What's new

Closed Pano ba makaiwas sa temptations

Status
Not open for further replies.

Raven23rd

Eternal Poster
Joined
Dec 12, 2016
Posts
411
Reaction
1,082
Points
277
Age
25
ganto kasi un may girlfriend ako ngayon mas matanda sya sakin tapos ok naman na kami magt-3years na kami nag sasama ako kasi 21 yr old na binata at lapitin pa ng mga tukso


di naman kagandahan gf ko pero mabait naman sy at maalaga

kaso one day may babae na nakachat ko lang sa fb lam mo ung naguusap na kami palagi without flirting parang compatible lang kasi mga ugali namin kumbaga parang complement kamisa isat isa ganun pag naguusap kami parang masaya na di mo maexplain pareho kaming weirdo hanggang sa slightest na simpleng bagay napaguusapan namin natutuwa na kami


aaminin ko mas maganda sya(di ko maiwasan mag compare eh) tas tinatamaan ako sa ganda nya unlike sa current gf ko ngayon di kami vibes kasi age gap


ask ko lang may maipapayo ba kayu sa ngayon healthy pa naman relationship namin ng gf ko kaso iba nagiging epekto sakin nung babaeng un


gusto ko sana maalis sakin temptations na nararamdaman ko kasi auko makasakit kaso parang ambigat ng mga what if's na tumatakbo sa isip ko

I know mali un sana matulungan nyo ko
salamat po
 
Sabihin mo sa gf mo ....
For sure mawawala yang temptation na yan mahal mo yang gf mo diba ? Sabihin mo may nag papagabag sa isip mo .. At kung sa online mo lang naman nakilala yang ka chat mo wag mo na ientertain wag mong ipag palit yung nakasama mo na sa personal sa hinde mo pa kilala sa totoong buhay napaka toxic ng ganyan ..

You know what .. Nagagandahan lang pala ung dahilan mo eh ... Wag mong sabihin na kesho compatible kayo etc.. Bakit ung current mo ba noong bago palang kayo hinde ka ba sumaya at inisip yang iniisip mo ngayun sa kachat mo ? Theres no way na hinde
 
Last edited:
Wag muna masyadong replyan, nag crecreate ka kasi ng topic.

Masaya ka naman sa gf mo diba?
 
wag kang ganyan umiwas ka kung maari may jowa kana nakikipag ahasan ka pa tigilan mo yan.
 
Mag-iingat ka sa mga nakikilala mo on-line lalo't sa panahon ng teknolohiya ngayon, napakadali na lang ang panloloko. Kapag nagsimula na 'yang manghingi sayo ng kahit anuman lalo na ng pera magduda ka na baka scammer pa 'yang ka-chat mo pre. Kung talagang mahal mo ang gf mo walang sinomang babae ang makahihigit sa kanya. Napakababaw ng dahilan mo na "di kayo vibes kasi age gap". Kung ganyan ang tingin mo sa kanya mas makabubuting hiwalayan mo na sya habang maaga pa kesa masaktan mo ang damdamin nya. Ba't di mo balikan ang dahilan sa simula kung bakit mo ba minahal ang gf mo? Saka ka magdesisyon ng nararapat mong gawin.
 
Last edited:
Makuntento sa kung anung mayron ka bago mawala ang lahat ng bagay na minahal mo noong una. Dapat mong tandaan iba't iba ang kasiyahan may pang matagalan at may panandalian, so san ka? Pili 😂 Ang paglalandi ay wag maging gamot sa anumang uri ng kati at hindi lahat ng tao nabibigyan ng opurtunidad na may kapareha sa buhay. Don't waste your time for such a quick type of happiness it is a g@mbling that you win but a lot of losing. 😂
 
Simple. Gusto mo bang makita ang sarili mo sa TV? Yung tipong maraming magsheshare ng videos mo?
Ituloy mo na pakikipagchat mo sa kanya! Welcome na welcome ka kay #tulfoinaction

Kung ayaw mo naman, syempre stay faithful not loyal.
 
Wag mong ipag palit yong taong nag mamahal sayo don sa taong kakakilala mo lang. maliban nalang kung kaya mong saluhin yong consequences ng ginagawa mo.
For example: hiniwalayan mo yong current GF mo dun sa isa, tapos nung naging kayo nong isang babae iniwan ka niya kase hindi pala ikaw yong tipo ng lalaki na gusto niya. yong mga ganon.

Men are visual beings, natural lang yan na kapag may babaeng lumalandi sayo ee pakiramdam mo na gusto mo narin siya.

Its a trap, kaya ingat hahaha.
 
Gusto mo nang Real Talk? Ganito yan. Kung mahal mo gf mo di ka na maaattract sa iba. Gets mo? Pwede kang magandahan sa iba pero to the point na icocompare mo yung gf mo sa kakakilala mo lang? Maling mali yan pre. Aminin mo man o hindi. Hambog kang kupal ka. Sasayangin mo yung 3 years nyo nang gf mo para lang dyan sa maganda. Tandaan mo ang ganda kumukupas yan. Paano pag hindi na maganda yan? Edi wala na? Makipag break ka na jan sa gf mo halatang hindi mo na mahal. Kawawa lang yan kung pagpapalit mo. Sayang gf mo napunta sya sa maling tao.

21 ka na pre dapat yung utak mo pagdating sa relasyon dapat matured na. Ayusin mo muna decision making mo bago ka pumasok sa isang relasyon.
 
Last edited:
di ka pa matured para sa seryosong relasyon, di ka pa ready, para sakin, maging single ka muna, para wala ka muna masaktan. konting pitik, aaray ka na agad, pano pa pag nasuntok ka. mas ok kung ipahinga mo muna sarili mo, be better and mature first.
 
Gusto no ng Real Talk? Ganito yan. Kung mahal mo gf mo di ka na maaattract sa iba. Gets mo? Pwede kang magandahan sa iba pero to the point na icocompare mo yung gf mo sa kakakilala mo lang? Maling mali yan pre. Aminin mo man o hindi. Hambog kang kupal ka. Sasayangin mo yung 3 years nyo nang gf mo para lang dyan sa maganda. Tandaan mo ang ganda kumukupas yan. Paano pag hindi na maganda yan? Edi wala na? Makipag break ka na jan sa gf mo halatang hindi mo na mahal. Kawawa lang yan kung pagpapalit mo. Sayang gf mo napunta sya sa maling tao.

21 ka na pre dapat yung utak mo pagdating sa relasyon dapat matured na. Ayusin mo muna decision making mo bago ka pumasok sa isang relasyon.
******* sana ganito magisip jowa ko ngayon. Ayun naghahanap ng katext. ******* talaga
 
Pambihira, sa subject plang ng post nya alam na pla nya na temptation , so dapat iwasan.
Wag mong sirain ang lahat, baka madamay pa kmeng mga lalaki kapag naging bitter ang gf mo ngeun, sasabihin nyan " pare-pareho lang mga lalaki, manloloko " ng dahil kc sa mga ganitong instances nasisira ang image ng mga lalaki. Hindi mo na sya dapat niligawan pa kung ganito lang din nman kahina bayag mo, maliit na temptation plang yan how much more kung malaking problema na kakaharapin mo. Umayos ka TS. Period.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top