What's new

Closed Sa Paliparan

Status
Not open for further replies.

lefthander

Honorary Poster
Joined
Feb 22, 2020
Posts
290
Reaction
95
Points
141
Akay akay ay maletang, pinagtagpi ng pangarap,
Sinulsi ng pag-asang, mag-aangat sa hirap.
Ang nilalama'y, mga buhay at pangalan
na inaalayan ng ginhawang, noon pa'y inaasam.

Ikinukubli ang lungkot, sa ngiting matamis
upang di mawari, ng pamilyang naghahatid
subalit sa sarili'y, di halos maisilid
ang pangungulilang, naglalaro sa ******

Ipinikit ang mata, nang maiwasang mangilid
ang nagbabadyang luha, sa pisngi ay uukit
sinasambit mga bilin, ng garulgul na tinig
at mga paalaalang, ilang ulit ng inawit

Isang huling yakap, sa anak na kinalong
na di pa batid, ang buhay na papadaong
at sa maybahay, yapos, halik ang pinabaon
na di matitikman, ng ilang buwan o taon.

At di na mapigilan, kahit pilit pang naisin
umabot na sa sandaling, sadyang lilisanin
at tanging alaala, ang sya muna ng aakapin
patungo sa ibang bayang, di alam ang sasapitin.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top