What's new

Advice nang may matagal nang nasa isang relationnship at nag tapos na

baNiji

Eternal Poster
Established
Joined
Apr 12, 2018
Posts
874
Reaction
153
Points
319
Bale isa akong estudyante na merong karelasyon nang 5 taon mahal na mahal ko siya pero nag tapos na ang lahat saamin ngayon dahil sa isang lalake na nakasama niya sa trabaho niya. Nung panahon na nasa malayo ako ok pa kami at akala ko walang problema pero lahat nag tapos nung nakauwi ako nakasama ko siya nang isang buwan masaya kami at walang problema pero nung umalis na ulit ako inamin niya saakin na may naka fling siya na katrabaho niya at may nangyari sakanila
Gumuho ang mundo ko sobrang nang hina ako kausap ko siya sa messenger at nakikita ko siyang umiiyak at sorry nang sorry saakin pero di ko alam gagawin ko dahil mahal na mahal ko siya gusto pa niya nang isang pag kakataon pero di ko pa kaya dahil tuwing nakikita ko siya naiisip ko lahat nang nang yari
May nakaexperience na ba senyo nang ganto sana mabigyan ninyo ako nang advice
Salamat
 
give her a chance,just tell her na iprove nya na magbabago na sya.yup masakit at hirap kalimutan ng ginawa nya pero sabi mo nga mahal mo diba.
 
Dipende sa samahan nyo kung tingin mong may pag-asa pa or kaya pang isalba yung relationship nyo. Pero yung "thought" kasi na may nangyari sa kanila, sobrang sakit talaga kung iisipin mo e. Hindi mo din pwede na sabihin na, "hindi na nya mauulit yun", kasi nagawa na. Kumbaga yung mismong tiwala mo sa kanya, nagkaroon na ng lamat.
 
Magulo pa isip mo sa ngayon, subukan mo munang mapagisa bago ka magdesisyon kung babalikan mo ba o hindi na. Total kung nagsisisi talaga sya at ayaw ka nyang mawala mahihintay ka nya. Sira na kasi yung trust mo sakanya, kahit na wala man syang ginagawang masama maaalalat maaalala mo mga bagay na ginawa nya. Go out with friends and family it will really help.
 
Kung nagawa niya yan , hindi imposibleng ulitin nyayan . Nagkaron din akong karelasyon na ganyan mahal ko siya kaya pinagbigyan ko pero na ulit lang ulit . Kaya pinagsisihan ko na nagbigay pa ko ng chance . 3x ko sya binigyan ng chance hanggang sa ayoko na talaga
 
Para sa akin move on ka na makakahanap ka pa ng mas deserving sayo kong kaya ka nya lukuhin kaya pa nyang ulitin yon...kesa bigyan mo ng pagkakataon tapos nagkatuluyan kayo hindi mo mawawala sa isip mo yan pag maalala mo war na naman.. Yes nakakapagpatawad ka pero pag may lamat na di na maibabalik ang dati.
 
Kung ako yung nasa kalagayan mo ts, di ko bibigyan ng chance. Kasi kung mahal ka talaga nya di niya magagawa yung sayo. Isa pa everytime na magkakalayo kayo ayan na lagi maiisip mo kasi nagawa na niya at totoong di malabo na ulitin niya lang yun at di mo na malalaman pa next time. Nagawa niya yan means di ganun ka lalim pagmamahal niya sayo at wala ding pakialam sa nararamdaman mo. Nakafling at may nangyayare. Di lang isang araw lahat ginawa yan sa first day palang dapat naisip niya na pero hindi.
 
tutal nasa malayo ka na mive on ka na lang ...
mas maganda kung mag move on ka na lang tutal bata ka pa at makakanahanap ka pa ng babae na totoo at magmamahal syo.dint be a fool sabi nga nila.
mahirap yan lalo na katrabaho pa nya.
mas masakit pa nyan kung kailan umalis ka na saka nya pa sinabi syo.unfair nman un
 
wag na pre, dahil kung mahal ka nyan di yan papatol sa ka fling nya at mangyayari ulit yan ,honest siya sayo tama yun pero mali ginawa nya alam nya na makakasira ginawa padin nya, ,nung ginawa nila inisip kaba nya? kung naisip nya bakit siya pumayag pa
 
at katrabaho pa nya king ina talaga mga ganyan nakaka relate akonahahaha
 
Makakagawa pa yan ng pagtataksil in the future, mahirap ng magtiwala sa ganyan kasi hamakin mo ginawan mo siya ng mabuti minahal mo siya pero anong kapalit nagawa niyang magtaksil sayo eh wala ka naman ginawang masama para magawa niya yon, paano pa kaya ts kung loko loko karin ode mas lalo ng nagloko din siya, ako sayo drop her like a hot potato habang di pa kayo kasal o kung ano move on na lang
 
