What's new

Help About globe.

Mark Fredgie

Decade member
Elite
Hello po, nag avail po kami nang globe wifi last year tapos hindi na namin binayaran pagka next month dahil mahina yung internet connection tapos pinutol ni globe yung connectiom namin. Tapos ngayon po may na recieve kami na email na idedemanda ho kami pag hindi namin nabayaran ang balance namin eh hindi naman namin nagamit yung wifi. Totoo po ba to na magtake action ang globe nito? Salamat mga ka phc.
Screenshot_20210319-062006_Gmail.jpg
 
Attachments

Hindi na mismong Globe 'yan. Collections agency na ang naniningil sa inyo. Ibinenta na ng Globe ang utang ninyo sa agency tapos kikita ang agency kapag nakasingil sa inyo. Kaya gagawin ng mga 'yan, mangungulit, manghaharass, ipapahiya kayo sa kapitbahay at mga katrabaho ninyo hanggang sa mapilitan kayo magbayad. First step lang lagi iyang demand letter. Dapat nga sa proper snail mail pinapadala 'yan eh.

Sobrang labo kayo idemanda ng mga 'yan. Civil case lang din 'yan kung sakaling idemanda kayo. Walang kulong, walang record sa NBI. Blacklisted lang kayo sa Globe at sira ang credit rating ninyo. Kung halimbawa lang mag-apply kayo ng loans sa bangko, pwedeng lumabas ang record na iyan at madeny ang loan applications ninyo.
 
Nakaranas din po ba kayo nito? Pwede bang hindi nalang ito pansinin?
 
Hindi ko pa personal naranasan yung masingil at maharass ng collections agency kasi up to date naman ako magbayad ng Globe postpaid at credit card ko pero may mga kaibigan, officemates at kapitbahay akong nakaranas na ng mga ganyan. Uu pwede mong hindi na pansinin mga 'yan. Good luck kasi depende sa diskarte at sipag ng mga naniningil 'yan kung susuko sila agad. Mag-search ka lang rin dito ang dami ng tanong at sagot sa parehong concerns sa mga utang.
 
Normal lang yan kasi kahit di nyo nagamit wifi umaandar parin ang singil sa inyo, umaandar parin yung bayarin dyan kahit dedo na ang pinakamaganda dyan talaga ssa mismong globe kayo mag appeal para malaman nyo kung ano gagawin nyo.
 
Similar threads

Back
Top