What's new

Closed Matuto Tayong Magpatawad. Mga Payo ng Biblia.

Status
Not open for further replies.

latred

Addict
Joined
Feb 16, 2016
Posts
90
Reaction
68
Points
91
Matuto Tayong Magpatawad. Mga Payo ng Biblia.

Hindi talaga maiiwasan minsan na kapag ang isang tao ay nakagawa ng kasalanan sa atin lalo na kapag masamang-masama na yung ginawa niya ay ang hirap magbitaw ng pagpapatawad sa taong yaon.

Pero bilang mga tagasunod ng ating Panginoong Hesus paano ba natin patatawarin yung mga taong nagdulot sa atin ng sama ng loob, mga pang-aapi, pang-alipusta o pananakit pisikal?

Instinct na kasi sa tao na kapag ang kapwa nakagawa ng kasamaan sa kanyang kapwa ang reaction ng taong nasaktan ay ang makaganti. Nawawala sa control ang tao, may mga tao na mainitin ang ulo...madaling magalit halimbawa may sumuntok sayo ang agad na papasok sa isip mo ay suntukin din siya pabalik..ang iba pa nga sa tindi ng galit nakakagawang kumitil ng buhay eh.

Ang isang Kristiyano ay hindi dapat malungkot o magalit kung ang kapwa ay makagawa ng kasalanan bagkus dapat pa ngang maging masaya, yan ang turo po sa amin galing sa diwa ng Biblia. Parang iisipin niyo na.. Kalokohan yata yun na ginawan ka nga ng masama, nagkasala na nga sayo ay magiging masaya pa ang reaction natin?.

Ganito po ang paliwanag ng turo na kung ang isang tao ay nagkasala laban sayo ito ay isang opportunity na binibigay sayo ng Dios para magpatawad ka. Kasi ang kasunod na iisipin mo bilang Kristiyano kapag nakaranas ka ng ganun ay ang magpatawad.

Bakit po?...

📖 Mateo 6:14 - Sapagka't kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan.

Sabi po ng Panginoon pag pinatawad mo ang tao sa kanilang mga kasalanan patatawarin ka rin ng Dios Ama. Kaya kapag ang isang tao makagawa ng kasalanan sa atin ay mabuti po yun kasi may opportunity ka na magpatawad at kapag nagawa mong magpatawad ang Dios Ama naman ay makakahanap ng opportunity na patatawarin ka rin Niya sa iyong mga kasalanan.

Kaya sa ating sariling pakinabang pa rin kung magpapatawad tayo kasi kapag nagpatawad ka binibigyan mo ng opportunity ang Dios Ama na patawarin ka rin pero kung hindi ka naman magpatawad ay tinatanggal mo ang pagkakataon na patawarin ka ng Dios Ama sa iyong mga kasalanan. Bakit?...basa po tayo sa kasunod na verse:

📖 Mateo 6:15 - Datapuwa't kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan.

Sabi kapag hindi ka nagpatawad hindi ka rin patatawarin kaya kapag binigyan ka ng chance na magpatawad at nagpatawad ka sa mga taong nagkasala sayo ay binigbigyan mo ng chance ang Dios Ama na patawarin ka rin. Yun ang gusto niya sa atin na matuto po tayong magpatawad para patawarin tayo, pinapraktis ng Dios ang Kanyang Hustisya.

Napakahirap po talaga magpatawad pero kailangan nating sumunod sa utos ng ating Panginoong Hesus, sa halip na magalit tayo sa mga taong gumagawa sa atin ng pagkakasala ay mas dapat na lalo tayong matuwa kasi pagkakataon na po natin yun na tayo ay mapatawad din naman ng ating Dios Ama kung sila ay ating patatawarin.

Baka sakaling may magtanong saan sa biblia na... ginawan ka nga ng masama, nagkasala na nga sayo ay magiging masaya pa ang reaction natin?.

Ito po.

📖 Mateo 5:11 - Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.

📖 Mateo 5:12 - Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka't malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka't gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.

"Lahat tayo nagkukulang at nagkakamali, ang kailangan lang lagi tayong nakahandang magpatawad".

"Forgive and Forget."
Ganoon magpatawad ang Dios.

📖 Hebreo 8:12 - Sapagka't ako'y magiging mahabagin sa kanilang kalikuan, At ang kanilang mga kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa.

Salamat sa Dios.
 
