What's new

Closed Ang nais ipabatid ng mga atheists sa ating mga Kristiyano.

Status
Not open for further replies.

marcoramiro01

Honorary Poster
Joined
Aug 27, 2017
Posts
610
Reaction
167
Points
191
Ginawa ko ang thread na ito upang iparating sa lahat ng mga kristiyano ang nais ipabatid ng mga atheists sa atin. Hindi ko sinasabing gayahin natin ang paniniwala nilang walang Diyos. Sinasabi nila na basahin at unawain nating mabuti ang Biblia. Ayon nga sa kumento ng isang atheist sa atin, "Religious people be like. Reading good Bible verses and ignoring the bad." Sasabihin nyo sa mga atheists, respeto sa paniniwala. Pero sa totoo lang, may punto naman talaga sila kung bakit dapat nating basahin at unawaing mabuti ang Biblia. Isa nga sa mga paratang nila ay "mass murderer" daw ang ating Diyos at ang great flood ay isa sa mga patunay nito kung saan pinatay ng Diyos ang lahat ng masasama dahil sa sobrang kasamaan. Pasensya na, masasabi ko ring mass murder ang ginawa ng Diyos kung talagang siya ang dahilan ng pagkakaroon ng great flood. Bakit? Dahil hindi lang naman masasama ang kanyang pinatay sa baha kundi pati mga inosenteng wala namang kasalanan. Masasabi ba nating makatarungan ang ginawa ng Diyos? Makatarungan kung masasama lang ang namatay, pero pati mga inosente nadamay. Kaya hindi natin pwedeng sabihin na makatarungan ang ginawa ng Diyos. Sinabi din sa Biblia na Siya ay lumilikha ng kasamaan. Paano tatawaging mabuting Diyos ang lumilikha ng kasamaan? Bakit tanggap nyo lang at patuloy pa ring pinaniniwalaan na magagawa ng ating Ama sa langit ang mga ito?

Sinabi ni Cristo, hindi humahatol ang Ama sa kanino mang tao (Juan 5:22), at Siya'y magandang-loob sa mga walang turing at sa masasama (Lucas 6:35). Ang pagpatay ay paghatol. Kung ayon kay Cristo hindi humahatol ang Ama sa kanino mang tao at Siya'y mabuti din sa mga hindi Siya tinururing na Diyos at sa masasama, nararapat pa bang paniwalaan na Siya ang may gawa ng pagkakaroon ng great flood na pumatay sa maraming masasama? Sinabi pa ni Cristo, ibigin ang mga kaaway, na ibigin hindi lang mga umiibig sa atin kundi pati mga walang pag-ibig sa atin, na maging mabuti hindi lang sa mga mabubuti sa atin kundi pati sa mga hindi mabubuti sa atin, na magpahiram hindi lang sa mga inaasahan nating may tatanggapin kundi pati sa mga walang-wala rin. Gawin natin ito at tayo'y magiging mga anak ng Ating Ama na nasa langit sapagkat Siya'y magandang-loob din sa mga walang turing at sa masasama (Lucas 6:32-35). Sa madaling salita tularan natin ang ating Ama sa langit na ibigin at maging mabuti rin sa masasama. Tapos sasabihin natin sa ating mga sarili, "Dapat kong tularan ang aking Ama sa langit na ibigin at maging mabuti rin sa masasama upang maipakita ko na ako'y Kanyang anak", pero naniniwala naman tayong pinatay ng Diyos ang lahat ng masasama sa great flood. E di parang niloloko lang natin ang ating mga sarili.

Kristiyano din ako. Gusto ko lang iparating sa lahat ng mga kristiyano na ang isang mabuti at mapagmahal na Diyos ay hindi magagawang pumatay, lumikha ng kasamaan, maghiganti, sumumpa, masuklam at iba pang masasamang gawain na mababasa sa Biblia. Nagising na ako sa katotohanan. Salamat kay Cristo. Kayo mga kapatid kong kristiyano? Kailan kayo magigising at tatanggapin ang katotohanang ito?
 
