What's new

Closed bakit kaya di na oopen pc ko kahit power wala.

Status
Not open for further replies.

ThePirateBay

Forum Guru
sana may tumulong saken. di kasi na oopn pc ko.. di pa naman ako marunung mag ayos nito.

salamat sana may mag guide manlang.
 
Power supply po, kung me iba ka pang cpu, pd mo muna tangalin ung power supply nya at matesting dyan sa unit mo, pero kung wala po, try mo maghanap ng mahiraman para matesting bago u bili, generic psu is mga 800 at mahal pag branded.
 
Try mo muna i troubleshoot ang power outlet mismo papunta sa fuse ng psu malamang din naputol na ang fuse ng psu kahit mismong kurdon kadalasan may fuse din. so dapat may continuity ng power mga yan. Ngayon para naman makumpirma mo na ang psu nga ang may problema kung wala kang multi meter i disconnect mo ang psu connector from motherboard yung 20+4pin tapos i jumper mo yung green wire at any black wire (supply at ground yun) then i switch on mo yang psu mo kung may switch man dapat maka received ng power ang fan
 
Kung may spare PC ka, tanggalin mo lahat ng parts (CPU, GPU, RAM, HD/SSD, etc.,) sa sira na PC. Linisin mo ang mga tinanggal na parts at isa-isa mo subukan sa spare PC. Kapag lahat gumana, either yung Board o PSU ang sira sa kabilang PC.

Kung wala ka naman spare PC, pwede ka pumunta sa mga computer shops (suggest ko sa Gilmore) at patignan ang PC mo. Hindi ko lang alam kung magkano na ngayon, kasi P300 - P500 lang ang bayad ko noon.
 
Troubleshoot mo muna ang power supply.
May roon ka bang multi tester?Marunong ka bang gumamit ng multi tester? Kung mayron tanggalin mo yung power supply mo. E test mo muna ang power cord mo pag okey e check mo yung mo ang yung fuse pag hindi ba bursted. Pag okey plug mo sa power outlet ang power supply mo tapos e set mo ang multe tester mo sa 10vdc tapos e check mo ang kang kanyang standbye power nasa black and green color ng wire yon ang black ay negative lahat yon ang green ay yon ang standbye power +5volts yon. Ilagay mo ang negative test probe mo sa black wire sa multiple socket connector tapos ang positive test probe sa green kailangan mayroong reading na +5 volts ibig sabihin okey ang kanyang standbye power. Sunod econnect mo ang green wire sa black wire ng socket connector gamit yung jumper wire pag umandar ang cooling fan ng iyong power supply ibig sabihin okey ang iyong power supply at wala dyan ang problema. Feedback lang kung magawa mo ang primary troubleshooting at pupunta na tayo sa susunod na troubleshooting.
 
Last edited:
na experienced ko ung PSU mag on saglit tapos off... overheating sya.. binukasan ko tapos nilinisan ngaun ok na... try mo ring palitan ung CMOS battery ng mobo
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top