- Joined
- Sep 19, 2016
- Posts
- 3,552
- Reaction
- 7,215
- Points
- 2,569
“KAYO’Y humiwalay sa diyus-diyosan . . . at naging mga lingkod ng tunay, buháy na Diyos,” ang isinulat ni apostol Pablo sa mga Kristiyano sa Tesalonica. (You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.) Oo, maraming mga sinaunang Kristiyano ang dati’y mga paganong mananamba sa diyus-diyosan. (You do not have permission to view the full content of this post.
Log in or register now.) Subalit nang sila’y maging mga Kristiyano na, inihinto na nila ang kanilang pagsamba sa mga diyus-diyosan.
Ang pagyuko sa mga idolo ay karaniwang-karaniwan, gayunman, kung kaya’t ang mga Kristiyano ay tinutuya sapagkat sila’y sumasamba ng walang mga imahen. May mga paganong nagpaparatang pa nga sa kanila na sila’y mga ateista! Paano, kung gayon, naging napakamalaganap sa Sangkakristiyanuhan ang pagsamba sa mga imahen?
Ang mga Imahen ng Sangkakristiyanuhan—Saan Nanggaling?
Maraming mga gawaing pagano ang ipinasok sa gitna ng “mga Kristiyano” pagkatapos ng umano’y kombersiyon ng Romanong emperador na si Constantino. “Mula noong mga kaarawan ni Constantino,” ang sabi ng historyador ng relihiyon na si Edwyn Bevan sa kaniyang aklat na Holy Images, “ang paggamit sa Krus bilang isang simbolo sa buong daigdigang Kristiyano ay naging palasak at mga anyo ng pagsamba ang sa madaling panahon ay iniukol dito.” Ito’y nagbukas ng daan para sa mga iba pang anyo ng pagsamba sa imahen. Ganito ang puna ng aklat ding iyan: “Waring nangyari na bago maghandog ng pagsamba sa mga larawan at mga imahen ang kaugalian ay nauso na paghahandog na pagsamba sa simbolo ng Krus, na sa ganang sarili . . . ay hindi masusumpungan sa mga bantayog Kristiyano o mga bagay tungkol sa sining relihiyoso bago nagpakita si Constantino ng halimbawa sa labarum [istandarteng militar na ang isang bahagi’y krus].”
Ang ganitong pag-unlad ay nagpatuloy. Noong ikawalong siglo C.E., si Juan ng Damasco, itinuturing na isang “santo” ng Romano Katoliko at ng mga iglesyang Eastern Orthodox, ay sumulat: “Nang maibagsak na ng banal na mga Ama ang mga templo at mga bahay-sambahan ng mga diyablo, at sa kanilang mga lugar ay inihalili ang mga bahay-sambahan na sunod sa pangalan ng mga Santo at tayo’y sumasamba sa kanila, ganoon din na kanilang ibinagsak ang mga imahen ng mga diyablo, at inihalili roon ang mga imahen ni Kristo, at ng Ina ng Diyos, at ng mga Santo.”
Dito, si Thomas Aquinas, Romano Katolikong “santo” noong ika-13 siglo, ay nagsusog: “Ang ganoon ding pagsamba ay dapat ipakita sa isang imahen ni Kristo at kay Kristo Mismo . . . Ang Krus ay sinasamba na katulad ng pagsamba kay Kristo, samakatuwid nga, taglay ang pagsamba ng latria [ang katuturang Katoliko ukol sa pinakamataas na anyo ng pagsamba], at sa dahilang iyan aming dinadalanginan at pinahahatdan namin ng pagsusumamo ang Krus gaya ng ginagawa namin sa Mismong Nakapako roon.”
Si Aquinas ay itinuturing pa rin na isang may mahalagang bahagi sa doktrina ng “pagsamba sa mga imahen.” Ayon sa New Catholic Encyclopedia, ang “pagsamba sa mga imahen” ay kailangang maghintay sa kaniya “upang masumpungan ang sarili nitong ganap na paliwanag” ay kailangang maghintay sa kaniya “upang masumpungan ang sarili nitong ganap na paliwanag.” Gayunman, maliwanag na ang pagsambang “Kristiyano” sa mga imahen ay nagsilbi lamang na panghalili sa pagsambang pagano sa mga imahen.