Last edited:
sa (#1#) kung ganito ang situation paano mo magagampanan ang pag kalimot at pag patawad kung yung taong pinatawad mo ay hindi ka pa napapatawad at patuloy kang ginugulo??
⇩kung babasahin niyo yun ⇩

paano naman kung

may dalawang christians
True Story the story of Baboy1 and Banana2

nuong unang panahon b1 a christian offended b2 kaya ni offend niya si b2 na offend din si b1 kay b2 pero si b2 hindi alam na na inis si b1 sa kanya at dahil sa ganito ang pangyayare hindi nag sorry si b1 hindi rin nag sorry si b2

dalawa sila patuloy na nag iinisan hanggang sa dumating sa pina Diyos nalang ni b1 pinatawad na niya si b2 at kinalimutan na ni b1 ang ginawa ni b2 pero si b2 patuloy parin sa pag atake (#1#) hanggang sa mapuno si b1 kaya si b1 gusto niyang kausapin si b2 kaya solution ni b1 upang mag simula ang paguusap ni inis din niya ulit si b2 hanggang sa napuno si b2 parang bulkan na sumabog muntik na nga nag suntukan sina b1 at b2 hindi expect ni b1 na ganun magagalit si b2 ngayong si b2 ang madalas mang asar pero dahil sa maka Diyos si b2 na suppress ni b2 yung galit niya at nag walk out at umuwi ng bahay iniwan si b1 nakatulala at nararamdaman ang unfairness

hanggang sa nagkaroon ng truce at balik sa dati na parang walang nangyare at nag kausap narin sina b1 at b2 dahil sa situation nakapag open up si b2 at ganun din si b1

pero akala ni b1 ayos na ang lahat pero ito na nga daw ang naging tema sabi ni b1 balik sa dati parang walang nangyare iniinis parin ni b2 si b1 at si b1 naman hinahayaan nalang si b1

hanggang si b2 lumayas na sa compound ni b1 maka lipas ang ilang months na wala si b2 sa compound ni b1 bumalik na sa dating maligamgam na pakikitungo si b2 kay b1
 
Nasa kargo na ng tao yun kung hindi nagpapatawad sayo.

As long as ikaw ay marunong magpatawad nagawa mo na gampanan mo bilang cristiano. At nagawa mo kalooban ng Dios.

You Quote: sa (#1#) kung ganito ang situation paano mo magagampanan ang pag kalimot at pag patawad kung yung taong pinatawad mo ay hindi ka pa napapatawad at patuloy kang ginugulo??
⇩kung babasahin niyo yun ⇩

May mahaba na senaryo dun abwt B1 at B2 pero kuha ko punto mo.

Ganto yan kaibigan...

Sa paano ba natin dapat mapapatawad ang isang tao?

Unang una kung ang tao ang nagkakasala sayo, at napatawad mo na siya eh dapat gumawa ka ng mabuti... Sa paanong gagawa ka ng mabuti?

Merong kang gampaning gagawin sa taong pinapatawad mo. Ano yun?

📖 Roma 12:21 - Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama.

Dadaigan mo ng mabuti sa taong gumagawa sayo ng masama.

Ibig sabihin gagawan mo ng kabutihan, at gagawa ka ng mabubuting gawa sa harap nya. Hindi ka gaganti ng masama. Hindi ka magpapadala sa ganti ng masama. Bagkos magpapakita ka ng kabutihan sa kanya.

Halimbawa yung nakaalitan mo ay nagkaroon ng kagipitan sa buhay at nangangailangan ng tulong. Kung may pagkakataon na makatulong ka eh tulungan mo.

Siya'y sumasaklolo, Ikaw na nakaluluwag eh di tulungan mo. Kahit sa mga simpleng bagay basta ang igaganti mo ay mabuti.

Pagka nakita nya yung kabutihan mo, yung singalot sa puso ng nakaalitan maaring humupa yun eh, magkakaroon yun kapayapaan sa puso nya sa harap mo. At sa ganung paraan dun magaganap yung pagpapatawad sa isa't isa.

📖 Roma, 12:17 - Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao.

📖 Roma, 12:18 - Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao.

📖 Roma, 12:20 - Kaya't kung ang iyong kaaway ay magutom, pakanin mo; kung siya'y mauhaw, painumin mo: sapagka't sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kaniyang ulo.

Pansin mo sa roma 12:20?
Kung ang kaaway mo magutom? Pakanin mo. Kung siyay mauhaw? Painumin mo. Ibig sabihin tulungan mo gumawa ka ng mabuti sa nakaalitan mo. Makikita mo, yung galit at poot sa damdamin huhupa yan na gaya ng apoy na humuhupa kapag pinalalamigan. yung init ng ulo, mawawala.

Sana naunawaan mo.

