What's new

Trivia ANG MGA GAGAWIN NG KAHARIAN NG DIYOS PARA SA MGA TAO

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
124206785_711143549781099_8736295050270950988_n.jpg


Bilang Hari sa langit, gagawa si Jesus ng mga bagay na hindi kayang gawin ng sinumang tagapamahalang tao. Tutulungan siya ng 144,000 na pinili mula sa mga tao para mamahalang kasama niya. (Apocalipsis 5:9, 10; 14:1, 3) Titiyakin niyang mangyayari sa lupa ang kalooban ng Diyos. Ano ang gagawin ng Kaharian ng Diyos para sa mga maninirahan sa lupa?
Aalisin ang sakit at kamatayan. “Walang nakatira doon ang magsasabi: ‘May sakit ako,’” at “mawawala na ang kamatayan.”—Isaias 33:24; Apocalipsis 21:4.
Titiyakin na magkakaroon ng tunay na kapayapaan at katiwasayan. “Magkakaroon [ang lahat ng anak mo] ng saganang kapayapaan” at “uupo ang bawat isa sa kanila sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos, at walang sinumang tatakot sa kanila.”—Isaias 54:13; Mikas 4:4.
Magbibigay ng makabuluhang trabaho. “Lubusan silang masisiyahan sa mga gawa ng kanilang mga kamay. Hindi sila magpapagod nang walang saysay.”—Isaias 65:22, 23.
Malalaman mo ang sagot sa mga tanong na iyan kung iki-click mo ang link sa ibaba. Pwede mong idownload ang magasin o pakinggan ang audio.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 

Attachments

Similar threads

Back
Top