Last edited:
cno ba tayo para tutulan at kwestuyunin ang dios ama makatuwiran ang lahat ng batas ng dios ang mga isang atheist pag namatay wala ng bibig at lakas para kalabanin ang dios.
 
marcoramiro123 nope. Madaming angle at context ang hindi kasi nila naiintindihan at tinitignan kung bakit naka-record yan sa bible. Ang problema, dahil yun ang nakalagay, dun na sila nag focus. Example: "Nikko Jenkins sentenced to death". Kung jan ka magpo-pokus at yan lang ang titignan mo, baka maisip mo 'grabe naman! bakit papatayin yan? bakit ganyan ang hatol sa kaniya?'. Pero kung titignan mo yung background niyan, serial killar yan

Now, ang point lang po, kailangan kasi tignan yung ibang punto at angle at context para maintindihan niyo kung bakit naka-record sa bible yung mga ginawa ng Diyos na paghatol

Yung great flood, yes hindi lahat ng namatay don masama. Hindi lahat balakyot. Pero bakit namatay parin sila? Halatang ikaw mismo marcoramiro123 kulang ka sa research kahit jan lang sa topic na yan, kasi paniwalang-paniwala ka na po agad sa bintang ng mga atheist na 'proof' ang great flood sa pagiging mass murderer ng Diyos

Sabi mo 'Christian' ka kamo?
marcoramiro123 said:
Kristiyano din ako, pero dahil kay Cristo matagal ko ng iniwan ang paniniwalang magagawa ng isang mabuti at mapagmahal na Diyos ang mga pagpatay, paglikha ng kasamaan, pagsumpa, paghihiganti, pagkasuklam at iba pang masasamang gawain. Nagising na ako sa katotohanan. Salamat kay Cristo. Kayo mga kapatid kong kristiyano? Kailan kayo magigising at tatanggapin ang katotohanang ito?
Alam mo bang si Jesus mismo ang nagpaliwanag kung bakit namatay yung ibang 'hindi masamang tao' noong panahon ng great flood? Hindi kasi yan tinuturo sa inyo sir ng pastor niyo po ano kaya hindi mo alam kung pano sagutin yung mga ganyang baseless accusations tungkol sa Diyos? Di naman ako nagtaka :)

Wala na ko planong i explain yan dito, sayang lang sa oras po. Kung gusto mong malaman ang explanation, willing akong sagutin sayo yan kung interested ka talaga malaman, pero hindi dito, useless kasi. Pero kung gaya ka din nila na 'Di na. Alam ko na yan. Ganon talaga yan. Nagbabasa din ako. May sarili na kong paniniwala, etc'... Kung ganyan ka din, sure ako, di mo talaga malalaman ang sagot kahit sa topic lang ng great flood = mass murderer 'daw' at madali kang maniniwala sa mga ganyang baseless accusations. Ayan na nga, naniniwala ka na hehe ;)

Example pa, yung 'unicorn' daw. Haaaay. Kakatawa. Baka naniwala ka na din jan na tinuturo talaga ng bible yan dahil ganyan ang sinasabi nila? 🤦‍♂️
 
Last edited:
@marcoramiro123 nope. Madaming angle at context ang hindi kasi nila naiintindihan at tinitignan kung bakit naka-record yan sa bible. Ang problema, dahil yun ang nakalagay, dun na sila nag focus. Example: "Nikko Jenkins sentenced to death". Kung jan ka magpo-pokus at yan lang ang titignan mo, baka maisip mo 'grabe naman! bakit papatayin yan? bakit ganyan ang hatol sa kaniya?'. Pero kung titignan mo yung background niyan, serial killar yan

Now, ang point lang po, kailangan kasi tignan yung ibang punto at angle at context para maintindihan niyo kung bakit naka-record sa bible yung mga ginawa ng Diyos na paghatol

