What's new

Ang Kakaibang Insekto

Hiatus

Addict
Joined
Feb 26, 2013
Posts
406
Reaction
251
ANG KAKAIBANG INSEKTO

Ang Mantis ay isang uri ng insekto na sadyang kakaiba sa karamihan ng mga insektong nakikita natin sa ating paligid. Ito ay may malalaking mga mata, mahahabang braso, at kulay berdeng katawan.


Ito ay karaniwang nabubuhay sa mga malalapad na dahon ng mga puno. Dito rin siya nangingitlog. Ngunit ano nga ba ang kaibahan nito sa iba pang mga insekto sa ating paligid? Lingid sa ating kaalaman, ito ay isang klase ng insekto na halos karamihan ay mga babae lamang.


Ang Mantis ay mangingitlog sa malapad na dahon. Babalutan ng inang Mantis ang kanyang itlog ng sapot hanggang iyo ay maging isang maliit na Mantis. Sa panahon na malaki na ang Mantis ay maghahanap na ito ng kanyang asawa. Ang babaing Mantis ang manliligaw sa lalaking Mantis upang maging kabiyak ng huli.


Hihimukin ng babaing Mantis ang lalaki upang bigyan siya ng punlay. Subalit sa sandaling buntis na ang babaing Mantis ay kakainin niya ang lalaking Mantis. Ito ang dahilan kung bakit bibihira lamang sa insektong ito ang lalaki.


-Wakas-
 

Online statistics

Members online
1,917
Guests online
1,414
Total visitors
3,331

Forum statistics

Threads
1,172,078
Posts
20,843,334
Members
1,569,673
Attachments
1,625,849
Profile posts
99,397
Top