What's new

Closed About LBC padala patulong naman po

Status
Not open for further replies.

minueh_12

Honorary Poster
May dalawang reseller sa Facebook na nag away dahil sa LBC address Ng Isa (papadalahan Ng items) na hindi mahanap ng kabilang LBC branch (magpapadala ng items) sa kanilang system. Pumila ng mahaba sa mainit na panahon yung friend ko na magpapadala at sinabi sa kanya na walang ganung address o LBC branch na lumabas sa computer kahit ilang beses hanapin. Hanggang sa nag refund na lang friend ko at nag away na sila sa Facebook. Ininstalk ko Yung mga post nila sa Facebook tingin ko pareho silang nagsasabi Ng totoo.
Hindi po ako expert about sa LBC padala na yan kaya gusto ko po malaman kung posible po ba na magkamali ang system Ng LBC? Mayroon po ba sa inyong naka experienced na Ng ganoong pangyayari sa LBC?
Gusto ko lang po makatulong sa kanila para di na mauwi sa demandahan ang away nila.

Salamat mga ka PHC!
 
May experience akong ganyan nung umorder ako online. LBC branch pickup yung delivery. Ang sinabi ko sa seller ideliver sa LBC Puregold Commonwealth tapos ako na lang mag-pickup. Ang nangyari napunta yung package sa LBC Puregold Quezon Institute. From eastern part ng QC nadeliver sa western side. Nagbayad pa ulit yung seller para ipa-deliver ulit sa tamang LBC Puregold branch pero nangyari nadeliver naman sa LBC Puregold Fairview. Hahahahaha! Nag-taxi na lang ako kasi malapit na rin ako sa Fairview.

So ayun maikling sagot sa tanong mo uu pwede magkamali. Nalaman ko na lang later on may specific code ang bawat LBC branch. Kung magpapadeliver ka, mas maganda tanungin mo sa LBC yung code sa branch na choice mo tapos iyon ang ipalagay mo sa seller sa delivery details.
 
Salamat po sa info
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top