Atsaka ipray mo sa Panginoon yung taong nakaalitan mo na magkaroon kayo ng kapayapaan.

Pagpapala ibibigay mo hindi pagsusumpa.

📖 Roma, 12:14 - Pagpalain ninyo ang mga sa inyo'y nagsisiusig; pagpalain ninyo, at huwag ninyong sumpain.

Makikita mo sa Panalangin na may sincere, Sa tulong at awa may kapangyarihan ang Dios na hipuin ang puso ng bawat tao.

📖 Mateo, 5:44 - Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;

📖 Mateo, 5:45 - Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.

Salamat sa Dios.
 
Salamat sa Dios.
amen
first po hindi ito bromance kundi brotherly love kahit hindi kami magkapatid talaga siya na una nagsabi na parang kapatid na niya ako
tsaka po straight ako unahan ko na kayo yung mga eepal(basher) jan
#2#bully po ako dati

naramdaman ko narin kasi yung na feel niya sakin "di porket tumaas ka ng konte kaya mo na ako wala kang kaya sakin dati wala ka parin kaya ngayon.. kaya wag kang maangas kundi makikita mo hinahanap mo" ayun may binugbog ako dahil sa reason nato "ganito rin yung feelings niya sakin na pinaliwanag niya in a riddle" pero na pigilan niya ako hindi

bagkus daigin mo ng mabuti ang masama.

Dadaigan mo ng mabuti sa taong gumagawa sayo ng masama.

Ibig sabihin gagawan mo ng kabutihan, at gagawa ka ng mabubuting gawa sa harap nya. Hindi ka gaganti ng masama. Hindi ka magpapadala sa ganti ng masama. Bagkos magpapakita ka ng kabutihan sa kanya.
thank you po gets ko na try ko po pag nakita ko siya malayo na kasi kami physically and spiritually
mabubuting gawa sa harap nya
ah eh sa pag kakatanda ko po nagawa ko na ito kaya lang nagpapapansin nga ako sa kanya para hindi niya ma misunderstood yung ginagawa kong kabutihan yun na nga kaya lang binigay sakin na situation ay ako na nag papakitang tao(tinutulungan nga kita pero bakit hindi mo makita na tinutulungan kita kundi nakikita mong pinagloloko kita) pero hindi naman makita dahil nga dun sa situation kaya talagang hostile siya sakin pero dati yun(siguro till 2019 early december) ngayon hindi na masyado malamig
Pagka nakita nya yung kabutihan mo, yung singalot sa puso ng nakaalitan maaring humupa yun eh,
sadly hindi niya nakita feel ko nga ako lang nakakakita sa mga nangyayare samin dalawa(nakita ko rin yung feelings niya at naintindihan ko yun lang nag bubulagbulagan ako na hindi ko siya nababasa)#2# pero siguro mali ako nakikita rin siguro niya yung "misunderstanding" ito yung main reason at continuous na reason

at isa pa boss umiiwas akong maging plastic yung pakitang tao thingy iniiwasan ko pero nagagawa ko parin

tulad niyo na umiiwas sa kasalanan pero nagkakasala parin
Roma, 12:17 - Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao.
simply means "huwag gumanti" "pag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay at magagalit pa yung binato mo ng tinapay"
Sana naunawaan mo.
gets ko po kaya lang tulad nga ng nangyare ano plan b kapag hindi niya nakita ipa Diyos ko nalang? edi yung cycle babalik dun sa #1# pag hindi siya tumigil o hindi ako na reborn
Pagpapala ibibigay mo hindi pagsusumpa.
alam na yung gagawin pero minsan hindi nagagawa dahil sa temptation.. yung mga evil thoughts na magaling tumulak
 
isa pa po
counted po ba ito sa non human?
counted ba ito kay satanas na forever ata kaaway ng tao

Una sa lahat kung maari pagdating sa pang personal na advice medyo di pa ako expert sa pagbibigay payo. Pero kung maka attend ka sana ng doctrina? malalaman mo kasi meron naman kasalanang napapatawad ng Dios. Meron din mga mabibigat na kasalanan na pinaiiwas sa mga cristiano. Dun mo malalaman lahat sa Mass Indoctrination.

Pero sa kasukatan ng pananampalataya kung lolobin ito ng Dios. Ito ang maipapayo.

Kaw ng nagsabi hindi niya nakikita ang mga kabutihang ginagawa mo sa kanya at namimiss understood niya, kung tama ako sa pagkakaintindi ko.

°Maaring sadyang me ugali na tao na ganun. Na hindi nakakakita ng kabutihan. Pero ayoko siyang hatulan kasi hindi ko naman siya kilalang personal at diko nasasaksihan. Pagliliwanag lng po baka lng naman.

