What's new

Trivia Ang Papado Itinatag ba ni Kristo?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,545
Reaction
7,212
Points
2,568
“SA PAGITAN ni Pedro, ang unang Obispo ng Roma, at ng ating kasalukuyang papa, si Juan Paulo II, ay may mahabang hanay ng pinakamataas na mga papa—sa katunayan, mahigit na 260.” Ganiyan ang sabi ng Katolikong prayle na si Anthony Foy sa The Southern Cross, isang Katolikong lingguhang lathalain para sa timugang Aprika. Ganito pa ang kaniyang pagpapatuloy: “Ang walang patid na hanay na ito ng mga papa ang may pagtitiwalang maitatawag-pansin namin, pagka kami’y hinilingan na patunayan na ang Iglesiya Katolika ay itinatag ni Jesu-Kristo.”

May pagtitiwala bang masasabi na ang mahabang hanay na ito ng mga papa ay nagsimula kay apostol Pedro? Sang-ayon sa teolohiyang Katoliko, apat na papa, sina Linus, Anacletus, Clement I, at Evaristus, ang sinasabi na humalili kay Pedro hanggang noong taóng 100 C.E. Sa Bibliya ay may binabanggit na isang Kristiyanong nagngangalang Linus na nanirahan sa Roma. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Gayunman, walang anumang nagpapahiwatig na si Linus, o sino pa man, ay isang papa na humalili kay Pedro. Ang apostol na si Juan, na sumulat ng limang aklat ng Bibliya noong huling dekada ng unang siglo, ay hindi bumabanggit ng anuman kaugnay ng binanggit na ngang umano’y mga kahalili ni Pedro. Talaga naman, kung nagkaroon nga ng kahalili si Pedro, hindi kaya ang makatuwirang pipiliin ay si Juan mismo?

Tungkol sa pag-aangkin na si Pedro ang unang obispo ng Roma, walang patotoo na dumalaw man lamang siya sa siyudad na iyan. Sa katunayan, sinabi ni Pedro mismo na kaniyang isinulat buhat sa Babilonya ang kaniyang unang liham. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang argumentong Katoliko na ginamit ni Pedro ang “Babilonya” bilang isang mahiwagang pangalan para sa Roma ay walang batayan. Ang tunay na Babilonya ay umiral noong kaarawan ni Pedro. Isa pa, ang Babilonya ay mayroong isang malaking pamayanang Judio. Yamang inatasan ni Jesus si Pedro na doon lamang mangaral sa tinuling mga Judio, makatuwirang lubos na maniwala na si Pedro ay dumalaw sa Babilonya ukol sa layuning ito.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Pansinin, din naman, kailanman ay hindi tinukoy ni Pedro ang kaniyang sarili kundi isa sa mga apostol ni Kristo. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Saan man sa Bibliya ay hindi siya tinatawag na “Amang Banal,” “Kataas-taasang Obispo,” o “Papa” (Latin, papa, isang magiliw na termino para sa “Ama”). Sa halip, siya’y mapakumbabang sumunod sa mga salita ni Jesus sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “At, huwag ninyong tatawaging inyong ama ang sinumang tao sa lupa, sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Isang nasa langit. Ni huwag kayong patatawag na ‘lider,’ sapagkat iisa ang inyong Lider, ang Kristo.” Hindi tinanggap ni Pedro ang anumang pagsamba sa kaniya. Nang ang Romanong senturyon na si Cornelio ay “magpatirapa sa kaniyang paanan at siya’y sinamba . . . , itinindig siya ni Pedro, na sinasabi: ‘Magtindig ka; ako man ay tao rin.’ ”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Tungkol sa 260 na diumano’y mga papa, inaamin ng paring si Foy: “Marami ang hindi naging karapat-dapat sa kanilang tungkulin.” Sa pagtatangkang ipangatwiran ito, ang New Catholic Encyclopedia ay nagsasabi: “Ang mahalaga ukol sa mga layunin ng pamahalaan ay ang tungkulin, at hindi ang personal na ugali ng indibiduwal na papa. Sa personal ay baka siya naging isang santo, isang karaniwang tao, o isang tampalasan.” Ngunit ikaw ba ay naniniwala na gagamitin ni Kristo ang gayong mga tao upang maging kinatawan niya?

Sa papaano man, ang pangungusap na si Jesus ang nagtatag sa papado ay hindi talaga inaalalayan ng Bibliya. Sang-ayon sa Encyclopedia of Religion, maging ang mga modernong iskolar Katoliko man ay sumasang-ayon na “walang tuwirang patotoo ang Bibliya na si Jesus ang nagtatag ng papado bilang isang permanenteng tungkulin sa loob ng iglesiya.”
 

Similar threads

Back
Top