Yung great flood, yes hindi lahat ng namatay don masama. Hindi lahat balakyot. Pero bakit namatay parin sila? Halatang ikaw mismo @marcoramiro123 kulang ka sa research kahit jan lang sa topic na yan, kasi paniwalang-paniwala ka na po agad sa bintang ng mga atheist na 'proof' ang great flood sa pagiging mass murderer ng Diyos
Kahit serial killer pa ang tao, "masama" pa rin ang maitatawag natin sa kanya. At sino ba itong serial killer na masama? Ito ay isang taong maituturing nating kaaway, walang pag-ibig sa'yo at gayundin sa'kin, na hindi mabuti sa'yo at gayundin sa'kin. At ano ang itinuro sa atin ni Cristo? "Na ibigin ang ating mga kaaway, ibigin hindi lang mga umiibig sa atin kundi pati mga walang pag-ibig sa atin, na maging mabuti hindi lang sa mga mabubuti sa atin kundi pati sa mga hindi mabubuti sa atin. Gawin natin ito at tayo'y magiging mga anak ng ating Ama na nasa langit sapagkat Siya'y magandang-loob din sa mga walang turing at sa masasama". Sino ang tinutukoy ni Cristo na "masasama" kung saan mabuti din ang Diyos? Kabilang dyan ang serial killer na sinasabi mo. Gusto mo bang ipunto sa akin na hindi mo kayang ibigin ang iyong mga kaaway, na iniibig mo lang ang mga umiibig sa'yo at mabuti ka lang dun sa mabuti sa'yo? Paano mo maipapakita ang pagiging isang anak ng Diyos kung hindi mo ito kayang gawin? "Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit sapagkat Siya'y magandang-loob din sa mga walang turing at sa masasama", ano ba ang pakahulugan mo sa turong ito ni Cristo? Ipinapakita lamang nito na dapat nating tularan ang ating Ama na ibigin at maging mabuti rin sa mga hindi siya tinuturing na Diyos at sa masasama upang tayo'y Kanyang maging mga anak.

Kaya matibay kong pinaninindigan sa aking sarili na hinding-hindi magagawa ng ating Ama sa langit ang great flood at iba pang pagpatay dahil sa turong ito ng Panginoong Jesus. Sana'y tanggapin mo rin ang katotohanang ito.
 
Naintindihan mo ba ang punto na sinabi ko sir kung bakit ko hinalimbawa yung 'headline' sa news na yan doon sa example ko sa taas? 'Headline' kasi ng news yan e. Yung punto lang ng example. Oo o hindi? Mukang malinaw naman kasi yung pagkakabigay ko ng punto sa example ko e

"Madaming angle at context ang hindi kasi nila naiintindihan at tinitignan kung bakit naka-record yan sa bible. Ang problema, dahil yun ang nakalagay, dun na sila nag focus...

Now, ang point lang po, kailangan kasi tignan yung ibang punto at angle at context para maintindihan niyo kung bakit naka-record sa bible yung mga ginawa ng Diyos na paghatol"

PS: Kaya ko pinupunto yan kasi sabi mo naniniwala ka na sa ina-accused ng ibang tao na mass murderer ang Diyos, or tanggap mo na yan. Which is hindi yan totoo kung pag-aaralan talaga ang bible. Baseless yan. Yan lang ang 'tingin' nila, so sa tingin nila yon ang tama

Anyway, sige po. Out na ko dito ;)
 
Last edited:
Naintindihan mo ba ang punto na sinabi ko sir kung bakit ko hinalimbawa yung serial killer sa example ko sa taas? Yung punto lang ng example ko. Oo o hindi? Mukang malinaw naman kasi yung pagkakabigay ko ng example sa punto ko.

"Madaming angle at context ang hindi kasi nila naiintindihan at tinitignan kung bakit naka-record yan sa bible. Ang problema, dahil yun ang nakalagay, dun na sila nag focus...

Now, ang point lang po, kailangan kasi tignan yung ibang punto at angle at context para maintindihan niyo kung bakit naka-record sa bible yung mga ginawa ng Diyos na paghatol"

Pakisabi kung magulo parin yung punto na yan. Oo hindi?
Ang gusto mo bang ipunto ay kaya siya pinatay dahil nga siya ay serial killer. Di ba yun naman ang punto mo.
 