°Maaaring may trumatrabaho na hindi nakikita ng ating mga mata.
Sa biblia kasi ang tawag sa kanila ay mga hangin na makapangyarihan na tumatrabaho ng mga pasuway sa Panginoon.

📖 Efeso 2:2 - Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway;

Ito yung mga masasamang espiritu na trumatrabaho upang makahatak ng tao na gumawa ng masama, para mailayu sila sa Panginoon.

Yung gawain o bunga kasi ng Espiritu Santo hindi sa masama eh.

📖 Galacia 5:22 - Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,

°Meron naman nadadala sila sa sarili nila sa pagiging pantas sa sarili nila. O masyadong pinapraktis yung pagiging self righteous. Sa pagaakala nila sa sarili nila ay tama.

📖 Santiago 1:14 - Kundi ang bawa't tao ay natutukso, pagka nahihila ng sariling masamang pita at nahihikayat.

Kaya maging mapanuri ka Wag kang magpapadala sa masama. Wag mong pansinin.

Gawin mong lng yung kalooban ng Panginoon.

Kahit ako naranasan ko rin yan, sinisiraan pa ako sa mga katrabaho ko noon. Pero di ko pinapansin. Wala kasi masumpungan sakin eh. Nagstalk pa sa FB wall ko akala naman nya gaya ako ng iba na kapag may kaaway mag shoshout out sa facebook. Kwento sakin. Fb account ko puro ganto rin abwt bible quotes.

Ganon talaga, nararanasan yan ng lahat ng cristianong natatakot sa Panginoon. Napagdadaanan.. yung tinatawag sa biblia na paguusig.

📖 2 Timoteo, 3:12 - Oo, at lahat na ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng paguusig.

Kung susundin mo yung kalooban ng Dios kay cristo maaring makaranas ka talaga ng mga paguusig kasi yung ginagawa mo kokontra sa hindi nakasanayan ng iba. Kaya di maiiwasan mararanasan mo yan.

Pero kung lagi na talaga siyang ganon kaw nagsabi hostile siya sayo kahit ginawa mo na part mo wag mo nlng pilitin.

Except lng kung siya ay ganito...

📖 Kawikaan, 22:24 - Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin; at sa mainiting tao ay huwag kang sasama:

Kung ang tao ika nga may Attitude Problem na yung tipong sarili na nya mismo may problema kahit ano pang kabutihan ibigay mo pag talagang magalitin siyang tao eh talagang magalitin yun. Kung bugnutin yung tao talagang bugnutin yun. Pinatigas na ng puso nya yun.

Iwasan mong makisama sa ganon dahil sa ganong ugali mahahawa ka sa ganong paguugali.

📖 1 Corinto, 15:33 - Huwag kayong padaya: Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali.

Nagawa mo na part mo. IpagpasaDios mo nlng.

Abante lng wag kang aatras. Kasi pag umurong ka di ka rin kalulugdan ng Panginoon.

📖 Hebreo, 10:38 - Nguni't ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya: At kung siya ay umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa.

Manalangin ka at magtiwala.
Panghawakan mo Salita ng Dios.
 
hindi ko na rereplyan isa isa kung may sasabihin ako baka matulad nanaman dun sa pm na nauwi sa muntik napalayas sa phc

thank you po sa advice
may dalawa pa po ako katanungan kaya lang nalimutan yung isa

Ito yung mga masasamang espiritu na trumatrabaho upang makahatak ng tao na gumawa ng masama, para mailayu sila sa Panginoon.
evil spirit ba talaga tawag sa kanila o demon spirit?

ang evil spirit ba ay demon spirit?

sabi kasi ng bible hindi daw
kasi may maraming evil spirit dun sa demon spirit at maraming demon spirit dun sa human spirit
 
hindi ko na rereplyan isa isa kung may sasabihin ako baka matulad nanaman dun sa pm na nauwi sa muntik napalayas sa phc

thank you po sa advice
may dalawa pa po ako katanungan kaya lang nalimutan yung isa

evil spirit ba talaga tawag sa kanila o demon spirit?

ang evil spirit ba ay demon spirit?

sabi kasi ng bible hindi daw
kasi may maraming evil spirit dun sa demon spirit at maraming demon spirit dun sa human spirit

Ang demonio ay evil spirit.
Kasi gawain ng demonio ang magharm, mangposess. Mahilig din sila sa kuta ng mga hari upang makapalaganap ng paghahari.

Parang ganito, ang lalake ay masamang tao. Kuha mo punto?

