What's new

Poems Ang Paborito kung Tambayan

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,940
Solutions
6
Reaction
66,367
Points
16,625
Sa mahal kong PHC Community, nakagisnan kong tahanan nuon pa man,
mga alala ay talagang di malilimutan,
Simula nuong unang pagtapak ko dito,
at wala pang muwang sa mundong ito,
wala pa masyado kilala tela isang estranghero,
Maraming bagay pilit ko pang iniinsayo.

Medyu nahihirapang makasabay buti nalang at
may mga nakikilala at handang umalalay,
magkaiba man ang opinyon,pananaw sa mga bagay²,
dito ko naramdaman ang tunay na halaga at pagkakaisa
ang pakikisama sa kapwa.

Mga mga makikilala ,magpapasaya sayo ,
yung tipong bubuo sa iyong pagkatao pati sa araw mo,
másáráp isipin ang isang puwang ay
nabibigyan ng katwiran,
ang isang tanung mabibigyan ng kasagutan,
minsan mahirap din makipagsabayan,
kasi may mga pasubok ka pang dapat
malagpasan.

Yung mga itinuturing mung kaibigan
Oo,sapat na sila para manatili ka,
kahit lahat ay di mo pa lubos na kilala,
isa lang din naman ang layunin ,
ang magturo't magbahagi ng kalinganan
pero wag din kalimutan na sumunod sa mga alituntunin.

Iba't-ibang nilalaman maari mong subaybayan,
Mga taong pwedi mong pagtanungan,
Sa mga talento na sayo'y biyaya'
kung saan ekperto at marunong ka,
Nakakataba kasi ng puso ang
patuloy na pagbahagi sa iba,
lalo't lalo na sa mga taong
lubos na nangangailangan.

Yan ang rason kung bakit hanggang
ngayon nananatili tayo dito,
,isang pamilya,isang komunidad,
nakakaproud lang maging parte dito
hanggang sa kasalukuyan,
No doubt ito at dito talaga
paborito kung tambayan ngayon at magpakailanman.

~Professora Akira~
 
Last edited:
ako nga na isang baguhan dito ay nakikita ko ang iyong halaga, sakamat at kahit papanu, nagtiwala ka parin sa PHC, keep sharing lods at supporta kami lagi sayong kwento tula at mga patawa. Keep it up
 
Back
Top