1. Ang punto mo sa thread mo ay 'tama' o may 'point' naman ang mga atheist o mga taong kagaya nila ng paniniwala
Pero sa totoo lang, may punto naman talaga sila sa nais nilang ipabatid sa atin. Isa nga sa sinasabi nila ay "mass murderer" daw ang ating Diyos at ang great flood ay isa sa mga patunay nito kung saan pinatay ng Diyos ang lahat ng masasama dahil sa sobrang kasamaan. Tapos sasabihin ng mga kristiyano ginawa yan ng Diyos dahil Siya ay makatarungan. Makatarungan bang matatawag kung may mga inosenteng madadamay sa pagpatay? Di ito matatawag na makatarungan. Sinabi din sa Biblia na Siya ay lumilikha ng kasamaan. Paano tatawaging mabuting Diyos ang lumilikha ng kasamaan? Bakit tanggap nyo lang ang mga ito at patuloy pa ring pinaniniwalaan?

2. Ang punto ko kaya ko sinabi yung unang comment ko sa thread mo ay... Nope, mali yang punto na yan. Baseless accusations yang sinasabi nila na mass murderer ang Diyos at isang patunay jan ang great flood. Ang ginawa nila, nag stick lang sila sa record sa bible at hindi na inalam yung reasons behind it, ibang angle, ibang context, tapos voila, ishe-share nila sa tao na 'oi mass murderer yung Diyos sa bible'

3. Now, sinasabi mo na may punto sila na mass murderer po ang Diyos

4. Which is sa gusto kong i-punto sayo, na hindi totoo yung accusations nila na yon. Headline lang ng balita yung example ko sayo kay Nikko Jenkins. Na ang point ko lang po, kung dun ka lang mag stick sa headline na yon, malilito ka. Fake news ika nga, kagaya ng ginagawa ng ibang tao sa social media

5. Kung nauunawaan mo po yung reasons ng Diyos kung bakit ginawa yung great flood, good for you. Ayos yan. Totoo ang great flood kasi si Jesus mismo ang nag sabi niyan. May reason yon, at yun ang hindi naiintindihan ng mga naniniwalang mass murderer ang Diyos dahil sa great flood.

Sige po :)
 
Di ba kaya ginawa ng Diyos ang great flood ay para patayin ang lahat ng masasama at matigil na ang kanilang kasamaan. Ang punto ng mga atheists sa great flood ay isang "mass murderer" ang Diyos. Oo, masasabi ko ring mass murder ang ginawa ng Diyos kung talagang Siya ang dahilan ng pagkakaroon ng great flood. Bakit? Dahil hindi lang naman masasama ang kanyang pinatay sa baha kundi pati mga inosenteng wala namang kasalanan. Masasabi ba nating makatarungan ang ginawa ng Diyos? Makatarungan kung masasama lang ang namatay, pero pati mga inosente nadamay. Kaya hindi natin pwedeng sabihin na makatarungan ang ginawa ng Diyos. Pero hindi naman ako naniniwalang ginawa ng Diyos ang great flood kaya hindi ko rin siya tinuturing na mass murderer. Ito pa, sinabi din sa Biblia na ang Diyos ay lumilikha ng kasamaan. Naniniwala ka bang ang Diyos ay lumilikha talaga ng kasamaan? Paano tatawaging mabuting Diyos ang lumilikha ng kasamaan?

May punto naman talaga ang mga atheists sa sinasabi nila na basahin at unawain nating mabuti ang ating Biblia. Hindi ko sinasabi sa mga kristiyano na gayahin ang mga atheists na wag maniwalang may Diyos. Naniniwala pa rin akong may Diyos. Pero ang ayaw ko ng paniwalaan pa na ang tinuturing nating isang mabuti at mapagmahal na Diyos ay pumapatay, lumilikha ng kasamaan, sumusumpa, naghihiganti, nasusuklam at iba pang masasamang gawain. Subalit ang turo sa atin ni Cristo ay ibigin ang mga kaaway, na ibigin at maging mabuti tayo hindi lang sa mga umiibig at mabuti sa atin kundi pati sa mga walang pag-ibig at masasama sa atin. Na gawin daw natin ito at tayo'y magiging mga anak ng ating Ama na nasa langit sapagkat Siya'y magandang-loob din sa mga walang turing at sa masasama. Ibig lang iparating ni Cristo na tularan din natin ang ating Ama. Kung ang ating Ama ay mabuti din sa mga walang turing at sa masasama, hindi niya magagawang patayin ang masasamang tao sa pamamagitan ng great flood. Ito ang matibay kong paniniwala.
 
