What's new

Poll ALIN ANG UUNAHIN, EKONOMIYA VS KALUSUGAN

Ano sa tingin mo ang dapat unahin ng gobyerno?

  • Ekonomiya

    Votes: 3 20.0%
  • Kalusugan

    Votes: 12 80.0%

  • Total voters
    15
  • Poll closed .

PHC Bossman

Addict
Joined
Nov 5, 2016
Posts
211
Reaction
39
Points
117
Kung hindi ako nagkakamali, mahigit 4 months na tayong sinasailalim sa mga quarantine status.

Ngunit hindi parin natin na ko-kontrol ang pagdami ng mga kaso sa COVID-19.

Habang papataas ang mga kaso, ay siya rin namang pagbaba ng ating ekonomiya.

Darating ang panahon na kailangan na talagang mag desisyon, EKONOMIYA O KALUSUGAN. Sa tingin mo?
 
kung nung nagsisimula pa lang ang outbreak eh nagfocus na tayo sa health systems at nagprovide na ang gobyerno ng maraming stocks ng mga kakailanganin eh 'di tayo aabot sa ganito eh. para bang naglock down lang tayo para sa wala
 
Yun lang ang problema, kung aantayin pa natin na bumuti ang pag kontrol ng mga kaso, eh baka hindi na umabot ang ating ekonomiya :(
 
Oo nga eh. Pero kung ano man ang nagawa sa nakalipas ay wala na tayong mababago dun. Sa ngayon, kelangan talaga ng plano. At hindi lang basta lockdown ng lockdown.
 
Tama din po naman. Kaso kung titignan natin talaga ang sitwasyon natin ngayon bilang isang bansa, pabagsak po talaga tayo. :(
 
Health pero kung puro quarantine lang pero di nag ma masstesting at walang plano tatagal at tatagal ang quarantine tayo na may pinakamahabang lockdown sa buong mundo haha. dapat nung una palang binan na agad ang china saka nag masstesting agad para di na makahalubilo yung mga nagpostive
 
Ayun lang po. Nagkamali ang mga ulo ng ating bansa noon. Ngunit sana maintindihan din nila na hindi porket tao sila, ay pwede nanaman silang magkamali ulit sa panahon ngayon. Wala na tayong lugar para sa isang mali na desisyon ulit.
 
Kung epidemic lang dapat pagtuunan ng pansin pareho. Dapat balanse kasi kung papabayaan ang ekonomiya baka samantalahin naman ng ibang bansa yun.

Ngayon, pandemic ang nangyayari so hindi lang pinas ang humihina ang ekonomiya kaya ok lang na mas pagtuunan ng pansin ang kalusugan kaso ang mga namumuno naman ayaw nila. Tignan mo nga ipinilit pa din yung klase. Kung kalusugan ang iniisip nila ay ihihinto muna ang school year para yung budget ay magamit para sa paglutas sa problema sa Covid.
 
i think both? kaya naman ng leader yun eh coz di lang naman siya ang gagawa nun pwede ka mag assign ng mga gagawin ni juan at may ipapagawa ka naman kay pedro
 
work from home yung pwede para kunti tao sa labas na maghahawaan
tamang PPE sa mga hindi pwede magwork from home na trabaho
maging accessible online lahat ng kailangan na supply para iwas paglabas pero dapat mapakiusapan ang mga telco na makisama at pabilisin naman kanilang serbisyo
at disiplina nadin sa tao at magsocial distancing pag nag grocery o namalengke
iwas muna mga gatherings at online muna mga pagsamba etc

madami pa namang paraan basta wag lang puro quarantine kung hindi naman nila pipigilan mga dayo na pupunta dito sa ating bansa
 
Oo nga eh. Pero kung ano man ang nagawa sa nakalipas ay wala na tayong mababago dun. Sa ngayon, kelangan talaga ng plano. At hindi lang basta lockdown ng lockdown.
Haha yun nga e. Hanggang ngayon wala paring plano, nag aantay nalang ng vaccine, tipong matira matibay.
Ayaw pa palitan si Puque.
👊👊
 
Sir, with all due respect, 4 na buwan na kami ng pamilya ko na sumusunod sa kanilang pinag sasabi. Kaya hindi nyo kami masisisi kung humingi kami ng tamang plano. 4 na buwan na rin kaming walang trabaho. Hindi rin kami PA WOKE. Sadyang nauubos na pasensya at pera namin. Hindi kami pwede umupo at mag hintay sa wala.
 
Nakakatawa ba na humingi ng plano? Kahit assurance man lang mula sa kanila di nga nila kaya ibigay. Nagagawa mo pang tumawa sa mga katulad namin na humihingi ng plano, siguro angat ka sa buhay. Kaya kung ang gusto mo lang ay protektahan ang mga pangalan ng mga namumuno. Wag nalang sir. Pilipino ka diba? Dapat ang mga mamayan ang pinapanigan mo. Hindi mo pwedeng sabihin na DISIPLINA lang. Unfair yan sa lahat ng katulad naming sumusunod sa mga sinasabi nila.
 
4 NA BUWAN na kaming naka disiplina, pero wala paring magandang naidudulot yun. Tumataas parin ang kaso. Kaya kami humihingi ng PLANO. Para maging FAIR sa part naming sumusunod sa mga itinatakda nila. 🙂
 
Dpat kase nung unang ecq palang wla ng lalabas mga 1 month.. kht sino di na pede lumabas..Ewan Koba Kung Gumagamit Pa Ng isip gobyerno..hangganG ngayon Wla naman nagbabago Lalo pang lumalala..
 
Explain pls kung paano gumalaw ang gobyerno? Kung anong effective measure ang ginawa nila since the first case in the country. (Aside from the lockdown, honestly lockdown with mass testing would've ended the covid pandemic during its early cases) You dont need to be pa woke or some sht to see the failure of the government given na yung DOH secretary is still there.
 
Back
Top