Ipinangangatuwiran ang Paggamit ng Sinasambang mga Imahen
Marami sa ngayon na sumasamba sa mga imaheng relihiyoso ang tututol na sila’y tawagin na mga mananamba sa imahen. Gayunman, hindi bago ang kanilang mga pagtutol sa ganiyang tawag. Noong ikaapat na siglo, tinuya ng umano’y si San Agustin ang mga pangangatuwiran ng mananamba-sa-idolong mga di-Kristiyano, na ang sabi: “May isang nakikipagtalo na waring ang turing sa kaniyang sarili’y marunong, at nagsasabi, Hindi ko sinasamba ang batong iyan, ni ang imaheng iyan na walang pakiramdam; . . . Hindi ko sinasamba ang imaheng ito; kundi ang sinasamba ko ay yaong aking nakikita, at pinaglilingkuran ko siya na hindi ko nakikita.” Sa ibang pananalita, kanilang sinasabi na ang sinasamba lamang nila ay ang di-nakikitang persona na kinakatawan ng kanilang mga idolo. “Sa pagbibigay ng ganitong ulat tungkol sa kanilang mga imahen,” isinusog pa ni Agustin, “sila wari sa kanilang sarili ay mahuhusay makipagtalo, dahil sa hindi sila sumasamba sa mga idolo, subalit sumasamba naman sa mga diyablo.”—Expositions on the Book of Psalms ni Augustine, You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Bagaman ang mga teologong Romano Katoliko ay mabilis na humatol sa idolatriyang pagano, pagdating na sa kanilang sariling paggamit ng mga imahen, kalimitan na sila’y gumagamit ng mismong pangangatuwiran na ginagamit ng umano’y mga pagano. Halimbawa, tungkol sa mga imahen ni Kristo, ni Maria, at ng mga “santo,” ang Konsilyo ng Trent noong ika-16 na siglo ay nagpahayag: “Ang kaukulang parangal at pagsamba ay kailangang ibigay sa kanila; gayumpaman, hindi dahil sa anumang divinidad o galing na pinaniniwalaang taglay nila na sa dahilang iyon kailangan silang sambahin.” Bakit, kung gayon, kailangang sambahin? “Sapagkat ang karangalan na ipinakikita sa kanila,” ayon sa paliwanag ng konsilyo, “ay iniuukol sa kanilang mga kinakatawan, upang sa pamamagitan ng mga imahen na ating hinahagkan at ating niyuyukuran at niluluhuran, ating sinasamba si Kristo at pinararangalan ang mga santo, na kumakatawan sa kanila.”
Hanggang sa araw na ito ang Iglesya Katolika Romana ay patuloy na ipinangangatuwiran ang idolatriya batay sa ganoon ding mga dahilan: na ang mga imahen ay isa lamang paraan upang maitutok ang atensiyon sa makalangit na isang kinakatawan nila at na walang galing o kapangyarihan ang mga imahen. Datapuwat, sa ganiyang pagpapahayag, ito ba’y napatunayang totoo sa aktuwal na gawain? Lahat ba ng gumagamit ng imahen ay talagang naniniwala na walang ‘divinidad o galing sa mga ito’?
Mga Imahen—Ang Pangmalas ng mga Sumasamba
Sa Seville, Espanya, isang panatikong pagiging magkaribal ang umiiral sa pagitan ng mga tagasunod ng Birhen la Macarena at ng Birhen de la Esperanza. Sa Katedral ng Chartres, Pransiya, mayroong tatlong Birhen—ang Nuestra Señora de la Gruta, at ang Nuestra Señora de la “Belle Verriere”—bawat isa sa kanila ay mayroong kaniyang sariling mga deboto. Maliwanag na ang mga mananamba ay kumbinsido na ang kanilang imahen ng Madonna ay sa anumang paraan nakahihigit sa anumang imahen—bagama’t lahat ng tatlong imahen ay kumakatawan sa iisang persona! Maliwanag, kung gayon, na ang pinag-uukulan ng pagsamba, ay hindi yaong kinakatawan niyaon, kundi ang mga imahen mismo.
Samakatuwid, ang ipinangangatuwiran ng Iglesya Katolika Romana bilang relatibong pagsamba ay kalimitang lumalabas na aktuwal na pagsamba sa isang imahen. Ang mga tusong pamamaraan ng mga teologo ay walang gaanong kabuluhan sa harap ng siglu-siglong aktuwal na ginagawa.
Ano ba ang Sinasabi ng Bibliya?
