What's new

" ANG DAYA"

Scarlett OHara

꧁𝕯𝖊𝖆𝖙𝖍𝖘 𝕰𝖒𝖇𝖗𝖆𝖈𝖊 ꧂
Contributor
Joined
Nov 29, 2021
Posts
28,424
Solutions
538
Reaction
41,921
Points
19,178
Nagtiis kahit ang sakit na..
Nanatili kahit ayaw na..
Ang dami kong sinayang na panahon,
Alam mo ba kung gaano kasakit yun ha!?
Pag ayaw mo sa kaibigan ko,
Iiwasan ko sila..!
Pag ayaw mo ng suot ko,
Huhubarin ko wag mo lang masita..!
Lahat ng bagay sinunod kita,
Pero ano bang napala? Wala!!
Puro selos, pagdududa, at kung ano ano pa.
Ang pagbibintang mo sakin, aba tinodo mo na!
Lahat bawal pati ang makipagsaya, ano ba ginawa ko? Syempre sinunod parin kita,
Yun ay dahil mahal kita..!
At di ko kaya na mawala ka.
Sa mahabang panahon, pilit kong pinagtatangol ang sarili.
Sabi mo Mali ako! Ako ang palagi mong sinisisi.
Ang galing kasi hanggang ngayon ayan ang tingin ko sa sarili,
Palaging mali, at walang tamang sinasabi..!
Buong buhay ko hinayaan Kita
Paikutin mo ang mundo ko,
At di na umangal pa..
Kahit nasasaktan na pinilit ko pa ring manatili,
Kasi sabi mo ako Lang, at di mo ako iiwan.
Anong ginawa mo?
Ang tagal kong nagtiis
Hinayaan ko lang yung puso ko na maghinagpis,
Naisip ko din noon na lumaya nalang,
Alam mo yan na dumating din sa punto na ayoko na!
Pero hanggang sa huli nanatili ako at kumapit pa.
Gusto ko pa rin na maging masaya ka
Kaya di kita pinigilan na makipag salamuha sa iba,
Katwiran ko, enjoy mo lang ang buhay
Wag puro hirap, dapat magsaya ka,
Ayan lang naman ang sinabi ko,
Di ko naman sinabing enjoyin mo sya.
Ano? Masaya ka na ba?
Ang dali mong nakalimot,
Ganun lang sayo ang lahat?
Hindi mo naisip na hindi ka naman karapat-dapat..
Pero...Tiniis ko ang lahat..!
Kasi ayun ang dapat...!
Kumapit ako kasi ayun ang tama..
Kumapit ako kasi ayun ang dapat.
Nanatili ako kasi ayun ang kailangan
Ngayon ako nagsisisi kasi basta mo nalang ako binitawan,
Ngayon suko na ako..
Tanggap ko naman ang pagkukulang mo.
Ang masakit lang andito pa rin ako naghihintay
Umaasa na babalikan mo ko,
Kahit ayaw maalis sa utak ko ang nagawa mong pangloloko.
Umaasa parin na babalik ka at susuyuin mo ako.
Ang daya mo! Napaka daya mo naman..!
Bakit Sa part na to ako pa rin ang dehado.
Di ko gustong magdusa..
Di ko gustong umiyak
Di ko naman deserve na basta mo nalang iwan.
Dahil tiniis ko naman ang lahat.
Ang gusto ko lang naman maging masaya.
Pero bakit gunun ako pa rin ang masasaktan?
Ang daya! Ang daya mo naman!
Wala ka man lang iniwan, bat ka ganyan!?
Sana naman tuluyan ko na tong malampasan,
Nang sa ganun madali kong matanggap na wala kana,
At tuluyan nang maging masaya kahit alam kong nasa piling kana ng iba.
 
Back
Top