What's new

Trivia Ang Diyos ba ay Laging Mas Mataas kay Jesus?

Status
Not open for further replies.
Common noun o proper noun hindi nga pwede tawagin kong jehova ang aking God kaya wag mo ipilit? Ito ang sagutin mo?

View attachment 1337310

Haaay nako akala naman nitong sila bugoook este bugtoook nakaisa na sila at na maiipit daw kami ahihi. Pagbibigyan kita para makita mo na mababaw kayo talaga mag isip at mag analyze :) Sana naman basahin mo to dahil pag aaksayahan kita ng oras. Pakibukas ang isipan mo pogi ha, wag closed minded.

1. Hindi ka namin iniipit dun sa NOUN. Ikaw ang nagsabi, inihalintulad mo yung ELOHIM sa personal name ng Diyos sa Hebrew na Yahweh. Clearly hindi mo alam kung anong klaseng NOUN yan. Ni-spoon feed na kita (kakahiya) na common noun yan dahil ang salitang "Diyos" o "diyos" ay TITULO lang, parang President, Mayor, Engineer, etc. Pero ikaw, kayo, ang sinasabi niyo ay PERSONAL NAME ng Diyos kamo yung ELOHIM. See the difference?

2. Bidang bida mo yung Juan 20:28 para sabihing totoo ang trinity kamo at na si Jesus din yung Ama at Diyos dahil kamo sa bulalas ni Tomas? At kung mali kamo yung sinabi ni Tomas ay sana nagalit na si Jesus?

- Well, mukang may point ka naman. Pero wag ka mababaw mag isip. Para maging totoo yan na talagang si Jesus nga ang Diyos dahil kamo sa bulalas ni Tomas, dapat mong tandaan na sa bible

  • kailangan walang contradiction
  • tignan mo ang context. baka di mo alam ibig sabihin ng context ha? spoon feed kita uli. yan yung mga nakapaligid na verse okay?
  • tignan mo yung ibang part ng bible, kapag ba yang conclusion mo na si Jesus ay Diyos ay totoo, dapat walang contradiction yan sa ibang part
  • ano ang nangyayari sa verse, bakit sinabi, sino nagsabi, paano sinabi, kailan sinabi?
  • GAMITIN MO ANG COMMON SENSE MO AT KAKAHAYANG MAG ISIP (kung meron ka niyan)

ilan lang yan sa mga dapat mong tandaan pogi. Yang principle na yan ay ginagamit para maintindihan ng tama ang bible. Okay?

Now sa pinagmamalaki mong Juan 20:28. I-apply natin yang principles na sinabi ko.

* kailangan walang contradiction - yup. Kapag binasa mo yung John 20:17, ano sabi dun? Aakyat daw si Jesus kanino? Diba sabi niya aakyat siya sa Ama niya at Ama ng mga alagad niya? Pero ano yung kasunod? at "sa aking Diyos at inyong Diyos". Wait, si Jesus pala ay may Diyos? Kala ko si Jesus na yung DIyos?

* tignan mo ang context. baka di mo alam ibig sabihin ng context ha? spoon feed kita uli. yan yung mga nakapaligid na verse okay? - bukod sa sinabi ni Jesus sa Juan 20:17 na siya pala ay aakyat sa Ama at Diyos niya, si Juan ay may ibang conclusion sa mga sinasabi niyong trinitarian at oneness. Ang sabi ni Juan sa conclusion niya sa chapter 20 verse 31 ay...

“Ang mga ito’y nangasulat upang kayo’y magsisampalataya na si Jesus ay siyang Kristo, ang Anak ng Diyos, at na sa pananampalataya’y magsipagkamit kayo ng buhay sa kaniyang pangalan.”

Bakit kaya tinukoy parin ni Juan si Jesus na "Anak ng Diyos"? Very consistent sila no? Si Pedro yan din ang pagkakakilala kay Jesus e doon sa Mateo 16:16. Same argument din. Bakit hindi nagalit si Jesus jan at sinabing "bakit mo ko tatawaging Anak ng Diyos Pedro e ako nga ang Diyos?". Yes, kasi tama si Pedro, alam ni Jesus na ANAK SIYA NG DIYOS, hindi siya ang DIyos.