Last edited:
Naguluhan ako... Against kaba or nag propromote?.. Di ko mabatid
cno ba tayo para tutulan at kwestuyunin ang dios ama makatuwiran ang lahat ng batas ng dios ang mga isang atheist pag namatay wala ng bibig at lakas para kalabanin ang dios.
kahit ano pa yang gusto nila ipabatid para sa kin mabuti na maniwala ako sa diyos kaysa sa mga atheist na tao lang na namamatay
1. Ang punto mo sa thread mo ay 'tama' o may 'point' naman ang mga atheist o mga taong kagaya nila ng paniniwala

2. Ang punto ko kaya ko sinabi yung unang comment ko sa thread mo ay... Nope, mali yang punto na yan. Baseless accusations yang sinasabi nila na mass murderer ang Diyos at isang patunay jan ang great flood. Ang ginawa nila, nag stick lang sila sa record sa bible at hindi na inalam yung reasons behind it, ibang angle, ibang context, tapos voila, ishe-share nila sa tao na 'oi mass murderer yung Diyos sa bible'

3. Now, sinasabi mo na may punto sila na mass murderer po ang Diyos

4. Which is sa gusto kong i-punto sayo, na hindi totoo yung accusations nila na yon. Headline lang ng balita yung example ko sayo kay Nikko Jenkins. Na ang point ko lang po, kung dun ka lang mag stick sa headline na yon, malilito ka. Fake news ika nga, kagaya ng ginagawa ng ibang tao sa social media

5. Kung nauunawaan mo po yung reasons ng Diyos kung bakit ginawa yung great flood, good for you. Ayos yan. Totoo ang great flood kasi si Jesus mismo ang nag sabi niyan. May reason yon, at yun ang hindi naiintindihan ng mga naniniwalang mass murderer ang Diyos dahil sa great flood.

Sige po :)
Kristiyano ako. Naniniwala pa rin akong may Diyos. Gusto ko lang iparating sa lahat ng mga kristiyano na ang isang mabuti at mapagmahal na Diyos ay hindi magagawang pumatay, lumikha ng kasamaan, maghiganti, sumumpa, masuklam at iba pang masasamang gawain na mababasa sa Biblia. Bakit ko nasabi ito? Dahil sabi ni Cristo, upang maging isang anak ng Diyos, dapat ibigin ang mga kaaway, ibigin at maging mabuti tayo hindi lang sa mga umiibig at mabubuti sa atin kundi pati sa mga walang pag-ibig at di mabubuti sa atin. Sapagkat ang Ama ay magandang-loob din sa mga walang-turing at sa masasama. Sa madaling salita tularan natin ang ating Ama sa langit na ibigin at maging mabuti rin sa masasama. Ngunit ayon sa Biblia, pinatay ng Diyos ang lahat ng masasama sa great flood. Tapos sasabihin natin sa ating mga sarili, "Dapat kong tularan ang aking Ama sa langit na ibigin at maging mabuti rin sa masasama upang maipakita ko na ako'y Kanyang anak", pero naniniwala naman tayong pinatay ng Diyos ang lahat ng masasama sa great flood. E di parang niloloko lang natin ang ating mga sarili. Kung naniniwala tayo sa turo ni Cristo na ang Diyos ay mabuti rin sa mga walang turing at sa masasama, nararapat pa bang paniwalaan na Siya ang may gawa ng pagkakaroon ng great flood na pumatay sa maraming masasama? Sana'y naunawaan nyo ang punto ko. Salamat.
 
Last edited:
Ah... Yun pala.. Tanong ko lang ...Nabasa mo na po ba ng buo yung bible? Bat nag sstick ka sa isang line..