Kasi sa greek ang demonio or δαιμνιον ay Noun
Samantalang Evil or πονηρ ay Adjective
According to greek dictionary.

Kaya evil spirit ang demonio.

Sabi mo Maraming Demon spirit ang human spirit? Hindi ganon Kundi Maraming Demon spirit ang human body.

Si Maria Magdalena yung pinagaling siya pitong demonio ang lumabas katawan nya. Masamang espiritu yun.

📖 Lucas 8:2 - At ang ilang babae na pinagaling sa masasamang espiritu at sa mga sakit, si Maria, na tinatawag na Magdalena, na sa kaniya'y pitong demonio ang nagsilabas,

Kasi ang katawang lupa ang tinitirhan ng espiritu.

📖 1 Corinto 6:19 - O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios? at hindi kayo sa inyong sarili;

Ang katawan ay nagiging templo ng espiritu.
 
Kung mapagpatawad ang diyos, para saan pa ang impyerno?

Alam mo ba na may ibang nilalang din na noong nagkasala, kailan man hindi pinatawad ng Dios? Sino sino mga yun?

📖 2 Pedro, 2:4 - Sapagka't kung ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel nang mangagkasala ang mga yaon, kundi sila'y ibinulid sa impierno, at kinulong sa mga hukay ng kadiliman, upang ilaan sa paghuhukom;

Ito yung mga anghel na noong nagkasala, di pinatawad, at inilaan sila para sa darating na impierno.

Sa paanong sila ay nagkasala?

May mga anghel kasi noon na iniwan nila ang nature ng pagiging anghel, at sumuway sa Panginoon. Sila'y hindi na pinatawad.

📖 Judas 1:6 - At ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw.

So ang impierno hindi lng para sa tao na maaring di maligtas, Ang impierno inilaan din para sa mga anghel na sumuway sa Panginoon.

Kung baga ang impierno kalalagyan ng mga tinatawag sa biblia... mga Kasuklamsuklam sa Panginoon.

📖 Apocalipsis 21:8 - Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.

Kasi ang pangako ng Dios na ang kaniyang Kaharian ng Langit o Paraiso, kailan man hindi makakapasok duon ang mga bagay na kasuklamsuklam sa Panginoon.

📖 Apocalipsis 21:27 - At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero.

Tinatahanan kasi ng Katuwiran ang Kaharian ng Langit.

📖 2 Pedro, 3:13 - Nguni't, ayon sa kaniyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran.

Kaya mapuputa lng doon yung mga maliligtas at may pagasang maligtas.

📖 Mateo 25:34 - Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan:

Sa kahulihulihan Dios parin ang siyang hahatol.

.......................................................

Mention pala kay Satanas, yung diablo.. kz nasa list na siya sa impierno sa dagatdagatang apoy.

📖 Apocalipsis 12:9 - At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.

📖 Apocalipsis 20:10 - At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.

Nahatulan na kz ng Panginoon yan.
Nakalaan na ang impierno sa kaniya.

📖Juan 16:11 - Tungkol sa paghatol, sapagka't ang prinsipe ng sanglibutang ito ay hinatulan na.
 
Last edited:
Ang demonio ay evil spirit.
Kasi gawain ng demonio ang magharm, mangposess. Mahilig din sila sa kuta ng mga hari upang makapalaganap ng paghahari.

Parang ganito, ang lalake ay masamang tao. Kuha mo punto?

Kasi sa greek ang demonio or δαιμνιον ay Noun
Samantalang Evil or πονηρ ay Adjective
According to greek dictionary.

Kaya evil spirit ang demonio.

Sabi mo Maraming Demon spirit ang human spirit? Hindi ganon Kundi Maraming Demon spirit ang human body.

Si Maria Magdalena yung pinagaling siya pitong demonio ang lumabas katawan nya. Masamang espiritu yun.

📖Lucas 8:2 - At ang ilang babae na pinagaling sa masasamang espiritu at sa mga sakit, si Maria, na tinatawag na Magdalena, na sa kaniya'y pitong demonio ang nagsilabas,

Kasi ang katawang lupa ang tinitirhan ng espiritu.

📖 1 Corinto 6:19 - O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo, na tinanggap ninyo sa Dios? at hindi kayo sa inyong sarili;

Ang katawan ay nagiging templo ng espiritu.
salamat po
 
Alam mo ba na may ibang nilalang din na noong nagkasala, kailan man hindi pinatawad ng Dios? Sino sino mga yun?

