What's new

Closed Langitngit ng Papag

Status
Not open for further replies.

lefthander

Honorary Poster
Joined
Feb 22, 2020
Posts
290
Reaction
95
Points
141
Malalim na ang gabi
may mangilan ngilang hiyaw
na sinasabayan ng hangin
naghahampas ng ginaw

Pinagbuklod ang palad
upang makawala sa lamig
na nagtatakip ng karanasang
nagdadarang sa tubig

Katahimikan ang nagyakap
kahit ang buwa'y maliwanag
At ang tangi lamang maririnig
ay ang langitngit ng papag.
 
Hi! Welcome sa PHCorner

Pabasa nalang ng naka Pinned na Rules , thanks

Sir pa inform naman po kung anong rule ang di ko nasunod..
hindi ko po kasi alam :)
and i was reading the rules.
if hindi po siya pwede eh baka pwede pong pa delete nalang.
 
Sir pa inform naman po kung anong rule ang di ko nasunod..
hindi ko po kasi alam :)
and i was reading the rules.
if hindi po siya pwede eh baka pwede pong pa delete nalang.
Meron ba? Wala sa tingin ko, baka pinaalalahanan ka lang niya as newcomer dito sa rules. Makikita yun below 👇sa site na ito.
 
Gawa ka bago. Ito title na ibibigay ko sayo part 2 nyang ginawa mu. "ang nabulabog na surot"

Bawat sandali'y ninamnam
na walang nasang mapalagpas
ang haplos ng mga pawis
na sa lamig pumupunas

sa indayog ng papag
tila yata may dumaraing
ang tatas ay paggambala
sa kanyang pagkahimbing

walang tigil sa paglalaro
maski sa lilim ng kumot
hudyat upang makisalo
ang nabulabog na surot
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top