Dahil sabi ni Cristo, upang maging isang anak ng Diyos, dapat ibigin ang mga kaaway, ibigin at maging mabuti tayo hindi lang sa mga umiibig at mabubuti sa atin kundi pati sa mga walang pag-ibig at di mabubuti sa atin. Sapagkat ang Ama ay magandang-loob din sa mga walang-turing at sa masasama

Tingin ko lang... Na

Kulang ang pahayag mo upang masmakapag pa sangayon ng iba.. Aking nirerekomenda na kung mas marami kang quote mas marami sasangayon sau.. Nakita ko kac na ilang ulit mong pina uulit ulit yung line..
 
Di ba kaya ginawa ng Diyos ang great flood ay para patayin ang lahat ng masasama at matigil na ang kanilang kasamaan. Ang punto ng mga atheists sa great flood ay isang "mass murderer" ang Diyos. Oo, masasabi ko ring mass murder ang ginawa ng Diyos kung talagang Siya ang dahilan ng pagkakaroon ng great flood. Bakit? Dahil hindi lang naman masasama ang kanyang pinatay sa baha kundi pati mga inosenteng wala namang kasalanan. Masasabi ba nating makatarungan ang ginawa ng Diyos? Makatarungan kung masasama lang ang namatay, pero pati mga inosente nadamay. Kaya hindi natin pwedeng sabihin na makatarungan ang ginawa ng Diyos. Pero hindi naman ako naniniwalang ginawa ng Diyos ang great flood kaya hindi ko rin siya tinuturing na mass murderer. Ito pa, sinabi din sa Biblia na ang Diyos ay lumilikha ng kasamaan. Naniniwala ka bang ang Diyos ay lumilikha talaga ng kasamaan? Paano tatawaging mabuting Diyos ang lumilikha ng kasamaan?

Magkaiba ang nabasa kesa sa naunawaan. Ang sabi ng Kawikaan 4:7, ang dapat mong kunin ay yung unawa. Naunawaan mo ba yung binasa mo? O basta nabasa mo lang?

Totoo ang great flood dahil si Jesus mismo ang nagsabi niyan. Kung sasabihin mo dito na hindi ka naniniwala sa great flood pero sinasabi mo din na naniniwala ka sa turo ni Jesus, hindi bat ikaw ang magulo?

Ngayon, saan nagkakaproblema? Hindi yung record ng bible sa great flood ang magulo kundi yung mga tao na nagbabasa nito, hindi nila nauunawaan ang nangyari sa great flood. Hindi mo rin mauunawaan yang great flood issue niyo kung hindi mo kilala kung ano ang gusto at hindi gusto ng Diyos, pati narin yung mga pamantayan niya

May punto naman talaga ang mga atheists sa sinasabi nila na basahin at unawain nating mabuti ang ating Biblia. Hindi ko sinasabi sa mga kristiyano na gayahin ang mga atheists na wag maniwalang may Diyos. Naniniwala pa rin akong may Diyos. Pero ang ayaw ko ng paniwalaan pa na ang tinuturing nating isang mabuti at mapagmahal na Diyos ay pumapatay, lumilikha ng kasamaan, sumusumpa, naghihiganti, nasusuklam at iba pang masasamang gawain. Subalit ang turo sa atin ni Cristo ay ibigin ang mga kaaway, na ibigin at maging mabuti tayo hindi lang sa mga umiibig at mabuti sa atin kundi pati sa mga walang pag-ibig at masasama sa atin. Na gawin daw natin ito at tayo'y magiging mga anak ng ating Ama na nasa langit sapagkat Siya'y magandang-loob din sa mga walang turing at sa masasama. Ibig lang iparating ni Cristo na tularan din natin ang ating Ama. Kung ang ating Ama ay mabuti din sa mga walang turing at sa masasama, hindi niya magagawang patayin ang masasamang tao sa pamamagitan ng great flood. Ito ang matibay kong paniniwala.