📖 2 Pedro, 2:4 - Sapagka't kung ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel nang mangagkasala ang mga yaon, kundi sila'y ibinulid sa impierno, at kinulong sa mga hukay ng kadiliman, upang ilaan sa paghuhukom;

Ito yung mga anghel na noong nagkasala, di pinatawad, at inilaan sila para sa darating na impierno.

Sa paanong sila ay nagkasala?

May mga anghel kasi noon na iniwan nila ang nature ng pagiging anghel, at sumuway sa Panginoon. Sila'y hindi na pinatawad.

📖 Judas 1:6 - At ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw.

So ang impierno hindi lng para sa tao na maaring di maligtas, Ang impierno inilaan din para sa mga anghel na sumuway sa Panginoon.

Kung baga ang impierno kalalagyan ng mga tinatawag sa biblia... mga Kasuklamsuklam sa Panginoon.

📖 Apocalipsis 21:8 - Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.

Kasi ang pangako ng Dios na ang kaniyang Kaharian ng Langit o Paraiso, kailan man hindi makakapasok duon ang mga bagay na kasuklamsuklam sa Panginoon.

📖 Apocalipsis 21:27 - At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero.

Tinatahanan kasi ng Katuwiran ang Kaharian ng Langit.

📖 2 Pedro, 3:13 - Nguni't, ayon sa kaniyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran.

Kaya mapuputa lng doon yung mga maliligtas at may pagasang maligtas.

📖 Mateo 25:34 - Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan:

Sa kahulihulihan Dios parin ang siyang hahatol.

.......................................................

Mention pala kay Satanas, yung diablo.. kz nasa list na siya sa impierno sa dagatdagatang apoy.

📖 Apocalipsis 12:9 - At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.

📖 Apocalipsis 20:10 - At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.

Nahatulan na kz ng Panginoon yan.
Nakalaan na ang impierno sa kaniya.

📖Juan 16:11 - Tungkol sa paghatol, sapagka't ang prinsipe ng sanglibutang ito ay hinatulan na.
Ibig bang sabihin ay ipokrito ang diyos? Itinuturo nya ang magpatawad pero sya mismo may hindi mapatawad.
 
Ibig bang sabihin ay ipokrito ang diyos? Itinuturo nya ang magpatawad pero sya mismo may hindi mapatawad.

You Quote: Ibig bang sabihin ay ipokrito ang diyos? Itinuturo nya ang magpatawad pero sya mismo may hindi mapatawad.

Hindi ganon at walang ganon. Maghulos dili ka.

Unang una hindi mo nalalaman ang pinagmulan ng salitang ipokrito, hipokrito, mapapagpaimbabaw. Hyprocrite.

IMG_20200121_122243.jpg

Ano ba yung magpagpaimbabaw? Ipokrito, Hypocrite?

📖 Roma, 12:9 - Ang pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw. Kapootan ninyo ang masama; makisanib kayo sa mabuti.

Sabi walang pagpapaimbabaw ang kapopootan ang masama.

Ang Dios may kinapopootan eh!. Yung kasamaan at kalikuan ng mga tao.

📖 Roma, 1:18 - Sapagka't ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan;

So Saan siya naging ipokrito?
Saan siya naging mapagpaimbabaw?

Hindi siya ganon. Walang ganon. Nagmamaling akala ka.

Hindi mo lang siguro naiitindihan ang hangarin o ibig ng Dios sa tao.

Ano yung ibig ng Dios sa mga tao?

📖 2 Pedro 3:9 - Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.

May Ibig ang Dios na ang tao ay hindi mapahamak. Sa anong paraan hindi mapapahamak?

📖1 Corinto, 10:9 - Ni huwag din naman nating tuksuhin ang Panginoon, na gaya ng pagkatukso ng ilan sa kanila, at nangapahamak sa pamamagitan ng mga ahas.

May mga tao pala nangapahamak sa pamamagitan ng ahas.

Sino yung ahas na yun?

📖 Apocalipsis 12:9 - At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.

Si Satanas pala yung tinatawag na ahas sa biblia.

Katunayan meron ngang iba eh kaagapay na ni Satanas.

📖 1 Kay Timoteo, 5:15 - Sapagka't ang mga iba'y nagsibaling na sa hulihan ni Satanas.

Yan ang katotohan, may iba na ayaw ng magpasakop sa Panginoon. Nagsibaling na sa hulihan ni Satanas.

Meron namang iba na kung magisip sadyang matayog na magisip, in the sense na pati ang Dios Ama pinaparatangan na ng masasama, gaya ng pagiisip ng mga hindi nagsisimpalataya.

📖 Roma, 12:3 - Sapagka't sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay, sa bawa't tao sa inyo, na huwag magisip sa kaniyang sarili ng totoong matayog kay sa nararapat niyang isipin; kundi magisip na may kahinahunan, ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawa't isa.

