What's new

About work.

kaphokz

Eternal Poster
Joined
Jun 21, 2018
Posts
916
Solutions
1
Reaction
635
Points
469
Ako lang ba guys yung parang wala nang motivation sa trabaho? Parang napapaisip na lang tuwing umaga "Eto nanaman" "Gusto ko ng iba" may thrill sa work ko pero bat ganun yung nangyayari? Thankful ako kasi may work ako ngayong pandemic. Pero di padin maiiwasan yung ganun sakin. Hay
 
hirap naman nyan TS, hindi ka ata masaya sa trabaho mo
 
@borokot..ganyan din ginawa ko noong nasa cityhall pa ako nang maasigned ulit ako sa main department namin. Dahil sa environment at toxic people.
pero bihira lang. Isang araw lang ako mag absent noon. Di naman umaabot ng isang week.
Hahaha kala ko ako lang, Minsan naiirita na din ako kasi parang wala nang bago. Minsan napapaisip ako umabsent pero bigla "Sayang kita mo ngayong araw" haha
Buti ikaw may work ka pa ngayon di tulad ko. Di ako narenew noong january pero di naman dahil sa pagabsent ko. Hayaan mo na lang yung mga nega na tao sa paligid mo. Isipin mo na lang na ang pagttrabaho mo diyan ay hindi dahil sa pagsasama ng ibang tao. isipin mo para sa pamilya/para sa iyo.
 
Last edited:
tamang tambay lang sa phcorner habang nag wowork at home haha at basa manga/webnovel
pero kung ayaw mo na talaga pwede ka naman mag-apply na sa iba para ibang pagsasawaan na naman haha
 
hirap naman nyan TS, hindi ka ata masaya sa trabaho mo
Mahirap nga sir, Masaya ako sa tingin ko? Pero kadalasan tinatamad na ko at walang gana. Walang problema sa kawork or environment. Walang toxic. Pero ganun padin nafefeel ko haha
 
@borokot..ganyan din ginawa ko noong nasa cityhall pa ako nang maasigned ulit ako sa main department namin. Dahil sa environment at toxic people.
pero bihira lang. Isang araw lang ako mag absent noon. Di naman umaabot ng isang week.

Buti ikaw may work ka pa ngayon di tulad ko. Di ako narenew noong january pero di naman dahil sa pagabsent ko. Hayaan mo na lang yung mga nega na tao sa paligid mo. Isipin mo na lang na ang pagttrabaho mo diyan ay hindi dahil sa pagsasama ng ibang tao. isipin mo para sa pamilya/para sa iyo.
Oo ayun din naiisip ko sir. Yung iba hirap magkawork ganun. Kaya blessed padin
 
tamang tambay lang sa phcorner habang nag wowork at home haha at basa manga/webnovel
pero kung ayaw mo na talaga pwede ka naman mag-apply na sa iba para ibang pagsasawaan na naman haha
Hahaha kung ganun lang kadali sir eh, edi why not. Nagpplay safe lang ako kasi pahirapan ngayon 🤣
 
baka naman kasi pareparehas lang talaga ginagawa mo sa loob ng ilang buwan?

kung hindi ka tamad maaari kang sumubok gumawa ng ibang bagay tulad ng pageexercise, or pagaaral magluto, kung di ka pa marunong magdrive pede magaral magdrive, o kaya magtanim ng halaman, magalaga ng pets, kung adventurous ka naman pde ka makyat sa bundok,

now kung ikaw ay isang tamad wala na akong ibang maipapayo maliban nalang sa subukan mo naman iwasan maging tamad

sa nakikita ko kulang ka sa "life" balance
 
Ayun na nga sir eh. May pets ako. Nakikipaglaro ako sa kanila pag medyo stressed na ko sa work. Minsan naman inaasikaso ko sila. Pero ganun padin eh. Tuwing umaga same padin iniisip ko. Haha.
 
kaphokz, mahirap talaga yung ganyang pakiramdam sir, kapag nakakaramdam ako ng ganyan ito ang unang ginagawa ko baka sakaling makatulong, nagsi-set ng mga bagong short term goals sa trabaho at pansarili, halimbawa sa trabaho i-level-up ang skill, mas gawing epektibo yung workflow, magbigay ng bagong ideas sa team, halimbawa naman sa pansarili maglaan ng oras kada araw para sa hilig mo, pagandahin ang katawan, pumunta sa ibang lugar, magdagdag ng bagong kakayahan o kaalaman etc. Napapansin ko naramramdaman ko yan kapag nawawala ako sa direksyon o nalilimutan ko yung mga goals ko kaya focus lang sa direksyon at tandaan ang mga goals para iwas umay sa work.
 
Eto mahirap gawin sir eh lalo na sa pansarili, may app kasi kami for monitoring. Mahirap din maglaan ng time sa ibang gagawin kasi nga nakamonitor. Kahit saglit lang na may gagawin ka madedetect dun kasi nag idle hay hirap hahaha!
 
Ay haha! Kala ko gagawa ng ibang kahit konting activities pag nasa work, Mahirap din sir kasi wala na talagang oras puro OT halos araw araw miski sabado. Matatapos sa OT 11pm na. Sasabihin work from home naman kaya okay lang mag OT ng ganun hehe.
 
Kaya nga mag-set ka ng goal sir yun yung start, kung naooverwhelm ka na sa trabaho eh kausapin mo boss na bawasan yung OT, ilang oras ba workweek mo sir?
 
Similar threads

Back
Top