What's new

Help 8 years na sa trabaho pero walang asenso. Anong gagawin ko?

sa ganong sahod mo ts malaki na para samin yan, sabayan mo ng sipag at tiyaga, tech support ako sa isang corp. sa sipag at tyaga tamang ipon lang tulad nga ng sabi na wag ibuhos lahat sa business unti untiin mo lang
ngayon i have my printing business na ts at nakapundar na dn ng mga kaunting luho sa sarili
 
Try mo boss maghanap ng mga rakets o small business isip ng medyo alam mo na negosyo para bukod sa monthly mo na income may extra ka for sure may asenso ka ng mararamdaman pag naboom yan .
 
Mahirap po tlga lalo na pag nag rerent kayu ng bahay, kami 10yrs na nag rerent. kaya we decided na umuwi sa probinxa at tumira sa parents pero nakabukod, para maka less sa gastusin, marami opportunity lalo na sau 8yrs kana sa work mu, laban lang.... marami pa jan malaking offer, wag matakot sumubok. tiis lang tlga sa umpisa.
 
Mga Lods pasenxa na kayo at ngayon ko lang nadalaw to ginawa kong thread. Naiiyak ako habang binabasa ko mga comments nyo and at the same time lumalakas loob ko na lalong pag igihan at pag harap sa mga hamon ng buhay. Maraming maraming salamat sa inyo. Di ko na kayo iisa-isahin. Pero napaka swerte ko at kabilang at sa PHCORNER Family. Pag yumaman ako hahanapin ko talaga kayong lahat para mailibre man lang. Maraming salamat mga lods. Tama kayo, laban lang tayo.

God Bless Us All mga Lods! 🥰
 
The fact na 8yrs ka na sa work mo then 25k ka pa din? Then walang promotion? Nasa maling company ka sir. Kung tutuusin 8yrs halos mga managerial positon yung may mga ganyang yrs of experience or yan na yung mga nasa supervisor roles etc. Resign ka na jan, sa 8yrs na experience mo marami na kukuha sayo sa IT field. Good luck sayo bro, wag ka na magtiis jan.
 
IT pala ang work mo , try mo e maximize ang talent mo un related sa field mo ,try mo mg ipon at subukan mo mg business un mga possive income like pisonet or pisowifi , hotspot voucher . marami tutorial dyan sa internet ,pag aralan mo lng ,dagdag income pa yan .
 
Ako di asenso...pero umangat income ko ...from 20k to 50-100k a month. Nakapundar ng bahay fully ρáíd.

HS Grad lang ako, at di ko gusto maging ofw iiwan mo mahal mo sa buhay dahil lang sa pera at maikli lang buhay. Isa akong Freelancer.

Wag ka maniwala abroad ang solusyon, dmo alam kelan ka mawawala. Ok mag abroad kung mag bakasyon at kasama mo mahal sa buhay yan dapat mindset.

May pera sa pilipinas maniwala ka sakin. Diskarte lang talaga...makinig ka sa mga milyonaryo self made
 
Ako di asenso...pero umangat income ko ...from 20k to 50-100k a month. Nakapundar ng bahay fully ρáíd.

HS Grad lang ako, at di ko gusto maging ofw iiwan mo mahal mo sa buhay dahil lang sa pera at maikli lang buhay. Isa akong Freelancer.

Wag ka maniwala abroad ang solusyon, dmo alam kelan ka mawawala. Ok mag abroad kung mag bakasyon at kasama mo mahal sa buhay yan dapat mindset.

May pera sa pilipinas maniwala ka sakin. Diskarte lang talaga...makinig ka sa mga milyonaryo self made
anong niche mo sir?
 
oo abroad ka. ofw ako. medyo sacrifice lang talaga lalo na at may family ka pero in return naman para ay sahod, makakaipon ka ng mabilis. isipin nyo na lang po na para sa kinababukasan kaya lalayo ka.

kapag nagyari iyon. ipon ka lang. save lagi. huwag itataas ang level ng pamumuhay. kasi mag seset ka ng goal. hndi porket abroad ka na ay itataas ng family mo ang level of expense. hindi po ganun. ipon lang para sa goal mo. bili house and lot. rent to own. mga ganun po.

good luck po sa iyong future. kaya mo yan
Ofw ako from saudi arabia for 6 years and going .. pero miski piso wala naman naiipon. makakapag ipon ka kung pang sarili mo lang at di mo bubuhayin yung buong pamilya mo :) just saying
 
Ofw ako from saudi arabia for 6 years and going .. pero miski piso wala naman naiipon. makakapag ipon ka kung pang sarili mo lang at di mo bubuhayin yung buong pamilya mo :) just saying
wrong mindset po. Kayang kaya mag ipon kahit may pamilya na. Kakaroon ko lang ng pamilya, nakakag pag ipon padin ako.

Nasa pag iisip yan. Tanggalin natin ang mindset na pang mahirap.
 
Late na ata ako for suggestion pero ang suggestion ko, lipat ka ng company. Kung 8years ka na tapos ganyan pa rin sahod mo lumipat ka na talaga.

1. Dapat sa 8 years mo, mas malaki na d'yan sahod mo. May salary adjustment dapat ang mga company dahil sa inflation.
2. Nasa tech industry ka. Yung 8 years experience mo p'wede mo magamit 'yan. Madami company ang hahanap ng tech support.
3. Yung sa anak mo, pilitin mo makapasok s'ya sa state University. Example sa PUP, maraming branch ang PUP. Meron sa QC, Sta. Mesa, San Juan at iba pa. Wala kang babayaran na tuition. Pamasahe, pangkain at extra curricular activities lang kung meron man.

Good luck.
 
Kung ano skill mo ngayon idevelope mo ng sa gayon ay makapag apply ka mas malaking industriya. O sabihin na natin sa abroad.
 
Back
Top