Ang payo ng Bibliya ay salungat sa mga teoriya ng mga teologo. Niliwanag ng Diyos sa sinaunang Israel na ang idolatriya ay lubos na kinamumuhian niya. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Totoo, ang ibang mga representasyon, tulad baga ng tansong ahas na ginawa ni Moises, ay pinayagan. Gayunman, ang pagyuko bilang pagsamba sa gayong mga bagay ay lubos na ipinagbawal.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Paminsan-minsan na sinusuway ng Israel ang pagbabawal na ito ng idolatriya. Halimbawa, sa Sinai, ang Israel ay gumawa ng gintong baka para sambahin. Anong laking pamumusong na ‘ipagpalit sa kaluwalhatian ng Diyos ang larawan ng isang baka, isang mangangain ng halaman’! (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., NW) Subalit katulad ng mga ibang relihiyonista sa ngayon, sinasabi nilang sinasamba nila, hindi ang baka, kundi ang Diyos mismo! “‘Narito ang iyong Diyos, Israel,’ ang sigaw nila, ‘na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto!’” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Gayunman, hindi pinayagan ni Jehova na umiral ang ganitong “relatibong” pagsamba, ang tahasang pagbabalik na ito sa relihiyon ng Ehipto. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ito’y tuwirang labag sa tipan na kanilang sinang-ayunang gawin sa Sinai, at nagdala ito sa Israel sa panganib na malipol.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Subalit, bakit nga gayon na lamang katindi ang paninindigan ni Jehovang Diyos laban sa mga imahen? Unang-una, ang mga imahen ay walang kapangyarihan; sila’y walang kabuluhan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sinabi ni Jeremias na sila ay mistulang mga panakot-ibon, na walang hininga. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Si Isaias ay isa rin sa kumutya sa mga taong gumagamit ng bahagi ng isang punungkahoy para gawing gatong sa pagluluto at ang isang bahagi naman ay gawing isang diyos. Ang propeta ay nagbababala na ang gayong mga mananamba sa idolo ay “walang nalalamang anuman, walang nauunawaang anuman. Ang kanilang mga mata ay hindi nakakakita bahagya man, ang kanilang mga puso ay hindi tumatanggap ng anumang katuwiran.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Ang isang lalong higit na nakamamatay na panganib na magagawa ng pagsamba sa imahen ay ang posibilidad na ang isang imahen ay magsilbing pinaka-tulay sa pakikipagtalastasan sa mga demonyo. Tungkol sa mga Israelita ay sinabi ng salmista: “Sa paglilingkod sa mga idolong pagano, sila’y nasilo upang ihain sa mga demonyo ang kanilang sariling mga anak na lalaki at babae.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.; ihambing ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..) Sa ganito, nabuksan ang daan para sa iba pang mga pamahiin, mga gawang espiritismo. Ang isa pang halimbawa ay yaong kay Haring Manases, na muling bumuhay ng idolatriya sa Israel. Pagkatapos, “kaniyang ipinagtayo ng mga dambana ang lahat na natatanaw sa langit sa dalawang looban ng Templo” at “nagsasagawa ng panghuhula at mahika.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Ang Kristiyanong Griegong Kasulatan ay nagbababala ng ganiyan ding mga panganib. Ang The New Bible Dictionary ay nagsasabi: “Sa Matandang Tipan ang pagtatalo laban sa idolatriya . . . ay kumikilala sa kaparehong dalawang katotohanan na noong malaunan ay pinatotohanan ni Pablo: na ang idolo ay walang kabuluhan, gayunman ay mayroong isang makademonyong espirituwal na puwersa na dapat harapin, at na ang idolo samakatuwid ay isang positibong espirituwal na panganib.” Si Pablo ay sumulat: “Batid natin na ang mga idolo ay hindi talagang umiiral sa sanlibutan at na walang Diyos kundi yaong Isa.” Subalit nang bandang huli ay nagbabala siya: “Ang mga hain na kanilang inihahandog ay kanilang inihahain sa mga demonyo na hindi naman Diyos. At hindi ko ibig na makita kayo na nakikipagtalamitan sa mga demonyo.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Oo, ang hukbo ng mga balakyot na espiritu ay nagsusumikap na isailalim ng kanilang kapangyarihan ang sinuman. Si Pablo ay sumulat: “Sapagkat hindi laban sa mga kaaway na tao nakikipagpunyagi tayo, kundi laban sa mga Soberanya at mga Kapangyarihan na nagmumula sa kadiliman ng sanlibutang ito, ang espirituwal na hukbo ng kasamaan sa kalangitan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang anumang uri ng pagsamba sa imahen samakatuwid ay nagpapamanhid sa espirituwal na pagkakilala ng isang tao, nagbibigay-daan sa pamahiin, at pinagiging madaling pasukan siya ng espiritistikong mga tagapamahala ng madilim, masamang sanlibutang ito.