* tignan mo yung ibang part ng bible, kapag ba yang conclusion mo na si Jesus ay Diyos ay totoo, dapat walang contradiction yan sa ibang part - Wait, ang Diyos pala ay nakita ng tao? Akala ko walang taong nakakita sa Diyos? Wait, nung mamatay si Jesus, patay din pala yung Diyos? Sabi ni Jesus MAS DAKILA ang Ama niya kesa sa kaniya. Pero bakit kayo ginagawa niyo silang pantay? Sabi pala ni Pablo dapat tularan daw natin yung mentality ni Jesus na WAG gawing pantay yung Diyos at si Jesus. etc etc. 😅

* ano ang nangyayari sa verse, bakit sinabi, sino nagsabi, paano sinabi, kailan sinabi? - Ano ba ang scenario? Diba binuhay muli si Jesus? Yung ibang alagad nakita ng buhay uli si Jesus, pero si Tomas hindi pa siya nakikita. At ayaw maniwala ni Tomas. kaya sinabi niya dun sa Juan 20:25 na maniniwala lang siya kapag nakita niyang butas ang kamay ni Jesus at ipapasok niya ang daliri niya sa butas. AFTER About 8 days, nagkita kita uli yung mga alagad. Nandon uli si Jesus. Ganon ang pinagawa sa kaniya ni Jesus sa verses 26-27 na ipasok daw ni Tomas yung daliri niya sa butas. Kaya sa verse 28 ano sa palagay mo ang reaction ni Tomas? Natural NAGULAT at NAMANGHA kasi buhay si Jesus. :LOL:

Kaya tama yung sinagot sayo ni jrnievas na screenshot ka ng screenshot e wala ka namang analyzation na ginawa.

Now, PAGSAMA-SAMAHIN MO LAHAT yang sinabi ko para makagawa ka ng TAMANG conclusion. Ewan ko sayo at wala akong paki sa mababaw mong isip, pero ang conclusion ni Juan sa chapter 20 ay "na si Jesus ay siyang Kristo, ang Anak ng Diyos".

Again, para maging totoo ang trinity, dapat WALANG contradiction. Napakaraming tanong na iniwan sa inyo ni Gentleman NA HINDI KO MAWARI BAKIT PANAY IWAS NIYO DON?

Walang CONTRADICTION ang bible. Pero sa paraan niyo ng pag-aaral, puro contradiction ang tinuturo niyo sa tao.


Di naman ako nagtataka e ;)
 
Last edited:
Brow wahahaha. Nakakatawa. Sa ibang thread pala ko nagko comment haha. Sorry na. Anyway, ayos yan maganda paliwanag. Ewan ko ba sa kanila di maka gets :) 🤦‍♂️
 
jrnievas ah bro.... alam mo ba yung "TS" ? "thread starter" po di ba?

Pakibasa na lang yung post nya andun po yung word for word na yan....backread ka po.
Maliban na kung inedit na nya.
 
From Gentleman007 Thread:
Ipinakita ni Jesus na siya ay isang nilalang na hiwalay sa Diyos at na siya ay may Diyos na mas mataas sa kaniya, isang Diyos na kaniyang sinamba, isang Diyos na tinawag niyang “Ama.”

---
[XX='xXmartoXx, c: 913441, m: 1577301'][/XX]

Eto yung sinasabi mo, na sinabi namin, "si Jesus ay mas mababang nilalang ng Diyos.?”

Hindi naman naming sinabing 'mas mababang nilalang ng Diyos', kundi sinabi sa TS na 'siya ay may Diyos na mas mataas sa kaniya.'

May kinalaman sa bagay na iyan, wala namang mali dya'n. At ipinakita na namin mula pa sa panimula ng thread hanggang sa page na ito na si Jesus ay mas mababa kaysa sa Diyos na kaniyang Ama.

At napakaraming teksto, at mga patunay mula sa mga pinagkakatiwalaang reperensya gaya ng King James Bible na ang Diyos na tinutukoy ni Jesus na dapat sambahin ay walang iba kundi si Jehovah.

Kaya, paano ninyo nasasabing kami ay gumagawa lamang ng kwento, or else, baka kabaligtaran ang sinabi mo?

---

Para sa mga mambabasa ng thread na ito. Kayo na po ang humusga at magpasiya kung alin ang inyong paniniwalaan.

Magsuri nang maiigi. At huwag basta magpadala sa sabi sabi lang ng kung sinong mga tao o kung sinong mga lider ng relihiyon.

Basta kami ay magpapatuloy lamang po sa paghahayag ng katotohanan hinggil sa sinasabi ng Bibliya, anuman po ang gawing paninira at pamumuna ng mga tao sa thread na ito.
 

Attachments

[XX='Yortz, c: 913370, m: 1496536'][/XX] Alam naman natin ang dahilan kung bakit hindi nila maintindihan.

We don't need to explain it more. Mababasa naman ng mga reader dito kung ano ang nais nating sabihin at ituro. At makikita nila mismo kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Hindi rin naman natin ineexpect na marami ang maniniwala, kundi tangi lamang yaong nakaayon ukol sa buhay.
 
Nope. Mali lang kasi ang isip mo kaya ang maaarok lang talaga niyan ay kung ano ang alam mo ngayon sir hehehe. Try mo mag analyze ng maayos 😌

Pero alam niyo, di naman kami nagtataka. Kahit anong liwanag ng explanation namin sa inyo, di niyo talaga mage gets yan. Sabi kasi sa 2 Corinto 4:4 e may bumubulag kasi daw ngayon sa mga tao mehehe 🤦‍♂️😬
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top