What's new

Aircon question po

gwagon123

Addict
Joined
Mar 22, 2019
Posts
69
Reaction
84
Points
97
hi po tanong lng po

ok lang poba na 21 sqm yung room tapos kinuhang AC is 2.0 HP?
d poba sobrang lamig yun at ano pong magiging problema kung itutuloy to?

yung nagdeliver ng AC sabi ok lng daw tapos ipapainstall na kasi sa friday d po ba kailangan palitan po?
 
5 m length by 4.2 m width ang 21 sq m. Kaso gaano naman kataas ang ceiling sa flooring? Ilang ang taong expected na makikinabang sa air con kapag naka bukas? Gaano katagal ang expected na naka on ang air con?
 
5 m length by 4.2 m width ang 21 sq m. Kaso gaano naman kataas ang ceiling sa flooring? Ilang ang taong expected na makikinabang sa air con kapag naka bukas? Gaano katagal ang expected na naka on ang air con?

6hours po tapos 2-3 person po ung room
tapos nasa 10feet po ung ceiling
 
Tingin ko 2 tons yang tinutukoy mo.. ok an yan sa ganyang kalaki na room ..May thermostat naman kaya makokontrol mo ng tama kung gaano kalamig ang kailangan mo
 
Ok langyan tip ko sayo kapag pipili ka ng ac ang piliin mo yung piston type ang compressor, base sa obserbasyon ko mas matibay yan kaysa sa rotary type tsaka dapat ang size ng discharge pipe ay at least 1/4 or 3/8 para kahit mag hi-ampere ang compressor ay di madaling mabutas.
 
Oversize. Kung non-inverter, may extra consumption ka sa kuryente. Kung invertet naman, ok lng kahit oversize, konti lng ang dagdag sa konsumo, mas mahal nga lng ang initial cost, kysa nag 1.5 hp ka lang.
 
1.5 Hp kaya na yan,, kasi ang ibang brand may sinusunod na rule of thumb, gaya ng 14 - 18 sq.m per ton, at ang 1 ton ay almost equal na sa 1 Hp. kung 21 sq.m. ok na ang 1.5 hp.
 
Back
Top