Gaya ng sabi ko, magkaiba ang nabasa kesa sa naunawaan ang nabasa. Example nga, yung unicorn. Nabasa nila sa ilang translation ng bible yung salitang unicorn kaya sinasabi na nila sa mga tao na 'tinuturo ng bible niyo ang unicorn'. Pero hindi naman nila inunawa o hindi sila nag research pa kung bakit may 'unicorn' sa ilang translation ng bible, at kung tama ba yung pagkakagamit ng salita na yon. Kaya paano mo aasahan na tama yung sinasabi nila sa sinasabi nilang 'proof' ang great flood sa pagiging mass murderer ng Diyos? Ang nakakalungkot lang ay naniniwala ka naman sa punto nila na yan.

Kung hindi ka maniniwala sa great flood, hindi mo makikita yung mahahalagang principle ng Diyos na dapat gawin ng mga tao. Kaya nga si Jesus, sinabi niya na totoo yung great flood e kasi ni-quote niya sa isa sa mga turo niya. Sabi mo sir naniniwala ka kay Jesus? So kailangan mo rin tanggapin na nangyari ang great flood. Kung nalilito ka jan, pm ka sakin.

Ang maganda sa katangian mo ay nag iisip ka naman at ginagalang yung turo ni Jesus. Actually, pwede ko i-explain sayo yan, pero hindi dito dahil useless magpaliwanag dito. Yun ay kung interested ka. Pero kung sapat na para sayo yung sa tingin mong 'nalalaman' mo tungkol sa Diyos at ayaw mo na alamin yung totoo sa great flood kung bakit nangyari yan, eh sige lang kung san ka masaya :)
 
Last edited:
pano mo nasabi na may nadamay sa pinakamalaking baha sa mundo eh diba si Moises ang nagpapaalala sa mga tao na sumakay sa barko na itinayo nya sa bundok sino ba naman maniniwala kung hindi nanalig sa Dios lahat ng hindi tumalima sa panawagan ni moises ay namatay, so kasalan ba ng Dios? may sarili tayo desisyon sa buhay kapahamakan o kaligtasan ganun lang yun boy.
 
1. Ang punto mo sa thread mo ay 'tama' o may 'point' naman ang mga atheist o mga taong kagaya nila ng paniniwala

2. Ang punto ko kaya ko sinabi yung unang comment ko sa thread mo ay... Nope, mali yang punto na yan. Baseless accusations yang sinasabi nila na mass murderer ang Diyos at isang patunay jan ang great flood. Ang ginawa nila, nag stick lang sila sa record sa bible at hindi na inalam yung reasons behind it, ibang angle, ibang context, tapos voila, ishe-share nila sa tao na 'oi mass murderer yung Diyos sa bible'

3. Now, sinasabi mo na may punto sila na mass murderer po ang Diyos

4. Which is sa gusto kong i-punto sayo, na hindi totoo yung accusations nila na yon. Headline lang ng balita yung example ko sayo kay Nikko Jenkins. Na ang point ko lang po, kung dun ka lang mag stick sa headline na yon, malilito ka. Fake news ika nga, kagaya ng ginagawa ng ibang tao sa social media

5. Kung nauunawaan mo po yung reasons ng Diyos kung bakit ginawa yung great flood, good for you. Ayos yan. Totoo ang great flood kasi si Jesus mismo ang nag sabi niyan. May reason yon, at yun ang hindi naiintindihan ng mga naniniwalang mass murderer ang Diyos dahil sa great flood.

Sige po :)
kumabaga iisa lang po ang nagbasehan nila yun po ba punto niyo? ganon din sa research namin eh hahaha hindi lang iisa ang source mo dapat madami para mapatunayan na tama ba ito o hinde tapos hanap ka ulit sa ibang source
 
Last edited:
Magkaiba ang nabasa kesa sa naunawaan. Ang sabi ng Kawikaan 4:7, ang dapat mong kunin ay yung unawa. Naunawaan mo ba yung binasa mo? O basta nabasa mo lang?

Totoo ang great flood dahil si Jesus mismo ang nagsabi niyan. Kung sasabihin mo dito na hindi ka naniniwala sa great flood pero sinasabi mo din na naniniwala ka sa turo ni Jesus, hindi bat ikaw ang magulo?

