What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Globe Modem Model: B312+939

Harnese

Forum Veteran
Established
Joined
Dec 20, 2016
Messages
2,771
Reaction score
1,124
Hi mga ka-PHC!

Naka-WFH (Work from Home) ako ngayon. Bali kasama sa binigay ay yung Globe at Home Prepaid Wifi ni Globe bukod sa workstation (unit) na gagamitin namin. Ang kinaaasar ko lang, sobrang bagal nito. Medyo bumibilis lang pag madaling araw na kung saan normal naman talaga kasi mas marami nang tulog at hindi na gumagamit ng Internet.

Sinubukan ko mag-download ng less than 100MB na file sa phone ko gamit yung data ko. Mga bandang 4AM na yun. Halos nasa 1MBPS lang download speed nung wifi. Yung sa phone ko, napalo pa ng nasa 2-5MBPS. Na-try ko pa mag-speed test sa site na 'Fast.com' nang bandang 2AM, 50 KBPS ang resulta. Lahat na ng mura, maimumura mo na. Hahaha.

Ganito ba talaga 'to? Parang gusto ko na lang tuloy tanggalin yung SIM card tapos ipasak sa phone ko kaso matatanggal yung warranty at mayari ako sa kumpanya 🤦‍♂️

Ano kaya pwede ko pang gawin para kahit na papano ay mas mapabilis ang koneksyon nito? O tanggapin ko na lang ba talaga na ganito na yung modem na ito.

TL/DR: Nasa Manila area ko. Ang bagal nang pisting modem na 'yan. Parang gusto ko na lang magpakabit sa Converge kahit yung FiberX Plan 1500 na 25 MBPS nila 🤔

Edit: Konting ayos lang.
 

Online statistics

Members online
723
Guests online
1,172
Total visitors
1,895

Forum statistics

Threads
847,800
Messages
15,019,879
Members
1,368,539
Top