What's new

Closed Ang paglabas ng bahay...

Status
Not open for further replies.

Eseru

Eternal Poster
Joined
Mar 29, 2017
Posts
1,158
Reaction
446
Points
387
...ay napaka matrabaho.

Even before magstart si COVID-19, di pa ako nakaka pag pa bayan. You see, sa medyo kabundukan kami naka tira 😆 per abot naman ng PLDT.
Ilang days ko na binabalak magpa-bayan (Bayan - city, nandun mga shops and services), ngayon lang ako lumabas para humanap ng info paano ba ko makakapunta ng bayan 🤣

Wala nang bumabyaheng Jeep pa-bayan, lahat by tricycle nalang. May sasakyan naman kami, kaya lang, lagi din gamit ni tatay, and kung di naman nya ginagamit, never naman ako kumuha dati ng lisensya para mag-drive 😅
Face shield, madali lang makuha. Face mask, meron nako. ******* sprayer, lagi naman ako may gamit nun dati pa.
Isa ko pang problema yung quarantine pass, ewan, magulo sa barangay namin 🤣 may pass sina tatay, di nga lang naka lista name ko, kasi nga, never naman ako nagbalak dati na umalis.
Di ako maka kuha ng bagong pass, ubos na daw. Sina tatay, ayaw ipa gamit yung pass nya, kelangan daw baranggay yung magsulat ng name ko dun. (Vinavalidate pa ba yung pass nung mga nagche-check???? I mean, tatawag pa sa barangay na nagbigay if nasa master list nila yung taong naka lista sa pass???)

So ayun, and ending, ilista ko nalang daw yung gusto ko ipa bili ;____;
Di lang naman yun yung kelangan kong gawin.

Well, magaantay nalang siguro ako ng panahon na wala nang COVID at malaya na tayong lahat.

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Anong kwentong paglabas ng bahay mo, ka-PHC?
Anu -ano yung mga na-encounter mo na problema or maybe magulo din na processo?
 
Ang hirap lang magbuhat ng 20kilos ng bigas tapos maglalakad ka ng almost 2km dahil walang masakyan na tricycle. 😂 Siksikan sa mga pamilihan kahit may pinapatupad na social distancing. Yung mga supermarket naman dito, akala mo mauubusan kinabukasan ng paninda sa dami ng mga nakapila. Yung pila naman sa ATM, kung kailan mo gusto kumuha ng pera dun naman sila dadagsa. 😂 Basta kung ano yung trip mong gawin, may mauunang mga tao sa pila or what. 🤣
 
Parehas pala tayo tinatamad ako umalis ng bahay dahil daming dapat alalahanin kapag lalabas ng bahay tapos ang dami pang bawal. Nakaka umay. Tapos yung mga establishment hindi 100% fully operated. Tsaka parang habang TUMATAGAL dumadami lalo magpa positive sa covid kung saan saan 😷
 
😣 2KM?! ang layo naman.
nag uumbukang muscles sa braso't binti pagka-uwi sa bahay 😅
instant macho

booming siguro yung business nung mga pa-bili, pa-utos, saka mga online sellers kung ganyan pala scene sa markets/malls.
 
[XX='Eseru, c: 264693, m: 839651'][/XX] Hindi naman gaano, nababawi din ng maghapong nakahilata e. 🤣

Oo, parang yung iba nga dito ganyan yung ginagawa. 😅
 
yung bibili ka lang ng mantika sa tindahan pero need mo parin talaga mag suot ng mask and face shield, tapos pag nag punta sa bayan kulang na lang lagyan mo ng basket magkabila yung motor mo dahil bawal nga ang tricycle, ahahaha!!
 
dumadami ng dumadami yung infected, tapos same pa rin yung number ng health workers ;____;
harinawa nga't yung dinedevelop na vaccines ay makarating sa bansa natin, and sana walang grabeng side effects.
 
[XX='Eseru, c: 264761, m: 839651'][/XX] mahirap magtiwala sa vaccine na yan masyadong minadali ang pagdicosver. Dapat mauna muna yung mga politiko mag try nyan
 
naiimagine ko, sobrang bigat nung dala ng motor, hirap maka-ahon sa matarik na daan 😆 yung sobrang ingay na nung makina, nasa kalahati palang ng inaakyat. 😆
 
[XX='copro14, c: 264774, m: 258459'][/XX] true, yung ibang vaccines, taon yung binilang para ma-perfect yung formula. Then ito nga, dahil naging pandemic si COVID19, kelangan madaliin. Even yung past corona viruses, di mahanapan ng vaccine. Kaya mahirap ngang magtiwala, kanya lang, wala tayo magagawa, naadiyan na si covid, lahat yata ita-try gawin makabalik lang sa dati.

Naiisip ko rin, dahil nga parang ewan yung madalas na plano ng government and health sector natin, balak nila, magkaron nalang tayo ng herd immunity. Kanya lang masyadong delikado yuon.

And ayun pa nga, nagmu-mutate yung virus (dito ko lang narining na nagmutate yung virus), baka yung nadeveloped na vaccine is effective lang sa original/past strain ng COVID19 virus. (Pero sabi ni tsina, effective daw yung version nila ng vaccine sa lahat ng mutations), weird, pano kaya nila natest yun.
 
[XX='Eseru, c: 264850, m: 839651'][/XX] sinasabi lang nila ng dumaan na talaga sa ilang trials para maka benta sila syempre buong mundo bibili sa gamot kaya pa unahan sila. Paano mo naman masasabing effective yun sa lahat eh hindi naman magkaka tulad katawan ng tao pwedeng sa iba effective at walang side effect kaya ba nilang I assure yun sa lahat na walang magiging side effect sa lahat ng tao. Tingin ko isang malaking "NO". Buti sana kung talagang magkaka pareho takbo ng katawan ng tao 🤣
 
[XX='Eseru, c: 264776, m: 839651'][/XX] sakit nun paps, haha!! kawawa tala motor pag ganun,
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top