What's new

Closed Gordon hugas-kamay sa pinadalang 3M face mask sa China

Status
Not open for further replies.
Tila naghugas-kamay si Senador Richard “****” Gordon sa isyu ng pagpapadala ng Philippine Red Cross (PRC) ng mahigit sa tatlong milyong face mask sa China sa gitna ng outbreak ng novel coronavirus.

Ginawa ni Gordon ang pahayag matapos batikusin ng netizen kaugnay ng hakbang nitong magpadala ng face masks sa China sa kabila ng pagkaubos ng suplay nito sa mga tindahan sa bansa.

Nauna rito, inulan ng batikos mula sa mga netizen ang naturang hakbang ni Gordon.

Hamon ng Twitter user na si @ArbetBernardo kay Gordon, chairman ng PRC, mamigay ito ng libreng face masks sa mga Pilipino.

“Eh you sent 1.4 million face masks to a country that probably can fend off for itself, while your own countrymen can’t buy a single face mask right now. I dare the PH Red Cross to give 1 face mask to each Filipino. Now,” tweet nito.

Nairita naman si Twitter user @wawam kay Gordon dahil proud aniya ang senador sa pagtulong nito sa China at hindi sa kanyang mga kababayan.

“@DickGordonDG a senator of the PHL and chief of the PHILIPPINE Red Cross had 3.6M face masks to China. and he was so proud of it. in the meantime, pinoys in the PHL can’t find face masks to buy. Gordon’s priority is China, not the PHL.”

Mistulang nagpa-hero naman umano si Gordon sa China, ayon naman sa Twitter user na si @Maree_Therese.

“In Iloilo, face masks are no longer available. Manila, Cebu, Dumaguete pa kaya? **** Gordon na nagpa-hero sa Tsina, maglabas ka ng masks na hindi n’yo nilabas nung Taal eruption pero nailabas n’yo para sa China,” sabi nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.


1580709003939.png



1580709039090.png
1580709064810.png
 

Attachments

there's no right or wrong in helping people, kung my maitutulong ka gawin mo! Pati pa naman tulong kinukwestyon mo? tao ka ba? o sadyang makasarili ka lang? kahit di nila kailangan yung tulong natin! as a person or magpakatao ka naman kahit isang sigundo lang it is our right or responsibility na tumulong sa mga nangangailangan!
Halimbawang may nakita at nabasa kang maganda at positive sa mga group/ samahan/ government officials/ individuals etc, o sa madaling salita ay mga taong kinamumuhian o madalas mong hanapan ng pagkakamali! Ipo-post mo din kaya ito? Natural hindi, kasi nga ang mas binibigyan mo ng diin o ang mas tinitignan mo ay yung pagkakamali nila! Subukan mong timbangin! Aminado ka naman na corrupt at madaming anumalya yung mga nag daang administration, sino sa mga ito o sino sa kanila kung susumahin ang higit na nag bigay ng totoong tulong at patuloy na pag asa sa mga mamamayang Pilipino? Kung hindi mo lang naman masasagot pwede bang sa halip na mag post ka ng ganyan ay gawin mo na lang ang parte mo sa real world?
Hindi na nga pala nya makikita mga comments ko, kasi nai ignored na ako ni ts :D, sarap sanang makipag talastasan sa kanya
 
I have no idea on how you got to this conclusion but it's expected, coming from one dut's apologizer (I know you are going to tell me that you are not a dut's supporter :ROFLMAO:)
yes i am duterte supporter...but which comment/s am i implying regarding supporting duterte? lahat ata ng post ko based on RELIABLE SOURCES. and you?
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top