What's new

Help Acer laptop with power but no display

Lenardkun

Established
Guys pa help po. Ano po kaya possibile na sira ng laptop ko?. Nung March bigla nalang hindi sya mag power on, tapos naka 3 na try lang ako na ulit nabuhay na sya. Tapos Ngayong week nagka ganun ulit may power pero hindi sya nag boboot kaya nag decide na ako na baklasin sya para linisin yung ram at tanggalin yung HDD, maraming beses ko sya inulit hanggang sa nag boot na ulit akala ko ok na tapos nung bubuhayin ko ulit hindi na naman sya nabuhay. Binaklas ko ulit sya tapos itry ko sana tanggalin yung cmos battery kaso hindi ko makita, kaya ang ginawa ko nalang ulit is linisin po ulit yung ram at yung HDD. Nag boot na ulit sya pero sa BIOS pumunta tapos inayos ko yung settings at nag boot up na sya. Para kako sure na hindi na ok na sya . Pinatay ko sya at binuhay ng 3 beses, Sabi ko ay Ok na sya kasi nakailang buhay na sya successful naman. Tapos ng bandang hapon po hindi na naman sya nabuhay hahahah. Ang weird hindi ko po alam kung ano may problem. Baka po may naka experience na sa inyo nito? E5409239-DA1B-46A7-B0D0-28FEE784BD7C.jpeg
 

Attachments

una suspect jan TS is RAM nga kahit wala HDD pwede na kasi magbukas ang laptop basta ayos lang ang RAM. bios nga lang maaccess mo. yung RAM din paiba iba din ng edge configuration depende sa model.
 

Lenardkun

Established
una suspect jan TS is RAM nga kahit wala HDD pwede na kasi magbukas ang laptop basta ayos lang ang RAM. bios nga lang maaccess mo. yung RAM din paiba iba din ng edge configuration depende sa model.
After ko po mag research about sa model ng laptop ko nalaman ko po na ala syang cmos battery. Yung nag aact na cmos battery ay yung mismong laptop battery. Akala ko po din po sira yung Ram pero gumagana po sya ng maayos now kaso need tanggalin yung battery tapos i short yung power button. Di ko po alam yung source ng problem ko 😭. Kasi nabubuhay din yung laptop using battery kaso need lagi tanggalin yung battery tapos pindutin yung power button ng 15 secs para mawala yung natitirang electricity. need ko na siguro talaga ng computer technician
 
If ayaw magboot sa BIOS. Either may problema yan sa RAM or sa battery. Hirap yan ts if hindi ma-inspect in person, need mo computer technician pag hardware, lalo na kung hindi ka experienced in troubleshooting.
 
Top