What's new

Closed Human Organ îllégâl Trafficking

Status
Not open for further replies.
Dagdag impormasyon tungkol sa pangingidnap ng KIDNAP FOR ORGANS GANG. Ano ang kalakaran sa likod ng îllégâl organ trafficking at nauuwi sa pag kidnap ng ating mga kababayan? Base sa aming nasagap na intelligence report.

Sumisikat ngayon ang Pilipinas sa mga desperadong dayuhang organ patient thru online transaction. Nagsisimula ang transaction sa mga lehitimong medical websites dito sa Pilipinas na nag-aalok ng iba-ibang serbisyong medikal tungkol sa ORGAN TRANSPLANT MEDICAL PROCEEDURE. Kidney,Liver,Eye at iba pang bahagi ng katawan ng tao na pwedeng itransplant depende sa panga-ngailangan ng isang dayuhang pasyente or minsan kahit local na pasyente. Ang hindi maganda dito, hindi alam ng mga pasyente kung saan nanggagaling ang mga organs dahil, ang pagkakaalam at sinasabi sa mga pasyente ay kusang ibinibenta ang pinanggalingan ng organ donor. Ang hindi alam ng pasyente ito ay nanggagaling sa mga biktima ng pwersahang pag kidnap sa ating mga kababayan at pwersahang kukunin ang lamang loob ng biktima kapalit ng malaking halaga ng pera. Base sa aming impormasyon, kasabwat ang ilang mga medical professional sa îllégâl na aktibidad na ito.

Pag sa America sobrang hirap ang pag hahanap ng organ donor, kahit may pang bayad ka pa, maghihintay pa ng available na organ donor bago sumailalim sa transplant proceedure, minsan inaabot ng anim na buwan o ilang taon bago makahanap ng donor pag sa legal proceedure.

OUT OF ORGAN TRANSPLANT PATIENT DESPERATION,
dito pumupunta ngayon sa ating bansa ang mga banyagang willing magbayad kahit milyong-milyong piso masagip lang ang kanilang buhay sa pamamagitan ng îllégâl Organ Transplant Medical Proceedure, ni hindi nila alam ku saan nanggagaling organ na ililipat sa kanila at kung sino ang donor.

Dahil sa malaking demand ng mga organ donor at malaking pera ang involved, dito na pumapasok ang mga sindikatong nagsasamantalang mangidnap ng mga BATA at KABABAIHAN sa ating bansa upang kumita lang ng malaki ang mga kawatan na ito.

PAALALA SA LAHAT KUNG ANO ANG ATING MGA DAPAT GAWIN:

1. Hanggat maari wag makipag-usap sa hindi natin kakilala, lalo ng kung may nakahintong sasakyan sa harapan ninyo, wag sumama o sumakay sa sasakayan nila kung sila ay nagpapasama upang ituro ang direksyon na kunwariy naliligaw sila.

2. (VERY IMPORTANT) Pag may nakipag usap na hindi mo kakilala, mas maganda na magduda muna bago magtiwala.

3. Wag mag pagabi sa daan at iwasang maglakad sa madidilim na bahagi at kung maaari ay iwasang maglakad ng mag-isa.

4. Pag ikaw ay nakuha ng mga kawatan na ito, maging alisto at magkaroon ng presence of mind paano makawala at makatawag ng pansin sa pwedeng makatulong sayo pag nagkaroon ng pagkakataon. itago agad ang inyong celfone upang makatawag o mag text sa inyong kamag-anak o kaibigan.

5. Wag tumanggap ng kahit ano mang pagkain o amuyin ang anong mang pabango o softener pag hindi kakilala ang nag ooffer nito, dahil ito ang paraan para mahilo kayo at mawalan ng malay para madali kayong ma kidnap.

Wag pong ipag walang bahala ang mga paalala na ito. Wag pong kalimutang I-tag ang inyong mahal sa buhay at I-share ang post na ito upang ipakalat sa ating mamamayan.

At wag po kalimutang I-Like ang aming FB Account Page para sa mga bagong updates.

Mag-ingat po tayo at mag-kaisa upang masugpo ang ganitong kriminalidad sa ating lipunan.
 
hoi kyle gawa ka muna ng research bago ka gumawa ng sarili mong haka haka eh wala namang naitalang record nyang nawawalang bata this 2019
watch this YøùTùbé ni yorme isko false alarm kayo
https://www.YøùTùbé.com/watch?v=pnJB_0kfP5Q
 
hoi kyle gawa ka muna ng research bago ka gumawa ng sarili mong haka haka eh wala namang naitalang record nyang nawawalang bata this 2019
watch this yôutubê ni yorme isko false alarm kayo
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Boss sa manila lang wlang nangyayare or any data about sa crime, pero sa ibang lugar may nangyayare talaga tulad dito samin, wlang masama maging handa.
 
puro manila ung mga nakapost sa fb kaya naalarma c mayor isko tinanong sa mga general negative zero incident, nanawagan pa sya na magpunta ung may mga issue na magulang sa kanyang office, ung mga video year 2014 pa mga un may mga nananakot lang whats the purpose? marahil nangunguka lang ng views yan sa YøùTùbé para kumita or support sa mga kanilang fb page
 
"At wag po kalimutang I-Like ang aming FB Account Page para sa mga bagong updates.
Mag-ingat po tayo at mag-kaisa upang masugpo ang ganitong kriminalidad sa ating lipunan."

words of wisdom pa nga lang neyworking propaganda na, pero walang masama sa pag iingat hehehe at wag nang maglike ng magshare ng kung ano mang social media na yan
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top