Napatawad ko siya pero di ko alam kung kaya ko pa siya balikan tuwing nakakausap ko siya naiisip ko lahat nanang nangyari sobrang sakit pero di ko siya mapabayaan sobrang depress na siya at dahil wala siyang kaibigan na mapag sabihan at lahat naman nang kaibigan ko kapag nag tanong kung bakit kami nag hiwalay lagi kung inaangkin yung kasalanan sinasabi ko ako yung dahilan nang pag hihiwalay namin
Salamat sa mga advice ninyo sirs maam wala ako mapag sabihan nang tunay na nangyari kaya dito ako nag open
 
wag mo panghinayangan yung pinagsamahan
kung ikaw ang pinaglihiman at nasaktan

sakin 3ys then may nagbibigay na flower sa ex gf ko, nahuli ko na may nagtext i love you pero babae name huli na sa akto pero ayaw pa umamin. ayoko makinig sa kaibigan ko na niloloko ako ng ex ko then nahuli ko. kinompronta ko humihingi ng tawad na magkaayos pa pero
tio ang natutunan ko kapag mahal mo ang tao ikaw ang lalayo sa tukso kahit anong tukso pa yan. pangalawa kapag pumatol ang ex mo sa ibang tao ibig sabihin may hinahanap siya na wala sayo(presensya) pangatlo sa pag nahuli na sya tsaka nya marerealize na mahal mo sya. for me 100 million ang tao sa pinas 40% ay babae na young ãdül† imposible di ka makakahanap ng iba. yung ibang kwento 1 year lang nagkakilala nagpakasal na. 6 years bago ako nakamove on at eto 1 year na kaming kasal happily married na sa ibang babae na tanggap ako at may cute na baby hindi sa tagal ng panahon yan kundi sa tiwala na binibigay ng partner mo. kaya ako tandaan mo ang kasabihan na kapag nilagay mo ang bulok na kamatis sa mga malusog na kamatis passaan na magiging bulok din ang malulusog na kamatis. pag pinag bigyan mo yan pa pwedeng magcause ng pagaawyan niyo sa future yun lang. kaya yan lods
 
Last edited:
Mag move on ka na sa kanya ts, mahirap yan sa una pero makakaya.. yung ex ko may nagawa na din sakin noon, ldr kami tapos may nagustuhan siyang ibang lalaki (boss niya sa work) at mas pinili niyang i-celebrate birthday ng crush/boss niya, niyaya niyang kumain sila sa labas at manood ng sine nang silang dalawa lang kesa sa birthday ko (Sep 18 ako tapos yung crush niya sep 20)
pero pinatawad ko kaso di ko na talaga kayang ibalik yung tiwala ko sa kanya, lagi na din kaming nagtatalo kasi madalas pa din siyang maglihim/mangbalewala kaya after lang ng ilang buwan, hiniwalayan ko na.. Madami pang babae dyan ts, may makikilala ka pa.. yung makokontento sayo.. Ibaling mo lang sa ibang bagay sarili mo makaka move on ka din..
 
salamat sir sana maka move on din ako sobrang minahal ko siya di ko alam kung ilang taon din ako bago maka move on 1st gf ko siya kaya di ko alam kung ano gagawin
 
saakin naman sir nag paalam siya saakin na mag roroad trip at doon nang yari ang lahat nang bagay na ikinatatakot ko di ko siya masisi dahil sabi niya lasing sila noon nang mang yari ang lahat
 
move on nlang siguru Sir, ano laban mo eh katrabaho nya eh.. saka mapaparanoid ka lang masyado nyan kasi lagi mong naiisip na magkasama sila ngayon, in the end, nagkakasakalan lang kayo, magiging toxic lang.. pero nasa sa yo pa rin yan kung bibigyan mo siya ng chance :)
 
Back
Top