What's new

Ang Diyos ba'y nagkaroon ng pasimula?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,215
Points
2,569
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Bago isinilang ang mga bundok, o bago mo iniluwal ang lupa at ang mabungang lupain na gaya ng may kirot sa panganganak, mula nga sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan ay ikaw ang Diyos.”

Makatuwiran ba ito? Hindi ito lubusang maaarok ng ating isip. Subali’t hindi ito matibay na dahilan para tanggihan ito. Isaalang-alang ang ilang halimbawa: (1) Panahon. Walang sinomang makatutukoy sa isang tiyak na sandali bilang pasimula ng panahon. At isang katotohanan na, bagaman ang ating mga buhay ay nagwawakas, ang panahon ay hindi. Hindi natin tinatanggihan ang paniwala tungkol sa panahon dahil lamang sa may mga salik itong hindi natin lubusang nauunawaan. Sa halip, sa pamamagitan nito’y inuugitan natin ang ating buhay. (2) Kalawakan. Ang mga astronomo ay walang masumpungang puno’t-dulo sa kalawakan. Habang lumalayo ang kanilang pagsusuri sa sansinukob, lalo lamang itong lumalawak. Hindi nila tinatanggihan ang ipinakikita ng ebidensiya; marami ang tumutukoy sa kalawakan bilang walang-hanggan. Ang ganito ring simulain ay kumakapit sa pag-iral ng Diyos.

Iba pang halimbawa: (1) Sinasabi sa atin ng mga astronomo na ang init ng araw sa pinaka-ubod nito ay 27,000,000 degrees Fahrenheit (15,000,000° C.). Tinatanggihan ba natin ang ideyang ito dahil sa hindi natin lubusang maunawaan ang gayon katinding init? (2) Sinasabi nila sa atin na ang laki ng ating Milky Way ay gayon na lamang anupa’t ang isang sinag ng liwanag na naglalakbay nang mahigit na 186,000 milya bawa’t segundo (300,000 km/seg) ay mangangailangan ng 100,000 taon bago makatawid sa kalaparan nito. Talaga kayang naaarok ng ating isipan ang gayong distansiya? Gayon ma’y tinatanggap natin ito dahil sa ito ay inaalalayan ng makasiyentipikong katibayan.

Alin ang higit na makatuwiran—na ang sansinukob ay produkto ng isang buháy, matalinong Maylikha? o na ito’y lumitaw lamang nang hindi sinasadya mula sa isang walang-buhay na pinagmulan nang walang matalinong pamamatnubay? Tinatanggap ng marami ang huling palagayin sapagka’t ang paniniwala sa naiiba rito ay mangangahulugan na dapat nilang kilalanin ang pag-iral ng isang Maylikha na may mga katangiang hindi nila lubusang nauunawaan. Subali’t ang mga siyentipiko ay hindi lubusang nakakaunawa sa pagkilos ng mga gene na nasa loob ng buháy na mga selula at na ang mga ito ay nagpapasiya kung papaano tutubo ang mga selula. Ni nauunawaan kaya nila ang pagkilos ng utak ng tao. Gayunma’y sino ang tatanggi sa pag-iral ng mga ito? Dapat ba nating asahan na maunawaan ang lahat tungkol sa isang Persona na napakadakila anupa’t napaiiral niya ang sansinukob, lakip na ang masalimuot na disenyo at dambuhalang laki nito?
 

Similar threads

Back
Top