Pagsamba ‘sa Katotohanan’
Maraming taimtim na mga tao ang gumagamit ng mga imahen upang mapalapit na lalo sa Tagapakinig ng panalangin. Kanais-nais naman na ikaw ay maging malapit sa Diyos. Subalit tayo ba ay malayang pumili ng ating sariling paraan ng paglapit? Tunay na kailangang hanapin natin ang paraan na nakalulugod sa Diyos, hindi ang ating sariling paraan. Sinabi ni Jesus: “Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay. Walang sinuman na makalalapit sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Dito’y makikita na hindi kailangang gumamit ng mga imahen sa pagsamba. Si Jesus ay nagturo pa rin: “Ngunit darating ang oras—ang totoo’y naririto na nga ito ngayon—na ang mga tunay na mananamba ay sasamba sa Ama sa espiritu at katotohanan: iyan ang uri ng mananamba na ibig ng Ama. Ang Diyos ay espiritu, at yaong mga sumasamba sa kaniya ay kailangang sumamba sa espiritu at katotohanan.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Ang sinuman ba na espiritu ay maaaring katawanin ng isang materyal na imahen? Hindi. Gaano man ang waring kadakilaan ng isang imahen, hindi ito makakatumbas ng kaluwalhatian ng Diyos. Kaya ang isang imahen ng Diyos ay hindi kailanman makapagsasabi ng katotohanan. (Ihambing ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..) Ang isang tao kaya kung gayon ay ‘makasasamba sa katotohanan’ kung siya’y lalapit sa Diyos sa pamamagitan ng gayong walang katotohanang mga imahen?
Ang mga Saksi ni Jehova ay nakatulong sa libu-libong mga tao upang umalis sa kanilang idolatrosong mga kinaugalian at maging yaong ‘uri ng mga mananamba na ibig ng Ama.’ Pagkatapos na ipakita buhat sa Bibliya kung ano ang pagkakilala ng Diyos sa mga imahen, marami ang napakilos na alisin ang mga imahen sa kanilang mga tahanan at ang anyo ng pagsamba sa kanila. (Ihambing ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..) Totoo naman, hindi laging madali na gawin ang ganiyan ng gayong mga tao. Subalit sila’y napakilos ng isang taimtim na hangarin na kumapit nang mahigpit sa Salita ng Diyos ang Bibliya, na nagpapayo sa mga tunay na Kristiyano: “Mga anak, maging mapagbantay kayo laban sa mga huwad na diyos [sa literal, mga idolo].”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., talababa.
[Talababa]
Maliban sa kung iba ang ipinakikita, lahat ng mga sinipi sa Kasulatan ay kinuha sa Katolikong Jerusalem Bible.
Ang mga ‘Icono ba ay Hindi Nagiging mga Idolo’?
Ang “icono” ay tumutukoy sa isang espisipikong uri ng imahen, samakatuwid nga, ang relihiyosong mga ipinintang larawan na sinasamba ng mga miyembro ng Eastern Orthodox Church. Ang ilan ay mga representasyon ni Kristo; ang iba’y representasyon naman ng Trinidad, ni Maria, ng mga “santo” o mga anghel. Tulad ng mga Romano Katoliko, ipinangangatuwiran ng mga teologong Orthodox ang pagsamba sa mga icono bilang isang relatibong pagsamba na ang debosyon ay doon talaga iniuukol sa isang nasa langit na kinakatawan niyaon. “Ang icono,” ang sabi ng teologong Ruso, na si Sergey Bulgakov, “ay nananatili lamang na isang bagay at hindi nagiging isang idolo o isang pinag-uukulan ng pagsamba.”
Gayunman, itinuturo naman ng Eastern Orthodox Church na ang isang icono ay maaaring magdala ng pantanging kapakinabangan sa isang mananamba na nananalangin sa harap nito, kung ang icono ay “santipikado” ng simbahan. “Ang rituwal ng pagbasbas sa icono,” ang sabi ni Bulgakov sa kaniyang aklat na The Orthodox Church, “ay nagtatatag ng isang koneksiyon sa pagitan ng imahen at ng kinakatawan nito, sa pagitan ng kumakatawan at ng kinakatawan mismo. Sa pagbasbas sa icono ni Kristo, ang isang mahiwagang pagkakaugnayan ng mga tapat at ni Kristo ay nagiging posible. Ganiyan din kung tungkol sa mga icono ng Birhen at ng mga Santo; ang kanilang mga icono, maaaring masabi ng isa, ay nagpapahaba ng kanilang mga buhay dito sa ibaba.”
Isa pa, maraming mga icono ni Maria ang ayon sa paniwala’y may kapangyarihang maghimala. “Bagama’t siya’y nananatili sa langit,” ang sabi ni Bulgakov, “siya’y kapiling pa rin natin na namumuhay sa ating daigdig, dumaranas ng mga paghihirap dito, at tumutulo ang luha sa pag-iyak. Siya’y namamagitan para sa sanlibutan sa harap ng trono ng Diyos. Kaniyang inihahayag sa sanlibutan ang kaniyang sarili sa kaniyang naghihimalang mga icono.”