May pagibig ang Dios sa mga taong may pagasang maligtas baka di mo nalalaman?

Bibigyan kita ng Pagibig o pagsinta ng Dios sa tao.

📖Juan 3:16 - Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Napakabuting pagkakaloob na ibinigay ng Dios ang kaniyang Anak para tubusin ang kasalanan ng sinoman.

At kapag napabilang ka sa katubusan ng kasalanan, May pangako pang pamana na magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Magpasakop ka lng sa Dios.

📖 Santiago, 4:7 - Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa't magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo.

At susundin mo ang kaniyang mga utos.

📖 Ecclesiastes 12:13 - Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.

Makikita mo makalalasap ka yung buhay na may kapatawaran.

Hindi ba yan paraan kaniyang pagpapatawad? May pagibig na tutubus sa kasalanan?

You Quote: Itinuturo niya magpatawad pero siya mismo may hindi mapapatawad.

Ayan na oh! May nakalatag sa post na ang Dios nagpapatawad. Pero kailangan mong magpatawad para patawarin ka. Ano ka?... Dios lang magpapatawad sayo tapos ikaw hindi magpapatawad? Sino ngayon ang ipokrito?

Sino ba ang tinutukoy mo na may hindi mapapatawad? ang mga anghel noong nagkasala ay hindi nya pinatawad?

Kasi ang mga anghel. Sila'y nasa langit, nakalasap na ng mga bagay na ukol sa langit. Kung napansin mo ang langit at Paraiso, tahanan ng Dios ng Kaniyang Katuwiran. Ang mga ibang anghel nalalaman nila ang nararapat nilang kinalalagyan, iniwan pa nila ang estado ng pangiging anghel. Silay naging masuwayin na sa Panginoon. Kung baga sinasadya na nila ang sumaway sa Panginoon.

Natural hindi na sila patatawarin kz nilisan na nila eh. Kuha mo punto?

Huwag ganyan masama yang paratang mo sa Dios. Huwag mo ng uulitin. Mapapahamak ka pati kaluluwa mo.
 
Attachments

Last edited:
You Quote: Ibig bang sabihin ay ipokrito ang diyos? Itinuturo nya ang magpatawad pero sya mismo may hindi mapatawad.

Hindi ganon at walang ganon. Maghulos dili ka.

Unang una hindi mo nalalaman ang pinagmulan ng salitang ipokrito, hipokrito, mapapagpaimbabaw. Hyprocrite.

View attachment 766851

Ano ba yung magpagpaimbabaw? Ipokrito, Hypocrite?

📖 Roma, 12:9 - Ang pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw. Kapootan ninyo ang masama; makisanib kayo sa mabuti.

Sabi walang pagpapaimbabaw ang kapopootan ang masama.

Ang Dios may kinapopootan eh!. Yung kasamaan at kalikuan ng mga tao.

📖 Roma, 1:18 - Sapagka't ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan;

So Saan siya naging ipokrito?
Saan siya naging mapagpaimbabaw?

Hindi siya ganon. Walang ganon. Nagmamaling akala ka.

Hindi mo lang siguro naiitindihan ang hangarin o ibig ng Dios sa tao.

Ano yung ibig ng Dios sa mga tao?

📖 2 Pedro 3:9 - Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.

May Ibig ang Dios na ang tao ay hindi mapahamak. Sa anong paraan hindi mapapahamak?

📖1 Corinto, 10:9 - Ni huwag din naman nating tuksuhin ang Panginoon, na gaya ng pagkatukso ng ilan sa kanila, at nangapahamak sa pamamagitan ng mga ahas.

May mga tao pala nangapahamak sa pamamagitan ng ahas.

Sino yung ahas na yun?

📖 Apocalipsis 12:9 - At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.

Si Satanas pala yung tinatawag na ahas sa biblia.

Katunay meron ngang iba eh kaagapay na ni Satanas.

📖 1 Kay Timoteo, 5:15 - Sapagka't ang mga iba'y nagsibaling na sa hulihan ni Satanas.

Yan ang katotohan, may iba na ayaw ng magpasakop sa Panginoon. Nagsibaling na sa hulihan ni Satanas.

Meron namang iba na kung magisip sadyang matayog na magisip, in the sense na pati ang Dios Ama pinaparatangan na ng masasama, gaya ng pagiisip ng mga hindi nagsisimpalataya.

