What's new

Agoraphobia ?

dorothymeo

Addict
Established
Sige mag kukwento nalang ako wala kaso akong maipost. Para naman maging established user na ko. (Sana)

Ayun nga, noong unang panahon. May laging namimigay ng school kits, goods at nagpapaulan ng pera sa lugar namin. Dahil nasa ilalim ng tulay kami nakatira. Pero di naman kami mahirap. Napakamahal kaya bubung namin haha. Pero ayun nga, mga nakatira dun may 3 floor, mga professional work and may nakatira pang forenjer. Pag makikita mo din mga kapitbahay. Socialin, wala kang makikilala dun palautang, magnanakaw. Never may nag away, narape o napatay. Walang security sa lugar Pero safe.

13 years din ako dun. Dun nadin pinanganak sa bahay na nandun.

Dahil nga lagi kami nauulanan ng blessings. Natripan namin mga kalaro kong kapitbahay na mamalimos sa kalsada.

Nag lalaro pa kami natawid sa kalsada kung sino nasagasa. Talunan haha (pero wala namang namatay noh, bali expert na kasi kami)
Meron pa gabing gabi na nakatambay sa gilid ng kalsada, nag aabang may mga war ang gang noon.

Nakaipon din ako ng 3 liter ng bote ng sprite na puno ng barya at may buong sampo at bente.

Papasok akong school ng 12 pm pero bago nun, winawalis ko ang daanan ng school namin kasi madaming nagtitinda ng street food dun, tas after ko mun aabutan ako sampo o bente minsan ung pagkain tinda nila. Pag pasok sa school na lagi akong pwesta sa bully pero di ko pa narerealize nun binubully ako. Ang alam ko lang asaran biruan lang. Pero un nga medyo salbahe din ako kaya siguro wala akong friends nun haha. Nananaksak ako ng lapis at nambablack eye haha. Eh ayun kunsumisyon ako lagi ng Guardian ko kaya nalilipat ako lagi ng ibang section. Lagi tinatawag magulang jahahha.

Pinaka favourite ko gawin noon, pupunta sa palaruan or arcade sa mall, mag susugal dun sa may huhulaan ano ang tatamang number or letter sa malaking bilos na yun, at puno ng mga nakapalibot na matatandang sugalero.

Gamay ko na ano ung tumatama dun kaya nakakaipon ako ng tatlong bag . Tas bebenta ko sa matanda ng bagsak presyo. Edi pag aagawan nila yun.

Edi tiba tiba nanaman tayo. Pag uwi ko bibili ko ng bigas, matatawa nalang saken sa bahay. Bat ako madaming pera.


Di ako magnanakaw pero natry na namin kumain at magtago sa ***** ng kendi sa grocerihan haha. Una nyan bubutasan namin. Tag babalikan namin maya maya.

Di pa uso cctv nun kaya lang nung lumabas kami nahulog sa pans namin ibang kendi. Di naman napansin ng guard pero yung kapitbahay namin, tyempo papasok sya dun ayun na chismis din agad samin.


So yun na nga, wala akong takot noon sa kidnapped bata kuha bituka. Basta lahat ng naiisip namin noon ng trip, gagawin talaga.

Syempre lagi napapalo, ayaw talaga ng parents ko na nandun ako sa taas (kalsada) pero mga kalaro ko support parents nila. Pero matigas talaga ulo, nakakalusot lagi.

May phobia ako noon di ko alam ano un. Never ako natakot noon maliban sa isang tao. May binata na deaf laging walang damit tas ang taba ang laging Tao. Sya yung pinagkakatuwaan noon sa kalsada, kasi nga sa autism.

Sobrang takot na takot ako dun. Marinig ko lang name nya, makita ko lang. Kahit nakalock yung pinto ng bahay namin sisiksik ko katawan ko papasok hanggang masira ung pinto na medyo durog na.

Ewan ko ba bat ako sobrang takot dun pero mabait naman un kasi nagpapatuwa sya ng mga bata.
Perk nawala din un nung nag 13 ako. Eh kumipat na kami nun di ko nadin nakikita, and nabalitaan ko nalang wala na pala sya. So ayun hindi to loves story haha ,kwento ko lang kasi part ng phobia ko.

