What's new

Almost lahat ng natutunan ko sa school ay hindi ko nagagamit sa career ko.

Naozumi

Elite
Joined
Jun 13, 2016
Posts
933
Reaction
239
Age
22
Hi 2 years na akong graduate as IT. And currently ako ay isang ordinary software engineer sa isang small company

Bakit kaya may mga itinuturo sa college na hindi naman natin kailan.?

I dont know pero parang old style na ung way ng pagtuturo ngayon dahil lahat ng kailangan ko malaman ay self study lang ginagawa ko.

Kayo ano mga naging experience nio after graduation? Nabigla din ba kayo ng first time nio work? Nabigla din ba kayo sa reality?
Ako kasi nabigla ako, feeling ko ay hindi ako na i ready ng school sa ganitong reality.

But overall mas masaya mag trabaho kaysa mag school because masaya ako sa mga ginagawa ko.
 

uchan

Honorary Poster
Ano pong ginagawa nyo as a software engineer sir? IT din po kasi ako mag 4th year ngayong sunod na pasokan. Tsaka ano pong ibig sabihin nyo dun sa reality experience nyo po?
 
feel na feel kita idolo. ganon talaga sa industriya na ito sariling sikap sa sarili kung mag rely lang tayo sa school d tayo mag improve kasi araw araw nag babago ang teknolohiya at tayong nandito kailangan din umusab. mabuti yan idolo na masaya ka sa mga ginagawa mo. keet it up.
 
TS, siguro kasi ang programming ay mas bagay sa "trade school" or vocational or "boot camp" style na school.
Iba kasi ang gamit ng college/university, mas general ang objective, hindi focused sa hands-on training lang.
Pati life skills, critical thinking, languages, humanities, science, general intellectual development etc.

[Colleges] "are not simply for the education of students. This is an essential function, but the raison d’être of a college is to nourish a world of intellectual culture; that is, a world of ideas, dedicated to what we can know scientifically, understand humanistically, or express artistically. In our society, this world is mainly populated by members of college faculties: scientists, humanists, social scientists (who straddle the humanities and the sciences properly speaking), and those who study the fine arts."
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Kung preparation lang para sa employment:
"we could provide job-training and basic social and moral formation for young adults far more efficiently and cheaply, through, say, a combination of professional and trade schools, and public service programs."
Kung baga sa atin, TESDA yung malapit dyan. Kahit wala kang college degree pwede kang mag program.

College/univ = "life-ready"
Trade/Vocational = "job-ready"

Yung mga BS IT/CS course na seryoso yung curriculum (hindi diploma mill) mas malalim sa programming lang ang tinuturo. May pag formulate/optimize ng algorithm, design ng prog. language mismo, mga math/calculus. Kasi for example yung Relational Database (SQL) na gawa ni E.F. Codd e based sa relational algebra (math). May mga computer engineering concepts (gates, transistors, chips, etc.). May software engineering na nag bui-build ng large scale systems (hindi yung coding lang), may architecture design, scaling, etc., etc.

Siguro rin 2 years pa lang naman ang experience mo so siguro mostly coding pa lang ang ginagawa mo.
(I-correct mo na lang ako kung may iba ka pang activity aside from coding.)

Meron pang ibang fields or experiences ka pang dadaanan: Systems analysis, software requirements gathering (interview ng users, E-R modeling, OO design, use-cases, etc.), software entrepreneurship (startup pitching, business models), circuit design, systems & network stack design, data center design/mgmt, storage network design, ASIC/FPGA/embedded programming, project management, ITIL service management, IT governance, people management, IT security, learning management systems and training, IT accounting systems, etc., etc.

Yan pa lang yung off the top of my head, maraming marami pa at sa IT/CS field pa lang yan.

Mapapansin mo din may mga makikilala kang non-IT, non-CS na programmer din, kasi na boot camp or self study lang nila ang coding (mga BS Physics, Math, Nutrition, Biology, Education, Accounting, etc.)
 

Arjien

Piercing Dark with Light
Contributor
Self study lng tlga.. kahit nga sa amin kaumay yung mga vb.net 2003 nila.. kakaiyak. Yung mga prof ksi outdated tinuturo not suitable na for modern use.. kya kung anong trend dun dapat marunong tayo makisabay kahit medyo mahirap ganito tlga yung reality. ang pinaka importante ay masaya ka sa ngayon.
 

Naozumi

Elite
Ano pong ginagawa nyo as a software engineer sir? IT din po kasi ako mag 4th year ngayong sunod na pasokan. Tsaka ano pong ibig sabihin nyo dun sa reality experience nyo po?
it depends master kasi may mga client na iba iba ang gusto. so to be summarize 40% coding and 60 % (documentation and research)
ang reality experience ko ay ni expect ko kasi na kung saan ako magaling ay un na ang gagawin ko but hindi pala, so expect mo na na projects after project ay iba ibang learnings/technology din and syempre iba iba din mga ugali ng client haha,
 

Naozumi

Elite
TS, siguro kasi ang programming ay mas bagay sa "trade school" or vocational or "boot camp" style na school.
Iba kasi ang gamit ng college/university, mas general ang objective, hindi focused sa hands-on training lang.
Pati life skills, critical thinking, languages, humanities, science, general intellectual development etc.

