What's new

Advice naman sa nagkakasamaan loob at inggitan na magkamag-anak?

Erwun

Forum Veteran
Established
Joined
Oct 6, 2015
Posts
3,296
Reaction
665
Points
893
Yun humahanap ka ng pagkakapantay-pantay na pagtingin o trato ngunit hindi mabigay.Yun mga matatanda sa Angkan na imbes gumitna para alamin at ayusin ang puno't dulo ng sama ng loob at inggitan ay meron pa kinikilingan.Tapos hindi kinukuha opinyon o desisyon mo kahit na lalake ka nilalagpasan o binabalewala ka at ang masakit nito wala ka ng mapagsumbungan na nakakatanda pa na kamag-anak dahil wala na sila sa Mundong ito.Sana marinig ko opinyon at payo nyo yan kase estado ng amin angkan ngayon?Salamat!
 
Last edited:
Kadalasan, ang trato sa tao ay base sa kanyang antas sa buhay. Yung kapag mapera ka, tinitingala ka, pinapakinggan ka, sinusunod ka. Pag wala, "SINO KO BA?". Magsumikap ka TS, yung iaangat mo ang sarili mo na walang nasasagasaan na kapwa. Nandiyan yang mga 'yan para hatakin ka pababa, para pigilan ka sa paglago, pero balewalain mo lang sila, saka mo balikan pag ANDUN ka na, sa lugar na mas ANGAT ka sa kanila. Saka mo umpisahan ang paano ba dapat ang pagtrato ng PANTAY-PANTAY.
 
Sa usapan angkan eh mahirap yan resolbahin even on the higher society people may ganyang dispute like monarchy issues. Walang solusyon diyan kundi stay away from it and focus yourself para mapa-unlad mo ang iyong sarili. Tulad ng sinabi sa taas magpa-edukado at magpayaman ka, now may papansin na sayo at dadami ang iyong kakampi. Sa family status natin sa mundo eh natural na rerespetuhin ng kamag-anak ang may pinag aralan at maykaya 😂
 
Last edited:
Ito ang reality sa buhay, pag mahirap ka wala papansin sayo maliban sa mga kapareho mo ng estado at meron man ay iilan lang talaga. Sigurado ko if maging tanyag at mayaman ka eh ultimo na hindi mo kilalang kamag anak eh didikit sayo. Kaakibat ng edukado at yaman ay kasikatan ng pangalan 😂.
 
mas maigi pa ang di mo kaano ano , maasahan mo pa , peru pag relatives mo LUH ASA KA :D
advice ko lang , magsipag ka lang sa buhay dadating yung araw na aangat ka at sila lalapit sayo o hindi kana nila gaganyanin na parang ewan lang
 
Bagsak ang mga yan sa emotional maturity test. Simpleng misunderstanding o kritisismo, passive aggressive agad ang approach sa'yo. Pride, envy, o insecurities ang isa sa mga dahilan kung bakit may ganyang mga issue sa family. Base yan sa obserbasyon at first-hand experience ko sa family feud. Maganda man ang estado mo sa buhay o payak na estado, mangyayari at mangyayari yan kung immature at walang abilidad mag balanse ng sitwasyon ang mga taong inaasahan mong mag aayos ng gusot sa pamilya. Mas maiging dumistansya na lang sa mga toxic na miyembro ng pamilya at umasang magbabago sila sa hinaharap. Huwag nating sayangin ang ating oras at lakas sa bagay na alam naman nating walang magandang kahihinatnan. Bagkus ay maiging magpokus sa sariling pamilya at huwag hayaang magaya o maulit ang ganitong sitwasyon sa susunod na henerasyon.
 
Hindi naman mayaman mga kamag anak ko sabihin na natin nakakaluwag.Nakatira ako sa Tita ko andun ako kase pinapunta niya ko napansin ko lang kase na mas gusto niya yun Pamilya ng kapatid nyang babae pati mga anak oo professioanl na lahat ngunit yun tatay batugan hindi nagtrabaho nakatapos na ang anak pero wala sinabe sa lalake para ipaalala ang obligasyon nito..Yun nagccnungaling naglilihim ang kinasasama ng loob ko,hindi ka kasama sa pagpapasarap kundi sila lang,paghirap o gawain pisikal ikaw ang tatawagin.Ang hirap konttolin ng nararamdaman na sama ng loob at inggit.
 
Yaan ang plano ko kapag nagkapamilya ako patas na pagtrato at pagkakasundo-sundo ng mga magiging Pamilya ko at ng Pamilya ng akin mgakapatid.Ang mga Tita ko ang tinitukoy ko na hindi patas trumato,may kinakampihan,nagkukunsintihan at ang malungkot ikinahihiya ang pinanggalingan angkan.
 
Tama sila, ako rin ay walang accomplishment sa ankan namin at tuwing bumibigay ako nang opinion parang lagpas lang sa tenga. Same sa parents ko, na mas gugustuhin pa nila opinion nang iba kesa sa amin, dahil nga mga failure kami sa buhay.

Last time nga my nag alok sa parents ko na sumali sa isang payramid scheme, sinabihan ko na scam yan pero sumali parin sya tingin ko nga naniwala pa sya lalo kasi nga sinabi ko na scam yun.
 
Dumistansya na ko kaso pinauwi ako dun ng Titq ko dahil akala ko mahalaga ang dahilan nagsinungalin lang pala sa huli ako pa magmumukhang may problema.
 
Nakakalungkot lang ulila na kame at nawalan pa ng 1 kapatid pero ganito pa rin pag uugali ng mga kapatid ng Father ko.😢
 
ikaw mismo makakapagpabago ng lahat, magpayaman ka. makkita mo pagbabago.
 
Back
Top