Ngayon, saan nagkakaproblema? Hindi yung record ng bible sa great flood ang magulo kundi yung mga tao na nagbabasa nito, hindi nila nauunawaan ang nangyari sa great flood. Hindi mo rin mauunawaan yang great flood issue niyo kung hindi mo kilala kung ano ang gusto at hindi gusto ng Diyos, pati narin yung mga pamantayan niya

Gaya ng sabi ko, magkaiba ang nabasa kesa sa naunawaan ang nabasa. Example nga, yung unicorn. Nabasa nila sa ilang translation ng bible yung salitang unicorn kaya sinasabi na nila sa mga tao na 'tinuturo ng bible niyo ang unicorn'. Pero hindi naman nila inunawa o hindi sila nag research pa kung bakit may 'unicorn' sa ilang translation ng bible, at kung tama ba yung pagkakagamit ng salita na yon. Kaya paano mo aasahan na tama yung sinasabi nila sa sinasabi nilang 'proof' ang great flood sa pagiging mass murderer ng Diyos? Ang nakakalungkot lang ay naniniwala ka naman sa punto nila na yan.

Kung hindi ka maniniwala sa great flood, hindi mo makikita yung mahahalagang principle ng Diyos na dapat gawin ng mga tao. Kaya nga si Jesus, sinabi niya na totoo yung great flood e kasi ni-quote niya sa isa sa mga turo niya. Sabi mo sir naniniwala ka kay Jesus? So kailangan mo rin tanggapin na nangyari ang great flood. Kung nalilito ka jan, pm ka sakin.

Ang maganda sa katangian mo ay nag iisip ka naman at ginagalang yung turo ni Jesus. Actually, pwede ko i-explain sayo yan, pero hindi dito dahil useless magpaliwanag dito. Yun ay kung interested ka. Pero kung sapat na para sayo yung sa tingin mong 'nalalaman' mo tungkol sa Diyos at ayaw mo na alamin yung totoo sa great flood kung bakit nangyari yan, eh sige lang kung san ka masaya :)
Sa Genesis 6:13 ang sinasabing dahilan kung bakit nagkaroon ng great flood. Hindi ko naman sinasabing hindi totoong nangyari ang great flood. Sa Mateo 24:37-39, nabanggit nga ni Cristo ang baha pero hindi naman Niya binanggit na Diyos ang may gawa. Inihalintulad lang Niya ang baha na katulad ng Kanyang ikalawang pagparito na darating na hindi nila nalalaman dahil masyadong abala ang mga tao sa kamunduhan.

Para sa'kin, ang Noah's flood ay maituturing kong isang natural disaster at hindi talaga gawa ng Diyos. Dahil may mga ganitong nangyari na rin sa mundo na katulad sa panahon ni Noah. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Sa Noah's flood ay 40 days rain and 5 months underwater at sa California flood ay 43 days rain (with storm) and 6 months underwater. Alin ang mas grabe? Pero di nman bumaha sa buong mundo nang mangyari ang California flood. Kaya maituturing na local at hindi global ang Noah's flood. Sa lugar lang nina Noah nagbaha at kung may 160-320 km na distansya o layo mula sa kanilang lugar ay wala ng matataas na lugar na matatanaw kaya aakalain talaga nilang bumaha sa buong mundo kahit hindi naman.

Gaya ng nauna kong sinabi, hindi magagawa ng Diyos ang pumatay. Dahil mabuti o masama mang tao ay pareho Niyang iniibig. At kung babasahin nating mabuti ang nakapaloob sa Lucas 6:32-35; Mateo 5:44-47, masasabi nga nating iniibig ng Diyos Ama ang Kanyang mga kaaway. Ang masasama ay maituturing na kaaway ng Diyos, tama ba ako? Meron bang Diyos na umiibig sa Kanyang mga kaaway pero pinapatay naman Niya? Ikaw ba? Kung iniibig mo ba ang iyong kaaway magagawa mo ba siyang patayin? Hindi di ba. Siyempre ganun din ang ating Diyos.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top