What's new

Closed GOOD NEWS FOR CORONAVIRUS.

Status
Not open for further replies.
Guys.Share ko lang nabasa ko sa mga nagkalat na balita tungkol kai coronavirus..
Ayun sa pagsasaliksik ang coronavirus ay napapatay nang 75%proof *******.. And Good News. Si Tanduay ay may 80%proof *******..
So pag may naramdamang Symptomas ni corona. Ubo,sipon,lagnat,hirap sa paghinga. .
Tumagay na para makapaniguradong Ligtas ka.

keep safe everyone. This are some proof of news
 

Attachments

ts kapag nasa lungs na ang nCoV virus e wala naring silbi si tanduay kasi di naman yata pwedeng pumasok ang tanduay sa baga natin kapag tumatagay. baka siguro kapag nasa throat palang natin yung virus e pwede pang ma kill ni tanduay hahaha
 
Pwede yang gawing kwento sa KMJS at mahilig sila sa ganyan he he. Ang ******* naman talaga ay disinfectant ng kahit anong germs o virus. Panlinis yan in short (sa labas ng katawan) as sanitzer or disinfectant, pero hindi 100% effective. Kung iinom ka ng alak, malalasing ka lang he he. Tungkol doon sa theory ng temperature. Tama din po yan. Ang mga virus ay tumatagal na potent to infect tuwing malamig ang panahon, tulad ng winter kaya malaki ang tsansa na makahawa. Nagiging rubbery kasi sila at may protective layer kaya tumatagal na mabisa pa rin ang virus sa ganyang environment ng matagal - pero namamatay din kalaunan depende sa temperatura. Kapag mainit naman ang panahon, siya ay parang likido at natutuyo kaya umiikli ang panahon niya bilang isang nakakapinsalang virus. Sa katagalan ay namamatay ng kusa o nawawala ang bisa. Common knowledge po yan sa virology. Kaya kapag mainit ang panahon, madaling humina ang bisa ng virus at madali silang namamatay, pero depende din yan sa type ng virus. May tumatagal ng minuto, oras at araw. Ang nakakahawa talaga ay yung fresh na microbes or infectous agents na galing sa isang infected na tao tulad ng dumi, plema, dura, hatsing, atbp...Basta hindi yan pumusok sa katawan ng ibang hosts (tulad natin) ay safe tayo.
Sa timeline ng SARS as an example, makikita natin yung klarong development niya at pagkawala ayon sa panahon sa 6 months span - kaya the theory is correct. Kahit walang vaccine ang SARS bigla siyang nawala bago pa man magpasa ng test trial vaccine dahil natagalan sila sa genome sequence detailing - na di naman natuloy dahil naglaho na yung SARS. Ngayon lang ulit sila nagpatuloy dahil sa nCoV. Sana po ay may natutunan kayo dito.
so? maliit pala ang chance na mahawaan tayo dahil mainit ang panahon sa pilipinas
 
so? maliit pala ang chance na mahawaan tayo dahil mainit ang panahon sa pilipinas
Hindi po yon eksakto na tinutukoy ko pero the logic is correct. Ang chance nating mahawa dyan sa virus ay sa exposure sa secretion galing sa infected (sa mainit o malamig mang panhon) - kaya po sinasabing avoid direct contact. Yung panahon po ay isa lamang "factor" kung papaano tumatagal o umiiksi ang buhay ng virus sa ating kapaligiran. Paglabas po nyan sa katawan ng infected, mas lumiliit ang tsansa na makawa yan sa iba (yung potency) kung mainit ang panahon at sa tagal niyang nakalantad sa initan, kaysa sa malamig na panahon. Ang pinupunto ko po, may lifespan din po ang potency ng mga microbes tulad ng virus kapag inilabas sa katawan - pwedeng minuto, oras (tulad ng HIV), araw o taon (tulad ng smallpox). Ang virus po ay aktibo lamang sa loob ng katawan ng isang host (infected man o hindi, tao man o hayop). Pero wala pa pong pag-aaral kung gaano tumatagal ang 2019-nCoV sa ngayon base sa temperatura o panahon, pero sa preliminary na pag-aaral sa "pinsan" niyang SARS ng CDC ay tumatagal sa environment ng ilang araw. Sa totoo pong depenisyon, hindi namamatay ang virus dahil wala namang silang buhay, bagkus nangangailangan sila ng isang host o katawan para mag-hijack ng genetic instructions doon para maging aktibo.
 
marami lang nagpapakalat ng fake news kaya maraming natatakot
He he, sinabi mo pa bosing. Paano kasi, i-type mo lang sa google, YøùTùbé, atbp. ngayon yung "coronavirus", nasapawan na ng samut-saring balita patungkol dito ngayon - di tulad noong wala pa yang bagong variant. Puro half-truths at mga walang basehang kaalaman ang naglabasan. Mahina yung mode of information transfer ng ating gobyerno (matipid, bitin, magulo), maging ang media ganyan din kaya and tao nabalisa. Parehas lang ito ng SARS epidemic pero parang di pa rin nila alam mag-handle sa sitwasyon. 'Tamo, pati paggamit ng masks nauso dahil sa maling akala.

Yung human coronaviruses ang nakakahawa sa tao kabilang na yang 2019-nCoV, SARS, MERS, SADS, atbp. The rest is only infectious to animals-animals. Kung "coronavirus" as a whole ang pinag-uusapan dito sa Pilipinas, maraming paniki at hayop sa Pilipinas na meron niyan noon pa man, pero hayop sa hayop lang ang transmission. Eh di sana noon pa ay may mga variant na tayo ng human coronavirus infection sa dami ng kumakain ng exotic wildlife hanggang ngayon. Yung SARS at 2019-nCoV ay isang "freak of nature" specifically sa region ng China kaya ngayon lang lumabas sa mundo. Tama po, reservoir ang isang klase ng horseshoe bats sa China sa kinatatakutang nating viruses, pero wala pang ebidensya/conclusion na ito ay bat-human transmission. Misteryo pa rin yan hanggang ngayon. Kaya klaruhin muna natin ang mga balita.

Walang pang vaccines ang mga yan kaya tanging isolation and quarantine lang ang panlaban sa kasalukuyan. Para yang apoy, na ang tao ang gatong, at mawawala lang kung wala ng susunugin - assuming wala pa rin gamot para dito. Yan dapat ang isaisip natin. We can't assume this in general pero SARS (the closest genome of 2019-nCoV) died a "natural death" the way viruses appear and disappear - yan po ang totoo. Pero mas mainam kung may matuklasang gamot para di tumagal ang epidemya ng marami, di makapinsala at di na umulit pa.

Sundin lang natin yung dapat gawin ayon sa mga nakakaalam tulad ng WHO, CDC, CCDC at mga mismong nag-aaral sa sakit na ito - hindi yung second-hand sources.
 
Ito po yung legit po sa ngayon:
1. "remdesivir" by Gilead
2. chloroquine
3. lopinavir/ritonavir (plus a dose of nebulized alpha-interferon)
Iyang 3 lang po ang pumasa out of 30 drug candidates as antiviral drug and is continuing clinical trials sa China at ibang bansa. Pero wala pa ring vaccines. Ito yung pag-asa if approved for general consumption.
 
nalito ako
sa first pic 75% of *******. tapos sa third 75% proof of *******.. magkaiba naman ang dalawang yan eh.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top