang sabi niya. “Lumilikha ang mga ito ng kahihiyan at paninisi sa sarili.”



Aling Mensahe ang Tatanggapin Mo?

Ang Mensahe ng ****ograpya
Ang Pangmalas ng Bibliya

◼ Ang pakikipagtalik ◼ “Maging marangal nawa ang
sa sinuman, sa anumang pag-aasawa sa gitna ng lahat,
panahon, sa anumang at maging walang dungis ang
kalagayan, at sa higaang pangmag-asawa,
anumang paraan ay sapagkat hahatulan ng Diyos
mabuti at walang ang mga mapakiapid at mga
masamang epekto. mangangalunya.”You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

“Siya na namimihasa sa
pakikiapid ay nagkakasala
laban sa kaniyang sariling
katawan.”
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.;
tingnan din ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
◼ Ang pag-aasawa ◼ “Magsaya ka sa asawa ng
ay isang hadlang sa iyong kabataan . . . Sa
seksuwal na kasiyahan. kaniyang pag-ibig ay lagi ka
nawang magtamasa ng masidhing
ligaya.”
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.;
tingnan din ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.;
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.; You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
◼ Ang mga babae ay ◼ “Gagawa ako [ang Diyos
may iisang layunin lamang na Jehova] ng isang katulong
—upang bigyang-kasiyahan para sa kaniya, bilang
ang seksuwal na pangangailangan kapupunan niya.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.;
ng mga lalaki. tingnan din ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
◼ Ang mga lalaki at ◼ “Patayin ninyo, kung gayon,
mga babae ay mga alipin ang mga sangkap ng inyong
ng kanilang mga simbuyo katawan na nasa ibabaw ng
sa sekso. lupa may kinalaman sa
pakikiapid, karumihan, pita
sa sekso, nakasasakit na
pagnanasa, at kaimbutan, na
siyang idolatriya.”
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

“Ang bawat isa sa inyo ay dapat
makaalam kung paano susupilin
ang kaniyang sariling sisidlan
sa pagpapabanal at karangalan.”

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ituring ang ‘matatandang babae
bilang mga ina, ang mga
nakababatang babae bilang mga
kapatid na babae nang may buong
kalinisan.’
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.;
tingnan din ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top