[Colleges] "are not simply for the education of students. This is an essential function, but the raison d’être of a college is to nourish a world of intellectual culture; that is, a world of ideas, dedicated to what we can know scientifically, understand humanistically, or express artistically. In our society, this world is mainly populated by members of college faculties: scientists, humanists, social scientists (who straddle the humanities and the sciences properly speaking), and those who study the fine arts."
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Kung preparation lang para sa employment:
"we could provide job-training and basic social and moral formation for young adults far more efficiently and cheaply, through, say, a combination of professional and trade schools, and public service programs."
Kung baga sa atin, TESDA yung malapit dyan. Kahit wala kang college degree pwede kang mag program.

College/univ = "life-ready"
Trade/Vocational = "job-ready"

Yung mga BS IT/CS course na seryoso yung curriculum (hindi diploma mill) mas malalim sa programming lang ang tinuturo. May pag formulate/optimize ng algorithm, design ng prog. language mismo, mga math/calculus. Kasi for example yung Relational Database (SQL) na gawa ni E.F. Codd e based sa relational algebra (math). May mga computer engineering concepts (gates, transistors, chips, etc.). May software engineering na nag bui-build ng large scale systems (hindi yung coding lang), may architecture design, scaling, etc., etc.

Siguro rin 2 years pa lang naman ang experience mo so siguro mostly coding pa lang ang ginagawa mo.
(I-correct mo na lang ako kung may iba ka pang activity aside from coding.)

Meron pang ibang fields or experiences ka pang dadaanan: Systems analysis, software requirements gathering (interview ng users, E-R modeling, OO design, use-cases, etc.), software entrepreneurship (startup pitching, business models), circuit design, systems & network stack design, data center design/mgmt, storage network design, ASIC/FPGA/embedded programming, project management, ITIL service management, IT governance, people management, IT security, learning management systems and training, IT accounting systems, etc., etc.

Yan pa lang yung off the top of my head, maraming marami pa at sa IT/CS field pa lang yan.

Mapapansin mo din may mga makikilala kang non-IT, non-CS na programmer din, kasi na boot camp or self study lang nila ang coding (mga BS Physics, Math, Nutrition, Biology, Education, Accounting, etc.)
Thank you master
Base sa experience ko ay more or less 40% coding and 60% (Documentation, technology research and etc).
napadpad ako sa small company so end up doing a tasks na hindi naman scope ng job title ko like IT infrastructure.
 

username098

Honorary Poster
Sobrang pahirapan nung college, pero nung nagwork na ako ang simple lang ng requirements. Parang yung kailangan mo lang malaman is yung basic concepts ng course tapos the rest ituturo na ng company sayo
 
sa field ko narealize ko lang na yung mga tinuturo sa school nun is mahalaga talaga depende sa career na pipiliin mo. well sakin importante sya. pero hindi naman lahat
 
IT din ako at itinuro sa amin ay outdated. Ang mga kelangan ko sa work ay self study. Never ending kasi ang pag-aaral pag IT ka dahil nagbabago ang technology.
 
Almost all talaga ts?😬 Sakin grad ako ng medical school, lahat naman na tutunan ko sa school nagagamit ko sa career ko, most importantly this pandemic☺️

Case to case basis yan ts, baka di lang talaga swak yun job description mo sa napag aralan mo OR di magka tugma yun standards ng pinasukan mong trabaho at yun standards ng pinag aralan mo kaya feeling mo parang bitin ka sa info.0 Just my 2cents👌
 
Almost all talaga ts?😬 Sakin grad ako ng medical school, lahat naman na tutunan ko sa school nagagamit ko sa career ko, most importantly this pandemic☺️

Case to case basis yan ts
Hindi pa rin kasi kasing mature ng IT/CS ang Med.
Tsaka sobrang bilis ng changes sa IT, relatively mas stable sa Med.

Siguro ang ibig sabihin ni TS yung mga core courses like Algebra/Trig, Calculus, Physics, Humanities/Soc. Sci., Languages (verbal/written, hindi Programming), Discrete Math na hindi directly usable sa programming job.

Tapos may mga outdated din na version ng language like Visual Basic 6, or VB.Net 2013 (2019/2022 na yata newest)
Pagdating sa real world, ang gamit e Java, C#, Python, etc. mga hindi ginamit sa college (depende sa school)
Yung relevant 4 years ago sa IT/CS e maaring outdated na ngayon.

1700s yata ang unang Doctor of Medicine na degree, habang ang CS e 1960s banda nag start. 260 years agwat.
So apples and oranges.
 

iMpaL3R

Elite
same here TS graduate ng BSCS pero never ako nag kawork ng programming related nauwe ako sa network hardware side..
 
Sa totoo lang walang kwenta ang pagpasok sa school, tuturuan kalang dun ma encourage ikaw mismo hahasa at kapag computer course ka need talaga computer sa bahay,ikaw mismo mag ho-hone ng skills mo..btw undergraduate ako sa Com-Sci
 
Top