Ang hirap ng programming

  • Thread starter Deleted member 1774449
  • Start date
D

Deleted member 1774449

Guest
Ang hirap naman😢 Kapag inaral ko ngaun makakalimutan ko kinabukasan. Ang dami ko pang dapat pag-aralan. Ang labo na ng mata ko nakatutok sa computer maghapon parang wala pa rin naman akong natututunan. Balak ko sanang matuto ng web design at javascript. Magaaral lang sana ako sa online hindi na sa school.
Ano po kayang magandang organized na resources para matutunan ang programming ? feeling ko kasi hindi effective ung self study ko eh kasi ang dami kong resources hindi ko na maorganize. Nalilito narin ako minsan kasi ang daming branches ng programming lalo na ung javascript. Thanks po.

Tanong ko lang rin po, worth it po ba maging programmer kahit na ung language na ginagamit laging naguupdate? Sulit ba ung kinikita kung ikukumpara sa dami ng pinagaralan? ty po
 
ok lang po ba na nag start ako sa html, css, at javascript? Sabi kasi ng iba dito mas maganda kung magsstart ako sa C+ or python. Ty
 
Ang dami mo inaaral kaya naguguluhan ka focus ka muna sa isang language tapos pag sa palagay mo na master mo na saka ikaw lumipat ng iba madali na yun para saiyo kasi may idea kana sa mga logic
 
Pag namaster mo ang isang programming language halos papareho lang naman ng execution yan eh mas madali mo ng matutunan yung iba
 
stick to one PL lang, kaya ka nahihirapan kasi paiba iba inaaral mo (wag maging 2 timer boss joke lang haha). masterin mo muna ang isang PL bago ka mag aral ng iba, mas madadalian ka kung meron ka ng alam na PL pag may aaralin ka ulit kasi halos lahat naman pareho lang. since web development ang ini aim mo i recommend w3school. kung mas prefer mo naman sa YøùTùbé try CodewithHarry, Derek Banas, TheNewBoston, and Programming Knowledge. magpahinga rin kung nahihirapan para hindi agad makalimotan, it takes time to learn pero worth it naman lahat pagka may mga nagawa ka ng projects. practice and practice lang. pagka may error kang na encounter try mo lang best mo, kung hindi naman na kaya mag ask ka lang sa stackoverflow or other forums

PS. stick ka muna sa language na stable para makapagfocus ka talaga, kasi pag yung bago palang at nag uupdate lagi is deprecated na yung ibang functions
 
Depende sya sa gusto mong i-develop. Applications - java, C, web dev - html/jss/js (Angular, ReactJ and other JS frameworks). python usually to connect sa API sa backend at sa frontend mo html css.
 
First of all. Kung income ang habol mo kaya ka magiging developer. Mag entrepreneur ka.

Kung magiging employee ka. Magdedepende ang language mo technologies na ginagamit ng company. Ang pinaka importante para sakin as a developer ay LOGIC. Your ability to solve problems technically.

at wala kang natutunan dahil magkakaiba ang tao kung pano sila matuto. Try to create a simple project hindi yung puro basa. Dapat may actions.

1. Booking system ng pet store with email notification or SMS. Para kapag may problem kang naecounter.. doon mo na hanapin. At least naiintindihan mo para san codes na yun.

2. Web Dev gusto mo - hanap ka ng free domain and hosting online and doon mo i-upload yung gawa mo na site.
This requires FTP.

Before you start.. think. What do you really want to develop?
 
Tanong ko lang rin po, worth it po ba maging programmer kahit na ung language na ginagamit laging naguupdate? Sulit ba ung kinikita kung ikukumpara sa dami ng pinagaralan? ty po

Yung programming language magbabago at magbabago yan, pero ung logic na gingamit mo habang nagdedevelop ma a-apply mo sal ahat ng programming language, syntax lang yan :) goodluck!
 
Hi TS!

Kapag inaral ko ngaun makakalimutan ko kinabukasan. Ang dami ko pang dapat pag-aralan. Ang labo na ng mata ko nakatutok sa computer maghapon parang wala pa rin naman akong natututunan.

Unang-una ts dapat alagaan mo din health mo, health is wealth ika nga, ganiyan din case ko no'n, buong araw nanonood ng tutorials at nag-co-code (halos hindi na naliligo matapos lang 'yung exercise) pero hindi dapat gano'n kasi pag sobrang babad kana sa computer kakanood ng tutorials or nabuhos mo na lahat ng energy mo para ma-solve 'yung isang exercise, ang nangyayari tinatapos mo nalang 'yung tutorials para makapag-pahinga ka agad hindi para matuto, kaya minsan, siguro nakakalimutan mo 'yung important keys ng ina-aral mo, ang tawag dito sa pagkaka-tanda ko ay passive viewing. Higit sa lahat, magkaroon ka ng space para sa sarili mo para 'yung papasok na information sa'yo mas ma-absorb mo.

Ano po kayang magandang organized na resources para matutunan ang programming ? feeling ko kasi hindi effective ung self study ko eh kasi ang dami kong resources hindi ko na maorganize. Nalilito narin ako minsan kasi ang daming branches ng programming lalo na ung javascript.
Paanog organized? Step by step ba? Try mo 'tong You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na 'to and kung naguguluhan ka, tanong mo lang dito para ma-guide ka ng mga master natin dito sa phc.
 
Kaya mo yan! wag mapressure.
Wala naman madali sa kahit anong field.

Basta lagi mo lang uulit ulitin yung passion mo, until magamay mo.

One day, mamamaster mo na yan.
One step at a time.
 
lahat naman mahirap sa umpisa

wag ka ma preasure

unti unti lang

di kaya ng utak natin ipasok lahat yan ng sabay sabay

hindi tayo robot

but we are the best kesa sa bot

kasi di pa sila nag exist🤣
 
Eto lang tip ko, beginner palang rin ako pero so far nag iimprove, bale sa isang araw isang topic lang or 2 basta doon parin sa language na yun. After nun chinachallenge ko sarili ko like quiz, tapos ginawa kong libangan ang panonood ng coding. Tsaka wag mo stressin yung sarili mo sa pagkabisa, ifamiliarize mo lang yung purpose ng code, goods na.
 
Ang payo ko sa mga nag-aaral ng kahit ano. Unang una sa lahat need nyo to malaman for effective studying. Ayon sa researches at studies. Pag mag-aaral ka, 30mins muna then pahinga ng kahit 5mins (gawin mo ung ibang gagawin mo sa loob ng 5 mins, ika nga'y break time kahit ano basta hindi ung inaaral mo) tapos tuloy ka ulit ng 30 mins na pag-aaral then, 5mins na break ulit. Continuous loop lang lodi. Para makapag pahinga ang brain ng kaunting minuto then, ma re-refresh siya para maging ready ulit sa mga new informations. EFFECTIVE STUDYING. pag tuloy tuloy kase sa una lang napasok ang inaaral hanggang sa bumaba ng bumaba. Pero sa ganitong paraan, kada pahinga mo, ang pasok ng information ay same lang nung nag sisimula ka palang na nag-aaral.
 
college kana po? ICT kasi ako G11 AND G12 ano kaya kunin ko sa 1st year college
ICT/CSS since G9 TO G12 pero nag focus lang kami sa REFORMAT AND SOME RUFUS hindi kami pinag focus sa iba yan lang talaga. to be honest Wala akong natutunan sa ICT strand ko. until now. but I know reformating that's aalll
HELP PLEASE?
 

Similar threads

Back
Top