What's new

Help Yung dog ko ang gusto kainin ay cat food

Exploring_79

Eternal Poster
Joined
Oct 17, 2018
Posts
865
Reaction
232
Points
352
Di ko na alam gagawin ko sa aso ko.shar pie ang breed niya. Cat food naman ang gustong kainin. Pag nalingat lang ako sa tingin ahay andun sa mismong pinagkakainan nung pusa. Ayaw na niya yung dog food niya. Tinitxt ko yung vet niya di magreply, naiinis na ako sa vet. Di din matawagan. Namatay na ata sa coronavirus.
 
Last edited:
thats ok vice versa naman sila eh yung dogfood nga namin trip na trip ng mga pusa namin.if may breed magisip ka nang ikalawa
 
Ang aso po ay may sariling panlasa rin tulad natin o kaya ay naaakit kung nakikita niya yung kasama niyang hayop ay maganang kumain sa kanyang kainan. Pagtiyagaan mong turuang ibalik yung nararapat niyang kaining feeds. Haluan mo yung cat food ng dog food. Dahan-dahanin mong obserbahang mabuti kung saan siya kakagat sa method na ito. Food training lang po yan. Yung iba nga, ginugutom talaga para mapuwersang kumain he he. Bigyan mo rin siya ng tsansang kumain ng ibang klaseng pagkain tulad ng gulat, prutas at iba pa na safe para sa kanya.
 
May mga dahilan siguro kung bakit ganon. Suriin mo muna kung ano ang pinagkaiba ng catfood mo at kasalukuyang dogfood ng aso mo. May pinagkaiba ba sa amoy, sukat, kulay, pagkakagawa(gawa ba ito sa karne o gulay).

Baka gusto ng aso mo ung maliliit na pellets, or baka naman di niya gusto ung amoy. Subukan mo hanapan ng iba. Wala naman masama sa dahan dahan.

Parang tao din yan.
Mayroong may gusto ng maliit. Meron din sa malaki. Maamoy man o hindi. Basta ang importante. Ito ay malinis.
 
Baka gusto nya ng wet food naman. At tsaka, parang mas flavorful yata cat food. Yung pug/poodle na aso ng kapitbahay ko gustong gusto nya yung dry catfood ng miming ko. Pero yung miming ko, ayaw kumain ng dog food.
 
Back
Top