📖 Roma, 12:3 - Sapagka't sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay, sa bawa't tao sa inyo, na huwag magisip sa kaniyang sarili ng totoong matayog kay sa nararapat niyang isipin; kundi magisip na may kahinahunan, ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawa't isa.

May pagibig ang Dios sa mga taong may pagasang maligtas baka di mo nalalaman?

Bibigyan kita ng Pagibig o pagsinta ng Dios sa tao.

📖Juan 3:16 - Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Napakabuting pagkakaloob na ibinigay ng Dios ang kaniyang Anak para tubusin ang kasalanan ng sinoman.

At kapag napabilang ka sa katubusan ng kasalanan, May pangako pang pamana na magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Magpasakop ka lng sa Dios.

📖 Santiago, 4:7 - Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa't magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo.

At susundin mo ang kaniyang mga utos.

📖 Ecclesiastes 12:13 - Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.

Makikita mo makalalasap ka yung buhay na may kapatawaran.

Hindi ba yan paraan kaniyang pagpapatawad? May pagibig na tutubus sa kasalanan?

You Quote: Itinuturo niya magpatawad pero siya mismo may hindi mapapatawad.

Ayan na oh! May nakalatag sa post na ang Dios nagpapatawad. Pero kailangan mong magpatawad para patawarin ka. Ano ka?... Dios lang magpapatawad sayo tapos ikaw hindi magpapatawad? Sino ngayon ang ipokrito?

Sino ba ang tinutukoy mo na may hindi mapapatawad? ang mga anghel noong nagkasala ay hindi nya pinatawad?

Kasi ang mga anghel. Sila'y nasa langit, nakalasap na ng mga bagay na ukol sa langit. Kung napansin mo ang langit at Paraiso, tahanan ng Dios ng Kaniyang Katuwiran. Ang mga ibang anghel nalalaman nila ang nararapat nilang kinalalagyan, iniwan pa nila ang estado ng pangiging anghel. Silay naging masuwayin na sa Panginoon. Kung baga sinasadya na nila ang sumaway sa Panginoon.

Natural hindi na sila patatawarin kz nilisan na nila eh. Kuha mo punto?

Huwag ganyan masama yang paratang mo sa Dios. Huwag mo ng uulitin. Mapapahamak ka pati kaluluwa mo.
So babalik ulit, kung nagpapatawad ang diyos, bakit nga may impyerno?
 
So babalik ulit, kung nagpapatawad ang diyos, bakit nga may impyerno?

Backread na lng tayo unawain mong mabuti kung nauunawaan mo kalooban ng Dios. At kung hindi mo talaga nauunawaan. Baka nga hindi ipinagkaloob sayo na makunawa ng mga bagay na ukol sa Panginoon.

Natutupad lang yung hula ng biblia na sarado ang aklat sa mga hindi nakakaunawa.

📖 Lucas, 8:10 - At sinabi niya, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa mga iba'y sa mga talinghaga; upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita, at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa.

Malinaw ang Salita ng Dios sa nakakaunawa.
 
expected sa triple 6 na username
nag hahanap lang yan ng butas

at walang katuturang debate rofl
 
Last edited:
Hirap ba i-defend ang argumentong madaming butas?

Nasa bibig mo na nagsasabi, ayaw mo talaga tanggapin Salita ng Panginoon, kahit ano pang verse ihaharap sayo ayaw mong unawain. Dahil naghahanap kalang ng masisilo. Butas lang hinahanap mo.

Hindi talaga ipagkakaloob sayo yan na maunawaan mo. Kasi masama hangarin mo. Sabi ng Dios. Wala sa masama ang makakaunawa.

📖Daniel 12:10 - Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni't ang masasama ay gagawa na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa.

Anong butas?
Di mo nga matutulan eh! sablay pa yang kaimpokrituan mo.

Tama si Cute-Piggy napansin ko rin yan.
Hindi nakapagtataka. Nasa hulihan ka ng tanda anticristo sabi ng sa biblia. Ginagamit mo sa username mo 666?

📖 Apocalipsis 13:18 - Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu't anim.

📖 Apocalipsis 19:20 - At sinunggaban ang hayop, at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa harapan nito, na siyang ipinangdaya sa mga nagsitanggap ng tanda ng hayop at sa mga sumamba sa larawan nito: ang dalawang ito ay inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy na nagliliyab sa asupre:

Magbago ka na kaibigan.

Matakot ka sa Dios. Sumunod ka lng sa Reproof ng Dios. Makikita ko ipagkakaloob nya sayo ang unawa.

📖 Proverbs 1:23 kjv Turn you at my reproof: behold, I will pour out my spirit unto you, I will make known my words unto you.

Hanggat may panahon pa.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top