What's new

Ang Alamat kung bakit nagsisinungaling ang lalaki...

Daniel0724

Honorary Poster
Established
Joined
May 8, 2020
Posts
568
Reaction
180
Points
232
Age
29
Ang Alamat kung bakit nagsisinungaling ang lalaki...

Karpintero itong si Juan at isang araw gumagawa siya ng isang bahay sa tabi ng ilog. Sa lakas ng pagma-martilyo niya eh nalaglag ang martilyo niya sa ilog...

umiyak siya at lumitaw ang guardian angel niya, "tutulungan kita, Juan" .. .sabay talon sa ilog.

Lumabas ito na me hawak na gold hammer,

"ito ba ang martilyo mo?"...

"hindi po"...

Talon uli ang anghel at lumitaw na me silver hammer,

"ito ba?"...

"hindi po"...

Talon uli sa ilog ang anghel at lumitaw na may ordinary hammer.

"ito ba?"...

"opo"

Natuwa ang anghel,

"dahil honest ka,
bukod sa martilyo mo, sa 'yo na rin ang gold and silver hammer"...

Makaraan ang ilang araw,naglalakad si Juan sa ilog at kasama nya misis niya...

eh sa katangahan,nalaglag si misis sa ilog..lumitaw na naman si
guardian angel,

"tutulungan kita"...

Sabay Talon sa ilog at ng lumitaw kasama na si Gal Gadot,

"ito ba ang misis mo?"...

sumagot si Juan. "opo"...

nagalit si anghel,

" Sinungaling ka! akala ko pa naman mabait ka"...

nag- reason-out si Juan.

"sorry po, angel...kasi kapag sinabi kong
'Hindi', eh tatalon ka uli sa tubig at pag-litaw mo eh kasama mo na si
Scarlett Johanson, at pag sinabi ko uli na hindi siya ang asawa ko eh tatalon ka
uli at ang tunay na misis ko na ang kasama mo.

At dahil sa kabaitan ko eh ibibigay mo din sa akin sina Gal at Scarlet. Mahirap lang po ako at hindi ko kaya ang me tatlong asawa, kaya 'Yes' na lang agad ang sinagot ko nung una.

*Moral of the story: kaya lang naman nagsi-sinungaling ang mga lalaki
eh for a good and noble reason.* ^_^
 

Similar threads

Back
Top