What's new

Closed GF problems. Help!

Status
Not open for further replies.
- suyuin mo ts. in short ligawan mo ulet kung mahal mo talaga.
- you could also use this cool off to think for yourself if kaya mo pa ang relationship. there is nothing wrong with cool offs or break ups. atleast you understand that relationships are not always meant to be long for some. and not every relationships are perfect.
 
Ang gawin niyong dalawa mag paka matured, gawing sentro sa buhay ang panginoon. Napaka babaw lang naman ng mga bagay pinapalaki pa hahaha. Kaya be matured.
 
Pwede niyo pagusapan kung bakit ba talaga kaya nag aaway....para pag alam muna ang cause then pwede mu na hanapan ng solution ..wag cool off deritso break up yan

Need mu alamin ang cause ng problem para masolutionan ...wag maghinala....prangkahin mu
 
masinsinang usap yan ts tanongin mo din sa kanya kung nag kulang kaba tanongin mo kung anong problema baka may nagawa ka na ayaw niya or something na sinusuway nyo ang isat isa pag nag cool kayo diretso na yan sa kamatayan ng relasyon.
 
Maganda mag cool off sir give her space, paramdam mo sakanya yung feeling na wala ka sa tabi niya. Make her miss you, wag mong kausapin ng mga 3 months. , kadalasan kase dahilan kung bakit ganyan yung mga babae kase na ooverwhelm siya sa presensya mo. Kausapin mo lang ng maganda, sabihin mo sakanya na bibigay mo sakanya yung space niya, cool off muna. Wag ka mag paramdam wag ka mag papakita saknya na para bang hindi kana nag eexist sa mundo. Pero wag na wag mo i bblock or unfriend sa social media. Hahahaha
 
Space. Been there, done that. Para malaman niyo ulit value isat isa thru missing each other.

Came from experience.
 
maliliit na bagay ata pinagaawayan nyo, give lang ng space, tsaka unawaan lang. kung talagang mapupunta kayo sa hiwalayan, dahil lang sa mababaw na dahilan, it means di matibay relasyon nyo.
 
Parang ikaw ang babae ts ah. Ibig sabihin niyan, bumagsak ka na sa test ng mga babae, sub conscious yun. Pumapalag na eh. hehe. Kailangan ng bakal na paninindigan, kung gusto mo ayusin, subukan mo, astigan mo na. Pero kung takot ka magpakalalaki, tapon na yan, ayusin mo muna sarili mo. ibig sabihin, wag ka matakot na mawala, madami babae sa mundo. Kung ako kuya o tatay mo, papush up in kita 100, gisingin mo yang diwa mo, alalahanin mo na lalaki ka at hindi babae. klaro na tayo diyan, intindihin mo lang
 
Parang ganyan din ako dati ts hahaha. May time na halos one week kme nag aaway ng gf ko dati (misis ko na now). Forgiveness, understanding and trust pero higit sa lahat yung pagmamahal. Need mag adjust talaga ts kahit mahirap.
 
Hindi ka dapat pumapayag na makipag cool-off sa partner mo. Ang Babaw kasi ng dahilan kung bakit kailangan mo humingi ng space at time para sa karelasiyon mo. Para lang ba mahanap mo kung ano gusto mo o dapat niyo ba talagang ituloy 'yung nasimulan niyo.

Dalawa lang 'yan, Oo o hindi, magtutulungan ba kayo o magkan'ya-kan'ya nalang?

Hindi mo na kailangan ng space para lang malaman mo kung anoman 'yang gusto mong malaman sa sarili mo, kung pagod ka magpahinga ka pero 'wag kang bibitaw sa relasiyon niyong dalawa, magpahinga ka kasama ng partner mo, kung naguguluhan ka, pag usapan niyong dalawa, 'yung punto dito 'wag mong sanayin sarili mo na wala 'yung karelasiyon mo kasi balang araw pag kayo nagkatuluyan pag may dumating na ganiyan o mas mabigat na problema alam niyo paano i-handle.

Kung may problema pag-usapan agad, 'wag pairalin ang pride, hanapin niyo 'yung mali sa relasiyon niyo ng magkasama. Walang gagamot sa relasiyon niyo kung parehas kayong pasiyente.
 
Nangyayari talaga yan sa mga magkarelasyon like sa amin, ayan laging away dahil may mga bagay na 'di kayo nagkakaintindihan, meron din naman dahil sa ganito ganyan. Normal lang yan sa mga babae kasi mostly sa kanila gusto lang magpalambing or iba naman dahil ayaw na nalalamangan sila. Ang gawin mo dyan paps is to have a communication with her, di ko sinasabing literal na usap kundi intindihin natin yung mga bagay na kung anong meron sa kanila, yung mga bagay na gusto niya at ayaw niya. Kausapin mo siya ng mahinhin, or lambingin mo, sabihan mo na mahal mo siya kasi kapag sinabi mong gawin mo muna is magcool off edi sana di nalang ikaw nanghingi ng advice. All you need to do is to communicate, to understand, to learn and mostly the real important thing na kailangan makuha ng isa't isa is to love. Kahit mahal mo yung tao, di mo siya kayang ipagpalit at iwan. Kalma lang, be matured ika nga.
 
Ang pinakasagot sa ganyan dapat may isa sa inyong marunong magpakumbaba. Kung yung isa wala ng ibang ginawa kundi makipagtalo wag nang sabayan ng pakikipagtalo kasi mauuwi talaga sa hindi pagkakasundo at hiwalayan yon. Maging mahinahon ka TS at mapagpasensya, hintayin mo na lumamig ulo nya saka ka makipagusap ng maayos. Parang tubig at apoy lang yan. Kung yung gf mo apoy dapat ikaw yung magsilbing tubig sa inyong dalawa, kase kung parehas kayong apoy lalo lang lalaki yung apoy.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top