Sabi ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., "Sa pagsapit ng bukang-liwayway, hindi nalalaman ng sinuman, naparito ang Diyos sa lupa at sinimulan ang Kanyang buhay sa katawang-tao. Hindi alam ng mga tao ang sandaling ito. Siguro lahat sila ay mahimbing na natutulog, marahil maraming nagbabantay na gising ang naghihintay, at marahil marami ang nagdarasal nang tahimik sa Diyos sa langit. Gayunman sa gitna ng lahat nitong maraming tao, wala ni isang nakaalam na ang Diyos ay dumating na sa lupa." "Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, kundi ito rin ang katawan kung saan magbabalik ang Diyos. Ito ay isang napaka-ordinaryo na katawang-tao. Sa Kanya, wala kang makikitang anumang kaiba kumpara sa iba, nguni’t maaari kang makatanggap mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi mo pa kailanman dating narinig. Ang hamak na katawang-taong ito ay ang pagsasakatawan ng lahat ng salita ng katotohanan mula sa Diyos, na siyang pumapasan sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at isang pagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos para malaman ng tao."
mula sa "Ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao"
Maaari nating makita mula sa mga salitang ito na ang Panginoon ay matagal nang nagkatawang-tao at lihim na dumating. Kung hinihintay pa rin natin ang Panginoon na bumaba kasama ng mga ulap sa isang espirituwal na katawan, kung gayon tayo ay ganap na mabibigo upang salubungin ang Panginoon.
Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. anumang oras!
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Last edited: