What's new

Ang katotohanan sa kung ano ang True Love

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
Nakilala ng isang gwapong binata isang magandang dalaga: Nakilala ng isang makisig na prinsipe ang isang magandang dilag, at sumibol ang kanilang pag iibigan.
Ooopppss...
Love at first sight daw yarn 1f605.png1f606.png...

For sure may napanood ka ng ganyan1f642.pngKinilig ka ba?Nag imagine na kelan kaya ang iyong sariling "moment ng love at first sight"1f605.png o kaya ay mga kilig moments with someone 1f601.png

Pero mostly hindi tama ang paglalarawan ng mga aklat, pelikula, at mga songs sa LOVE. Bakit?
Ang objective kase nila ay mag entertain at HINDI magturo. Kaya ang mga writers ay gumagawa ng napakaraming kuwento ng pinaghalong fantasy at lovestory na malakas pagkakitaan.

So sad lang na napakadaling ipagkamali na kathang-isip lang ito at malayo sa katotohanan. Kaya naman nadidisapoint ang mga tao kapag ang kanilang lovestory ay hindi katulad sa mga character sa kathang-isip na mga lovestories.

Katotohanan 1

Hindi lamang puro emotions ang TRUE LOVE. Although nasasangkot dito ang emotion, pero ang pag-ibig ay isang mahigpit na buklod na nagsasangkot din sa mga prinsipyo at pamantayan at hindi tumitigil sa paglago, kung wasto itong lilinangin at iingatan.—Tulad ng nakarecord sa Colosas 3:14.

"Pero bukod sa mga ito, magpakita kayo ng pag-ibig, dahil lubusan nitong pinagkakaisa ang mga tao"
Katotohanan 2

Ang tunay na pag ibig ay nagsasangkot ng mga katangian na hindi likas sa atin at hindi rin laging madaling ipakita pero pinagsisikapang linangin at ipakita like this 1f447.png
1 Corinto 13:4-7.

Remember:

Ang tunay na pag-ibig, na walang anumang pagsisikap, ay hindi makatutulong upang mapagtagumpayan natin ang mga pagsubok o mga pagkakaiba sa pananaw, pinagmulan, kagustuhan, at personalidad
Ilan lang ito sa Katotohanan tungkol sa Tunay na Pag ibig at talagang napakalaki ng kaibahan sa mga lovestory na pinapanood natin,masasabing walang kahirap-hirap ang pag-ibig na inilalarawan sa mga movies at tv shows pero kailangan ang pagsisikap sa tunay na pag-ibig. Maiiwasan natin ang di-totoong mga hopes kung mauunawaan mo ang pagkakaiba ng dalawang ito.
Alamin ang Truest and Greatest Love of all na naipakita ever1f642.pngSino siya?Paano ipinakita?

 

Attachments

Similar threads

Back
Top