Pero yun nga, nakalipat na kami sa maayus na lugar at bahay sa idad kong 13. Dahil need na maglikas, umabot ng kalsada ang baha at first time un sa tanan ng buhay ko ang ganung kalakas.
Nasa gilid kami ng kalsada na puno ng gamit na nailikas, ako na matigas ulo habang di pa naabot sa kalsada ang baha, napunta pa ako dun para panoorin mga kumilikas.

Nakita ko na mga palutang lutang na bangkay na inaanud. May mag ina pa na nasa sanga nakakapit. ( Nagmula un sa ibang lugar na inanud) Sinusubukang iligtas ng mga kapitbahay namin kaso unsuccessfully. Pumunta oa ako sa ibang gawi ng lugar, sa may subdivision na may mga mansyong bahay. Natatanaw ko sa taas sila na inaanud, Nakita ko noon ung rescuer na niligtas ung maliit na bata na nasa pader, nailigtas sya kaso ang rescuer ang pumalit dun dahil nakuryente.

Di ako nakakaramdam ng takot, kaba, lungkot nun bagkos sobrang mangha ako sa nangyayari. Natural lang siguro kasi bata pa, sobrang ignorante ko lang siguro.


So yun nga pang mmk ung kwento ko pero this time I'm 26 yrs old na. May panic attack sa labas mag isa. Actually nag start eto nung 2020 (pero hindi ako sa cornbrief takot, ewan nagkasabay lang). Mga nakakasalubong, lagi ko pinagdududahan na masamang tao kaya bigla akong napapatakbo pabalik. Minsan pa nga nakaabang akong sasakyan galing work, pauwi na, sobrang panic ako sa dumadaang sasakyan. Takot nadin ako tumawid. Self awareness nga ako na pero may panic attack. Lahat ng tao observed ko kung goods. Pag medyo kahinahinala, nakatitig ako dun inaabangan moves nya. Di mapakali, may hawak ng ballpen. Ganun din sa jeep, bus. Takot sa aksidente. May time nakaramdam ako na parang may something na mangyayari di ako mapakali. Ayun nakabangga ung sakay naming jeep ng nakamotor (predited yan, skills ko yan charot).

Kitang kita ko katawan nya na nabali ang ulo pa360( pero di ako takot sa patay, dugo, corpses o mumu). Sobrang takot lang ako sa masamang tao at aksidente. (Sino bang hindi) Yun na nga ung anxiety ko nagpapanic attack kahit inosente mga tao sa paligid haha. Di ko alam bat nagkaganto nalang ako bigla.

Nag resign ako sa work dahil dito last 2020. Tapos mababalitaan mo pa ngayon daming pinapatay, ginagahasa, kidnnaped kahit daylight tas pinapasok pa sa bahay. Diba? Ang epal lang kainis.


Sobrang optimistic ako noon diba, bakit ganito na ako ngayon?
Dagdag pa yung depression na di mo alam ano ba talaga irarason. Kailangan ba may rason? Di ba pwede Depressed ka na bat pinanganak ka?

Sabi ko nga mas gugustuhin ko pa mag tooot kesa mapatay. Pero syempre hanggat maaari mag susurvive tayo. Gusto ko na nga bumili license na baril hays.

Pag magpapa therapy ako, di din nakakatulong, nababadtrip lang ako lalo.

Dati din ako gala sa kung sansang party. Inuman at age 16, then sobrang dami kong friends na nun kasi madaldal ako kaya ko magpalaki ng puso haha. Pero lahat ng yun iniwan ko din sa ere.

Nagsawa din ako magkaron ng barkada. Kaibigan. Ni isa wala akong tinirang kaibigan ( yung tipong lagi mo kausap kasama or kahit minsan lang ) sobrang na overwhelmed lang siguro ako.

Mas comfortable na ako sa bahay lang, walang iistorbo, aya punta dito punta dun.

Except Sa online world, napaka easy lang naman makisalamuha sa kung sino sino. Pero walang permanente dun. Di naman ako masyado invested online.

Dito pati, di ako makapost post manlang o comment para maging established member na haha di ko tuloy makita ung hidden post.

Pero yung main reason ng post neto.

Ako lang ba may agoraphobia dito?
Tara kwentuhan. thanks sa pagbabasa haha

ps: baka madelete ko nanaman to dahil sa anxiety ko imbes counted to as my post lmao huhu

 

Similar threads

Back
Top